Isa sa mga karaniwang nararanasang skin problems ng tao ay ang acne o tigyawat. Madalas itong tumubo sa mukha ngunit kung minsan ay maaari ring maapektuhan ang likod, dibdib at iba pang parte ng katawan. Kadalasan, nakakaapekto rin ang problema sa tigyawat sa ating self-confidence lalo na kung ito ay matagal gumaling, dumarami o di kaya’y nag-iiwan ng marka.
Mabuti na lamang at maraming acne spot treatment products na maaari mong mabili online. Kung kasalukuyan kang on the hunt para sa magandang brand ng acne spot treatment, tamang-tama ang aming listahan for you!
Patuloy na magbasa at alamin ang best acne spot treatment brands. Plus, kumuha ng skin care tips na maaaring makatulong sa pagpapaigi ng kondisyon ng iyong balat.
Talaan ng Nilalaman
Paano pumili ng skin products
Importante na piliing mabuti ang skin care products na gagamitin para sa iyong mukha lalo na kung ikaw ay may sensitive o acne-prone skin. Kaya naman upang gabayan ka, narito ang ilang factors na dapat mong i-consider:
Ingredients
Mahalagang i-check ang nilalaman ng produktong gagamitin sa balat. May mga ingredients kasi na harsh sa balat at maaaring magpalala ng problema sa balat. Makabubuting pumili ng produktong gawa sa natural ingredients para makasiguradong ligtas ito at gentle sa balat.
Skin type
Dapat ding i-consider ang iyong skin type sa pagpili ng produkto. May mga produkto kasing ginawa para sa mga partikular na skin types gaya ng oily skin at blemish-prone skin. Mayroon din namang puwede sa lahat ng skin types.
Target skin concern
Kung may skin problems na nais solusyonan, hanapin din ang produkto na ginawa para dito. Gaya na lamang ng problema sa acne. Maraming spot treatment products na ginawa para dito na makakatulong sa mabilisang paghilom nito.
Sino ang gagamit
Huwag ding kalimutang i-consider ang factor na ito. May mga produkto kasing akma o hindi akma sa bawat indibidwal. Halimbawa na lamang kung ang gagamit ay nagdadalang tao o di kaya ay bata pa. May mga ingredients na maaaring makasama sa buntis o di kaya ay sa mga batang may extra sensitive skin.
Best Acne Spot Treatment Brands
Mama's Choice Anti-Acne Serum
|
Buy on Shopee |
Benzac Spots Treatment 5%
Most Trusted
|
Buy Here |
Celeteque Acne Solutions Spot Corrector Gel
Best Hypoallergenic
|
Buy Here |
Kiehl's Blue Herbal Spot Treatment
Best for Oily and Blemish-prone skin
|
Buy Here |
Cosrx Acne Patch
Best fast-acting
|
Buy Here |
Happy Skin Pimple Patch
Best invisible
|
Buy Here |
Skintific Mugwort Mask
Best Mask
|
Buy Here |
Mama’s Choice Acne Serum
Best for Pregnant and Breastfeeding Moms
Pagdating sa skincare para sa mga buntis o breastfeeding moms, kilala na ang Mama’s Choice dahil lahat ng produkto nila ay specially formulated para sa mga nanay. Ang Mama’s Choice Acne Serum ay clinically tested upang makatulong na balansehin ang natural na microbiome ng balat, bawasan ang labis na sebum at mapawi ang inflamed acne sa loob ng 3 araw.
Ang anti-acne serum na ito ay gawa sa natural ingredients tulad ng Ecocert-Certified Organic Green Tea, Centella Asiatica, at Hyaluronan 11 Multi-Complex na nagpapabuti sa hitsura ng balat at nagpapalakas ng hydration ng balat.
Alam niyo ba na ang serum na ito ay binuo sa pamamagitan ng isang serye ng mga panel test na may 900 Mamas at mga eksperto? Bukod pa riyan, wala itong halong Salicylic Acid, Retinoids, Benzoyl Peroxide at Alcohol na maaaring hindi makabuti sa pagbubuntis.
Upang gamitin ito, kumuha ng ilang patak ng serum at dahan-dahang i-massage sa area ng balat kung saan may acne. Maaari itong gamitin spot treatment at pwede din ipahid sa buong mukha.
Features we love:
- Specially formulated for the sensitive skin of pregnant and breastfeeding moms
- Proven to reduce inflamed acne in as fast as 3 days
- Dermatologically tested
- Hypoallergenic
Benzac Spots Treatment 5%
Most Trusted
Kilala ang Galderma bilang manufacturer ng mga skin products na maganda sa balat at nagbibigay solusyon sa iba’t ibang concerns. Kaya naman di nakakapagtaka kung bakit ang Benzac ay ang isa sa mga most trusted spot treatment gels ng mga Dermatologists. Ito ay water-based gel na naglalaman ng benzoyl peroxide na kilala bilang gamot sa tigyawat.
Kaya nitong tulungang maghilom ang acne sa loob ng 48 hours. Ang gel na ito ay hindi malagkit sa balat at mabilis matuyo. Bukod pa riyan ay makakasiguradong safe at effective ito dahil ito ay clinically at dermatologically tested. Maaari itong ipahid sa affected area, once or twice a day.
Features we love:
- Effective sa pagpapagaling ng acne
- Dermatologically tested
- For all skin types
Celeteque Spot Corrector
Best Hypoallergenic
Isa pa sa magandang acne spot treatment gel ay ang Celeteque Spot Corrector. Ito ay mayroong hypoallergenic formulation kaya naman maaari itong gamitin ng mga taong may sensitive skin. Naglalaman ang gel na ito ng Beta Hydroxy Acid (BHA) at Poly Hydroxy Acid (PHA) na nakakapag exfoliate ng dead skin cells at nakakatulong sa paghilom ng active acne.
Karagdagan, ang acne gel na ito ay may Lilac Leaf Cell Culture Extract din na nakakatulong naman sa pagbawas ng sebum production na kadalasan ay nagiging sanhi ng breakout. Dermatologist-tested din ang produktong ito kaya makakasiguradong ligtas ito gamitin. Inirerekomendang ipahid ito sa active pimples sa umaga at gabi.
Features we love:
- Hypoallergenic
- BHA at PHA
- Prevents future acne breakout
Kiehl’s Blue Herbal Spot Treatment
Best for Oily and Blemish-prone skin
Kung ikaw naman ay may oily skin type o kaya ay blemish-prone, ito ang perfect pick for you! Ang Kiehl’s ay isa rin sa pinakamahusay na brands ng skin care products sa buong mundo. At masasabi ngang holy grail ang kanilang Blue Herbal Spot Treatment dahil sa epektibo itong gamot para sa acne. Naglalaman kasi ito ng 1.5% salicylic acid na may kakayahang hilumin at patuyuin ang tigyawat ng mabilis.
Higit pa riyan, naglalaman din ang formulation nito ng ginger root at frankincense na parehong nagbibigay ng iba’t ibang benepisyo sa balat. Maaari rin itong gamitin para sa blackheads at whiteheads. May smooth cream texture ang herbal product na ito kaya naman light lamang sa pakiramdam kapag pinahid sa balat. Dermatologist-tested din ito para makasiguradong safe ito gamitin.
Features we love:
- Herbal spot cream
- Salicylic acid
- Maganda rin para sa blackheads at whiteheads
Cosrx Acne Patch
Best fast-acting
Isa pa sa magandang spot treatmennt para sa tigyawat ay ang mga Hydrocolloid patches. At isa sa mga brands nito na subok ng karamihan ay ang Cosrx. Ginagamit ito para sa overnight healing ng mga active pimples. Mabisa ang Hydrocolloid sa pagpapagaling ng tigyawat at nakakapagbigay din ito ng proteksyon sa infection.
Ang kagandahan pa sa Cosrx Acne Patch ay naglalaman ito ng iba’t ibang sizes ng Hydrocolloid dressing na maaari mong pagpilian base sa laki ng tigyawat na ginagamot. Hindi rin visible ang patch na ito kapag nilagay sa mukha. Napaka hygienic din ng storage nito dahil ang packaging ay sterilized at resealable.
Features we love:
- Hydrocolloid patches
- Available sa iba’t ibang size
- Sterilized at resealable ang packaging
Happy Skin Pimple Patch
Best invisible
Kung hanap mo naman ay pimple patch na hindi halata kapag nilagay mo sa iyong tigyawat? Ang Happy Skin Pimple Patch ang best choice for you! Ito rin ay isang Hydrocolloid dressing na nagheheal at nagbibigay proteksyon sa acne. Bukod diyan ay mayroon din itong Cica na gumagawa ng barrier mula sa bacteria at polusyon. Kaya naman doble talaga ang proteksyon na naibibigay ng patch na ito.
At dahil nga invisible ang patch na ito, maaari siyang gamitin kahit sa day time. Mas magugustuhan mo rin ito dahil easy-to-peel ang bawat patch at available rin sa iba’t ibang sizes. Water-resistant din ito at nag-iiwan ng matte finish.
Features we love:
- Invisible patch
- Cica – proteksyon sa bacteria at polusyon
- Easy-to-peel at water-resistant
Skintific Mugwort Mask
Best Acne Mask
May mga acne mask din na nakakatulong sa mabilis na paghilom ng mga tigyawat tulad na lamang ng Skintific Mugwort Mask. Maaari itong ilagay sa buong mukha o gamitin bilang spot treatment. Ang clay mask na ito ay gawa sa Mugwort, isang herb na natural healing ingredient dahil sa calming properties nito. Ito ay antibacterial, anti-fungal, anti-inflammatory, anti-aging at nagbibigay proteksyon sa skin barrier.
Bukod pa riyan ay nagtataglay din ito ng Niacinamide na maganda para sa uneven skin tone, textured at aging skin. Mayroon din itong Salicylic acid na nakakapagheal at prevent din ng breakout, at Cica na nakakapagpakalma ng balat. Maaari itong gamitin 2 to 3 times a week sa loob lamang ng 10 to 15 minutes.
Features we love:
- Clay mask
- Calms the skin in 12 hours
- Mugwort, Niacinamide, Salicylic Acid at Cica
Price Comparison Table
Brands | Pack size | Price |
Benzac | 15 g | Php 475.00 |
Celeteque | 15 ml | Php 467.00 |
Kiehl’s | 15 ml | Php 1,800.00 |
Cosrx | 24 patches | Php 200.00 |
Happy Skin | 15 patches | Php 179.00 |
Skintific Mugwort Mask | 55 g | Php 350.00 |
Skin Care Tips for Acne
Narito ang ilang skin care tips na makakatulong sa iyong acne problems:
- Limitahan lamang hanggang dalawang beses ang paghihilamos nh mukha upang maiwasan ang dryness.
- Gumamit ng mild cleanser o di kaya ay facial wash na ginawa para solusyonan ang tigyawat.
- Huwag gumamit ng mga produktong may mga harsh ingredients o di kaya ay matapang sa balat dahil magsasanhi ito ng mas matinding breakout.
- Gumamit ng mga acne spot treatment products.
- Ugaliin ang pag gamit ng sunscreen upang maproteksyunan ang mukha sa UVA at UVB rays.
- Kumain ng gulay at prutas, at panatiliing hydrated ang katawan.
- Iwasan ang stress dahil ito ay maaari ring magdulot ng acne breakout.
Kung patuloy ang pagdami ng tigyawat, mas makabubuting komonsulta sa isang Dermatologist upang matulungan kang pumili ng mga produktong gagamitin.