1 buwang activity para sa mga 4 years old hanggang 5 years old

Para sa development ng iyong 4-5 taong gulang na anak, narito ang mga indoor activities na makakatulong sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang mga indoor activities for 4 years old – 5 years old kid na siguradong mai-enjoy ng anak mo sa loob ng isang buwan.

Image from Freepik

Activities for 4 year old – 5 years old

Ang edad na 4-5 taong gulang ang mga edad kung saan maari ng mag-simulang mag-aral ang mga bata. Ito ang tamang edad upang simulan na silang turuang kabisaduhin ang mga letra. Pati na ang tamang pagbibilang at pagkasunod-sunod ng mga numero.

Kaya naman dapat ay i-expose sila sa mga activities na makakatulong sa kanilang ma-enjoy ang pag-aaral. Pati na ang mga activities na susuporta sa kanilang speaking at listening skills. Dahil sa edad na ito ay mas nagiging curios at matanong na sila. Marami narin silang nalalamang salita kaya naman mas kaya na nilang makipag-usap sa mga matatanda. Marunong narin silang sumagot ng mga tanong ng mas madali at may logical reasoning. At kaya na nilang i-express ang kanilang feelings o nararamdaman.

Karamihan nga ng mga bata sa edad na ito ay nai-enjoy ang singing, rhyming at pagbuo ng mga salita. Very energetic rin sila at laging excited sumubok ng mga bagong bagay. At ang mga healthy developments na ito sa early years ng isang bata ay hindi niya makakamtan kung walang suporta at gabay na mula sa kaniyang pamilya. Ayon nga sa CDC, maliban sa proper nutrition at exercise ay kailangan rin nila ng healthy home. Dahil ang pag-spend ng oras kasama ang pamilya ang isa sa pinakamabisag paraan para mahasa ang mga skills at ablilites nila.

“The early years of a child’s life are very important for his or her health and development. Healthy development means that children of all abilities, including those with special health care needs, are able to grow up where their social, emotional and educational needs are met. Having a safe and loving home and spending time with family―playing, singing, reading, and talking―are very important. Proper nutrition, exercise, and sleep also can make a big difference.”

Ito ang pahayag ng CDC sa kanilang website.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Activities para sa development ng 4-year old na bata

Image from Freepik

Tulad nalang ng mga 4-year-old na bata na mga miniature explorers at scientist ang level ng curiosity. Kaya na nilang maglaro ng mag-isa na kung saan mas nahahasa ang developing brains at imagination nila. Kaya narin nilang magbihis at ihubad ang damit nila ng hindi na kailangan pa ng tulong ng matanda.

Nagsisimula narin silang maging mas interested sa letters, numbers, shapes at colors. Kaya naman ang pagsasagawa ng mga task at activities na kaugnay sa mga ito ay hindi niya lang naii-enjoy, kung hindi naghahasa narin ng focus at creativity niya,

Ito rin ang edad ng bata na kung saan mabilis na nagdedevelop ang kaniyang cognitive at motor skills. Kaya payo ng child development specialist na si Dr. Judy Sloop ay dapat mag-introduce ang mga parents at caregivers ng mga games at activities na makakatulong sa development ng mga skills na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Focus on games that help children work on sensorimotor coordination, interaction with other children, creative thinking, and following directions.”

Ito ang pahayag ni Dr. Sloop.

Ilan nga sa mga activities na maaring gawin ng 4-year-old na bata para ma-improve ang mga skills na ito, ay ang sumusunod:

1-month activity para sa 4-year old na bata

Week/day Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sunday
Week 1 Indoor obstacle course Hide-and-seek stuffed animals Make your own Play-Doh Build a castle Foam Mosaics Fantasy play Number Dosas
Week 2 Sorting Snowballs and Marbles Alphabet Tree

 

Trace letters A Story Game Matching shapes Scavenger Hunt Dishwashing
Week 3 Drawing using colored chalks Kids and cutlery Board games Do some baking Paper weaving Play card Sous chef

Week 4

Copy dancing I spy Jigsaw puzzles Building blocks Circle painting Puppet show Folding laundry
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Activities para sa development ng 5-year old na bata

Image from Freepik

Ang development ng 5-year old na bata naman ay puno ng emotional extremes at contradictions. Dahil ito ang stage na kung saan nasa “big kid” phase of development na sila ng kanilang pagkabata.

Kumpara sa mga toddler ay mas nagpapakita na sila ng self-control. Kaya na nilang maupo ng matagal habang nakikinig sa mga itinuturo o instructions na ibinibigay sa kanila. Pero magkaganoon man ay pinag-aaaralan parin nilang i-regulate ang kanilang emotions. Kaya naman sa edad na ito ay prone parin sila sa meltdowns kahit dahil lang ito sa maliliit na bagay.

Sa edad na ito ay mas nagiging precise at more coordinated na ang kanilang paggalaw. Mas nagiging malawak narin ang kanilang imagination. Kaya na nilang bumuo ng mga stories na susundan ng mas maraming tanong na naghihintay lagi ng sagot.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman mahalaga na mai-engage sila sa mga activities na makakatulong sa development ng kanilang body and mind. Mga physical activities na magpapalusog ng kanilang katawan habang hinahasa ang kanilang imagination, self-confidence at independence.

Ilan nga sa mga activites na maari nilang gawin na makakatulong sa kanilang development ay ang sumusunod:

1-month activity para sa 5-year old na bata

Week/day Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sunday
Week 1 A-B-C socks Number chart I see stuffed animals Pet store game Rhyming games Shape vests Word board

 

Week 2 Shape bingo Hula-hoop toss Count n’ match It’s about time Bouncing numbers How many? Dice game

 

Week 3 Memory cards Dress up Marble painting Animal habitats Number play dough Imaginative play Indoor camping
Week 4 Junior scrabble Building blocks Play bingo Throwing games Story time Make a fort out of blankets and pillows Play hide and seek

Ang mga nabanggit ay halimbawa lamang ng mga activities for 4 year old – 5 years old. Marami pang ibang task na maari mong ipagawa sa iyong anak na makakatulong sa kaniyang development. At maari niyang makumpleto o gawin sa loob lang ng inyong bahay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

SOURCE: Care, CDC, Oxford Owl

BASAHIN: Mga family activities na pwedeng gawin ngayong Chinese New Year