Adenovirus umano ang sanhi ng pagkamatay ng malusog na batang si Tristan Ang. Isang 9-year old na Taekwondo black belter mula sa California.
Dahil sa matinding sipon
Ayon sa mga magulang ni Tristan, isang linggo bago pumanaw ang kanilang anak ay nakaranas ito ng matinding sipon. Sinabayan din daw ito ng panghihina ng kanilang anak na noon ay kagagaling lang din sa isang Taekwondo competition isang buwan lang ang nakakaraan.
Saka na daw ito nagkaroon ng lagnat, labis na pananakit ng ulo at pagsusuka.
Dahil sa parehong nurse ang magulang ay binigyan si Tristan ng Tylenol at Motrin para maibsan ang lagnat at iba pang sintomas. Ngunit hindi parin umaayos ang lagay ng kanilang anak kaya naman minabuti nilang dalhin na ito sa ospital.
Ayon sa doktor na tumingin kay Tristan, maaring ito lang daw ay dahil sa dehydration kaya naman pinauwi si Tristan at pinayuhang magpahinga at sumailalim sa water therapy. Pero hindi parin ito nakatulong at sa pagdaan ng araw ay mas lumala pa ang kondisyon ni Tristan. Naging disoriented na ito at confused na hindi na kayang sabihin kahit ang kaniyang pangalan.
Dito na mas nag-aalala ang mga magulang ni Tristan at dinalang muli sa ospital ang kanilang anak. Sa tagpong ito ay dineretso agad sa ICU si Tristan na noon daw ay nakakaranas na ng pamamaga sa kaniyang utak. Ngunit, siya ay negatibo sa sakit na meningitis.
Sa patuloy na pagsusuri ng mga doktor doon na nila natuklasan na si Tristan ay tinamaan ng bibihirang kumplikasyon. Ito ay dulot ng matinding sipon na kung tawagin ay adenovirus.
Habang nasa ospital ay apat na beses tumigil ang puso ni Tristan dahil sa sakit na naging dahilan ng kaniyang maagang pagkamatay.
Laking gulat ng mga magulang ni Tristan sa nangyari sa kanilang anak. Hindi nila akalain na ang matinding sipon ay magdudulot ng kasawian ng anak nilang physically active at healthy.
Ano ang adenovirus?
Ang adenovirus ay isang virus na nakakaapekto sa mata, airways at lungs, intestines, urinary tract, at nervous system. Ang mga sintomas nito ay matinding sipon na sasabayan ng lagnat, ubo, sore throat, diarrhea at pink eye o sore eyes.
Maari rin itong magdulot ng ear infection at urinary tract infection o hirap at hapdi sa pag-ihi. Kapag hindi agad nalunasan ang virus ay mauuwi sa pamamaga ng utak (meningitis) at spinal cord (encephalitis) na maaring makamatay.
Kung ang iyong anak ay tatlong buwan pababa at nakaranas ng mga nasabing sintomas ay agad na dalhin na ito sa doktor.
Ang adenovirus ay madalas na tumatama sa mga bata ngunit maari din itong makaapekto sa mga matatanda.
Ito ay naihahawa sa pamamagitan ng pag-ubo o pag-bahing ng sinumang infected nito. O kaya naman ay sa paghawak ng mga laruan o gamit na nahawakan ng bata o matandang may adenovirus.
Malulunasan ang adenovirus sa pamamagitan ng pag-inom ng anibiotics na sasabayan ng pag-inom ng maraming tubig at pagpapahinga.
Ang adenovirus ay nakamamatay lamang sa mga batang may mahinang immune system, ngunit ang kaso ni Tristan ay kakaiba.
Kaya naman paalala ng mga magulang sa ibang kapwa magulang ay bantayang maigi ang kalusugan ng kanilang anak. Dahil kahit daw ang pinakamalusog na bata ay maaring magkasakit at mamatay.
Source: DailyMail UK, WebMD
Basahin: Sanggol muntik nang mamatay dahil sa sipon