Adik sa online games: Nanay ng binatilyo sa viral video, nagsalita na

Unang napabalita na 48 oras nang naglalaro ang binatilyo at hindi na nakakakain sa tamang oras kaya nagpasya ang nanay niya na subuan na siya ng pagkain habang naglalaro.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pasan ng ilang magulang ang pakainin nang tama ang kanilang mga anak. Maraming dahilan ang pagiging mahina kumain ng bata, kabilang na ang pagiging pihikan sa pagkain. Ngunit ang masaklap ay kung ito ay dahil sa pagiging adik sa online games at ayaw magpa-istorbo sa paglalaro.

Adik sa online games ang anak

Isang ina mula sa Cabanatuan, Nueva Ecija ang naitampok sa isang video na naging agaw-pansin sa social media kamakailan. Nalathala sa ilang international media outlets ang istorya ukol sa ginawang pagpapakain ng Pilipinang ina sa kaniyang anak na abalang-abala sa paglalaro ng online games.

Sa mga impormasyong nalathala, sinabing ang binatilyo umano ay adik sa online games at 48 oras nang walang tigil sa paglalaro noong pinakain siya ng almusal ng kanyang ina sa viral video.

“Kawawa naman ang anak ko. Hindi ka na yata umiihi,” ang sabi ng ina habang hindi naman tumitinag ang atensyon ng binatilyong anak sa kanyang laro.

Kinondena ito ng halos lahat ng netizens sa iba’t-ibang panig ng mundo at binatikos ang pagiging magulang ng kanyang ina.

Narito ang video ng mag-ina:

Panig ng ina ukol sa umano’y pagiging adik sa online games ng anak

Sa eksklusibong panayam ng theAsianparent Philippines, binigyang-linaw ng ina ang kumakalat na balita ukol sa video.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pinabulaanan ni Lilybeth Marvel Garcia, isang massage therapist, ang paratang na adik sa online games ang kanyang 13-anyos na anak na si Carlito Garcia.

“Hindi po totoo na 48 hours siya nagge-games,” paliwanag ni Lilybeth ukol sa impormasyong 48 oras nang walang tigil sa paglalaro ng online games ang anak niya nang mai-video.

“Yung video po na pinapakain ko siya is katuwaan lang. Yan lang yung araw na iyon kasi day off ko at gusto kong bumawi sa kaniya. Siya na kasi ang nag-aasikaso sa bahay kapag nasa trabaho ako,” dagdag niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Carlito at ang kanyang buong pamilya

Si Carlito bilang anak

Panganay sa tatlong magkakapatid si Carlito. “Mabait na bata at masipag sa bahay ngunit tamad lang kumain” kung ilarawan siya ni Lilybeth. “Siya ang nagluluto ng food para sa mga kapatid niya [kapag wala kami sa bahay]” sabi niya.

Nahumaling sa larong “Rules of Survival” ang binatilyong si Carlito ayon kay Lilybeth. Nakaapekto sa kaniyang pag-aaral ang madalas nitong paglalaro dahil hindi na ito pumapasok sa kaniyang klase. Ito rin ang naging dahilan upang mapilitan ang kaniyang mga magulang na patigilin muna siya ng pag-aaral.

“Yes po, nag-stop siya kasi hindi na siya pumapasok sa mga subject niya because of online game. Sawa na kong sabihan siya sa kaka-computer niya. Yan yung araw na-stop na siya sa mag-school” ani Lilybeth.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Inamin din ni Lilybeth na hindi naging epektibo ang kamay na bakal sa kaniyang panganay kaya imbis na lalo itong higpitan ay binago niya ang kanyang pakikitungo sa kanyang anak. Nagbunga daw ito ng mabuti sa samahan nilang mag-ina.

“Napapagod din ako ng kakahiyaw kaya imbis na hiyawan ko siya, inuutusan ko siyang may lambing. Ibang diskarte para sumunod siya at naging effective naman sa kanya” sabi niya.

Nilinaw ni Lilybeth na may routine na ginagawa ang kanyang anak at hindi lang puro laro ang inaatupag.

“Hindi ko alam kung ilang oras yung bente pesos sa Internet [pero] pagkatapos niya [maglaro] yan, gagawa na siya sa house para asikasuhin yung mga kapatid niya na pauwi galing school. Wala kaming oras mag-asawa na maka-bonding sila tulad ng dati kasi busy kami pareho sa trabaho,” dagdag ni Lilybeth.

Reaksyon ni Lilybeth sa mga taong bumabatikos sa kanya

Binura ni Lilybeth ang naunang video na kumalat sa social media dahil sa tindi ng batikos na inabot niya sa mga netizens. Nagpost rin siya ng kanyang maiksing paliwanag at nagpasalamat sa pag-unawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga tips upang maiwasan ang pagiging adik sa online games ng mga anak

1. Magtakda ng limitasyon sa paggamit ng computer o gadgets na hindi hihigit sa dalawang oras upang maagapan ang pagiging dependent ng iyong anak sa mga ito.

2. Kunin ang computer o gadgets mula sa iyong anak at itago kung ito ay hindi sumusunod sa oras na itinakda sa paglalaro ng mga online games. Ito ay upang maipakita sa kanya na kailangan niyang sumunod sa inyong napagkasunduan.

3. Kung sumusunod na sa itinakdang oras ang bata, muling ibigay sa kanya ang computer at gadgets. Maipaparamdam nito sa iyong anak na seryoso ka sa inyong kasunduan.

4. Hayaan siyang pagsikapang makuha ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa iyong anak ng mga tasks gaya ng paggawa ng takdang-aralin, pagtatangkap ng kanyang mga laruan at iba pang gawain.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ganitong paraan maiintindihan ng mga bata na kailangan munang tapusin ang mga importanteng bagay bago gumugol ng oras sa paglalaro ng online games.

5. Kausapin nang masinsinan ang iyong anak at ipaliwanag sa kanya ang ‘pros and cons’ ng pagiging adik sa online games.

Ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon sa pagitan ng magulang at anak ang magbibigay-daan upang maunawaan ng anak ang ginagawang paghihigpit ng magulang sa oras ng paglalaro ng online games.

Walang masama sa paglalaro ng online games, basta dapat ay nasa moderasyon lamang ito.

 

Source: Daily Mail, The Mirror, Lilybeth Marvel Garcia, IMom

Images: Lilybeth Marvel Garcia Facebook

BASAHIN: 6 Most dangerous online games for children, apps and smart toys you must avoid!