Ang mga anak ng working moms ay lumalaking masaya

Ayon sa pag-aaral, mayroong advantages ang mga batang may working mothers. Sila ay lumalaking indeprendent at career oriented.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Advantages of working mothers

Hindi maiiwasan sa mga working mothers ang makaramdam ng pagkalumbay kapag iiwanan ang kanilang mga anak upang magtrabaho. Nandyan din ang mga taong hindi mapigilang manghusga sa kanila kapag iniiwanan nila ang kanilang mga anak. Ayon sa New York Times, kailangang iwasan ng mga working mothers ang nararamdaman nilang guilt. Marapat na i-improve ang kanilang time management sa trabaho at responsibilidad sa bahay. Bukod dito, wala ring magpapatunay kung ang mga anak ng stay-at-home moms ay mas masaya kaysa sa mga anak ng working mothers.

Ang mga working moms ay hindi maitatangging abala sa kanilang mga trabaho ngunit hindi ibig sabihin nito na lumalaking hindi masaya ang kanilang mga anak. Ang mental health at happiness ng isang bata ay nakadepende sa kanyang kinalakihang environment at ang kanyang natatanggap na guidance.

Ayon pa sa isang artikulo ng New York Times na Mounting Evidence of Advantages for Children of Working Mothers”. Tinatalakay dito ang advantages ng pagkakaroon ng working mothers. Ang mga anak nila ay kadalasang nagkakaroon ng dagdag na kaalaman at benefits sa usaping economic, educational and social.

Sa realidad, all heroes don’t wear capes, dahil sila ay kadalasang naka-disguised bilang nanay. Narito ang ilang mga positive impacts sa pagkakaroon ng working mothers:

1. Independent Kids

Image from Markus Spiske on Unsplash

Ang mga anak ng working mother ay nasasanay upang maging isang independent na bata. Kahit sa murang edad nasasanay na ang mga itong gumalaw at tumayo sa sarili nilang mga paa. Katulad na lang ng paggawa ng kanilang takdang-aralin, puzzles, pagkain at kung ano ang kanilang susuotin. Habang abala sa pagtatrabaho ang kanilang mga nanay, natututo rin ang mga anak na gumawa ng isang bagay nang sila lang.

2. Better Social Skills

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Anna Samoylova on Unsplash

Kapag nakikita ng isang anak ang pakikisalamuha ng kanyang nanay sa iba’t-ibang klase ng tao, madali rin nilang natututunan ang tamang pag-handle sa pakikipag-usap sa mga tao. Bukod dito, likas din sa kanila ang pakikipagkaibigan sa mga kapwa nila bata kahit na hindi sinasabi ng magulang.

3. Confident

Base sa ilang mga pag-aaral, napag-alaman na mas confident ang mga batang may working mothers. Natututunan nilang harapin ang iba’t-ibang sitwasyon kahit na mahihirapan sila rito. Dahil ito sa kanilang mga nanay na naiimpluwensyahan ang mga anak. Ito ay makakatulong sa mental health ng bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Picking-up life skills

Marami ang responsibilidad ng isang nanay lalo na kung ito ay nagtatrabaho. Nariyan ang office works, deadline ng project o mga gawaing bahay na kailangan nyang gawin ng sabay-sabay. Ang ganitong pag-uugali ay na-aadopt din ng isang bata, kung paano mag-manage ng mga tasks sa maikling oras.

Ayon kay Professor Kathleen L. Mcginn ng Harvard Business School,

“If you’re actually observing an employed mom manage a complex life and handle multiple demands-a job, a family, a household, you see that it can work. Everything we know about role models and social learning suggests that children are actively picking up life skills from adults around them. It’s all about what they’re exposed to as children.”

5. Career Oriented

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Leo Rivason Unsplash

Ang mga babaeng nagtatrabaho ay kadalasang naiinsipire at nagiging career-oriented dahil sa kanilang mga nanay. Ito ay madadala nila hanggang sila ay lumaking ‘hard working’. Sa isang reseach na isinagawa ni Kathleen L. Mcginn, ang mga anak na babae ay karaniwang lumalaking achiever.

Oras na para itigil ang stereotyping pagdating sa mga batang my working moms na lumalaki silang hindi masaya at kulang sa pag-aaruga. Dahil karamihan sa mga batang ito ay hindi lang lumalaking masaya at independent kung hindi napapatibay din nito ang mentalidad ng isang bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Republished and translated with permission from theAsianparent Singapore.

Sinulat ni

Mach Marciano