African swine fever symptoms in humans, nakakahawa nga ba ang sakit na ito sa mga tao?
African swine fever symptoms in humans: Mayroon nga ba?
Kinumpirma ng Department of Agriculture o DAR na nakapasok na nga sa bansa ang African Swine Fever o ASF. Ito ang nakitang dahilan ng pagkamatay ng mga baboy mula sa probinsya ng Rizal at Bulacan.
Bagamat ang sakit na ito ay malaking banta para sa mga alagaing baboy ng mga hog raisers, nilinaw naman ng Department of Health o DOH na hindi ito naihahawa sa mga tao.
“We want to reiterate to the public that ASF is not a threat to human health.”
Ito ang pahayag ni Department of Health Secretary Francisco Duque III.
Dagdag pa niya, hindi porket hindi naihahawa ang African swine fever sa tao ay hindi na dapat mag-ingat. May ibang mga sakit ang maaring makuha sa hindi maayos na pag-hahandle ng mga karne kaya ipinaalala niya na para maiwasan ito ay linisin at lutuin ng maigi ang karneng inihahanda para kainin.
Mga dapat gawin para maiwasan ang pagkalat ng sakit
Dapat din ay bumili lang ng karne ng baboy mula sa reliable sources. Ito ay para makasigurong hindi nagtataglay ng virus ang karneng nabili at maiwasang maikalat ito.
“We want to allay the fears of the public by saying that, as long as pork is bought from reliable sources and it is cooked thoroughly, pork is safe to eat”, dagdag na pahayag ni Duque.
Ayon naman kay Department of Agriculture o DAR Secretary William Dar, ang mga tao ay maaring maging carrier ng ASF virus. Isa ito sa mga paraan ng mabilis na pagkalat ng virus.
“Once you are in contact with this then you go to a hog raisers area, the pathogen is transferred immediately”, pahayag ni Dar.
Kaya para maiwasan ang pagkalat ng sakit ay ipinapayo sa mga pig handlers na maghugas ng kamay at maghugas ng sapatos kung nanggaling sa farm o palengke. Dapat din ay linisin ang gulong ng kanilang sasakyan kung nanggaling sa mga nasabing lugar na maaring pagkapitan din ng sakit.
Hindi rin dapat pinapakain ng mga pagkaing hilaw o undercooked ang mga alagang baboy. Lalo na ang karneng maaring nagtataglay ng virus. Dahil ayon sa DAR, ang mga karneng baboy kahit canned at processed na ay maari paring magtaglay ng virus.
Ano ang African Swine Fever o ASF?
Ang African Swine Fever o ASF ay isang sakit o viral disease na tumatama sa mga domestic at wild pigs.
Ito ay naihahawa o naipapasa sa baboy sa pamamagitan ng pagkakaroon ng contact sa baboy na infected ng virus. O pagkain ng food waste, feed o karne ng baboy na may taglay ng virus. Maari rin itong maipasa ng mga blood-sucking insects tulad ng mga kuto.
Ang mga sintomas ng sakit sa alagaing baboy ay mataas na lagnat, depresyon, kawalan ng gana kumain, pamumula ng tenga, tiyan at legs. Pati na pagsusuka at pagtatae na maari nilang ikamatay.
Muli ang ASF o African Swine Fever ay hindi naihahawa sa tao. Ngunit kailangan paring mag-ingat sa paghahanda ng pagkain lalo na sa pagluluto ng karne ng baboy.
Source: Department of Health, The Philippines Star, Rappler
Photo: Pixabay
Basahin: Ma Ling kabilang sa mga pork meat products na ipinagbabawal ngayon sa bansa