Aga Muhlach sa anak na si Atasha na gusto ng magtrabaho at mag-artista: “Go, see and experience it.”

Ayon kay Aga, bilang isang ama lagi lang siyang nakasuporta sa kung ano mang magpapaligaya sa mga anak niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aga Muhlach proud sa achievement ng anak na si Atasha. Aktor suportado ang anak sa kagustuhan nitong sumunod sa yapak nila ng misis na si Charlene Gonzales na mag-artista.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Aga Muhlach sa pagpasok sa showbiz ng anak niyang si Atasha.
  • Aktor na si Aga Muhlach bilang ama sa mga anak niya.

Aga Muhlach sa pagpasok sa showbiz ng anak niyang si Atasha

Larawan mula sa Instagram account ni Atasha Muhlach

Super proud, ganito ang nararamdaman ni Aga Muhlach sa anak na si Atasha ngayon. Dahil maliban sa malapit na nitong matapos ang business degree niya sa college ay gumagawa narin ito ng sarili niyang pangalan sa modeling at showbizness.

Ayon kay Aga, alam niyang ang pag-aartista ay isa sa mga bagay na nakikita niyang nai-enjoy ng anak. Dahil kahit noong bata pa daw ito at sumasalang sa commercials ay madali daw itong i-direk at talagang natutuwa sa ginagawa niya. Kaya naman ngayon na pa-graduate na ang anak sa kolehiyo ay free na daw itong pumili sa career path na tatahakin niya.

“She chose her school, and what she wants to do. If she wants to work already, I was like, ‘Go, see and experience it.”

Ito daw ang naging reaksyon ni Aga ng magsabi ang anak na gusto na itong magtrabaho at maging artista.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Atasha Muhlach

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aktor na si Aga Muhlach bilang ama sa kambal na anak niya

Dagdag pa ni Aga, hindi lang sa anak na si Atasha all out ang support niya at ng misis na si Charlene. Pati narin sa kakambal nitong si Andres na free ding pumili ng career path na gusto niya sa oras na makatapos ito ng pag-aaral.

“Hindi ako pwedeng manghimasok if they want to make it on their own. But I’m just there. If they fall, get hurt—that’s OK. I know they can do it. And we’re just there for them.”

Ito ang sabi pa ng ama at aktor na si Aga Muhlach.

Larawan mula sa Instagram account ni Aga Muhlach

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement