Aga Muhlach thankful sa presenya ng misis niyang si Charlene Gonzalez sa buhay niya, Ayon sa aktor, ang maging misis si Charlene ay ang pinaka-tamang desisyon na nagawa niya.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Aga Muhlach sa misis na si Charlene Gonzalez.
- Aktor bilang asawa at ama.
Aga Muhlach sa misis na si Charlene Gonzalez
Isa si Aga Muhlach ang isa mga kilalang aktor dito sa bansa. Siya ay tinaguriang ‘Philippines’ Original Heartthrob”. Dahil bago pa man magsulputan ang iba pang kilalang leading man sa entertainment industry ay marami na ang kilig na kilig kay Aga noong 1990s. Pero taong 2001 ay marami ang nagulat ng pinili ni Aga na maikasal sa beauty queen na si Charlene Gonzalez. Siya noon ay 32-anyos palang at nasa tugatog ng kaniyang career bilang isang aktor.
Pero sa isang panayam, sinabi ni Aga na wala siyang pinagsisihan. Sa katunayan ang pagpapakasal daw sa misis na si Charlene ang pinaka-tamang desisyon na nagawa niya sa buhay niya.
“That was one of the best decisions I ever made, marrying Charlene. Up to now, I wake up saying, ‘Thank you, Lord, for my wife.’”
Ito ang pagkukuwento pa ni Aga sa isang panayam.
Larawan mula sa Instagram account ni Aga Muhlach
Aktor bilang asawa at ama
Isa pa nga daw sa dahilan kung bakit mas lalo niyang minahal ang misis niyang si Charlene ay ang dalawa nilang anak na sina Atasha at Andres. Sila ngayon ay parehong pinasok na ang mundo ng modeling at pag-aartista. Pero magkaganoon man ay siniguro ng mag-asawa na natapos muna ng mga ito ang pag-aaral nila. Si Atasha nagtapos pa na may honors sa paaralang kaniyang pinasukan sa ibang bansa. Kaya naman very proud ang mag-asawa sa mga anak nila. Ang mga ito napalaki nilang maayos at normal sa kabila ng kasikatan nilang mag-asawa.
“They made sure to make us experience a normal life, going to school, playing sports. It never really felt any different until recently, when we got older.”
Ito ang pagbabahagi ni Atasha sa isang panayam kung paano sila pinalaki ng kambal niyang si Andres ng kanilang ama at ina.
Larawan mula sa Instagram account ni Aga Muhlach
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!