Aga Muhlach sa pagpapalaki sa kambal na anak na si Atasha at Andres: “Di sila humihingi ng pera. Nahihiya sila"

Ayon kay Aga, hindi rich at spoiled ang mga anak. Disiplinado at responsible sila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aga Muhlach ibinahagi kung paano nila pinalaki ni Charlene Gonzales ang twins nilang si Atasha at Andres. Ayon sa aktor, ang mga anak hindi lumaking spoiled at magastos sa pera.

Mababasa dito ang sumusunod:

Aga Muhlach and Charlene Gonzales twins

Larawan mula sa Instagram account ni Aga Muhlach

Sa isang panayam ay ibinahagi ni Aga Muhlach kung paano nila pinalaki ng misis na si Charlene Gonzales ang twins nilang si Andres at Atasha. Ayon kay Aga, kung akala ng iba na rich at spoiled ang mga anak niya, wala daw itong katotohanan. Pinalaki daw nila ng misis na si Charlene na very responsible at disiplano ang mga anak. At masaya siya na maayos silang namuhay noon sa ibang bansa habang nag-aaral sa kolehiyo.

“Akala ng iba, iniisip nila they’re rich kids, spoiled kids. No, no, no, no. Yung baon nila, kunyari yung lalaki ko, pag nagka-inuman silang college students, ganyan. Kung anong ginastos niyo roon at naubos niya yung ano niya, kunyari may ganito siyang amount na ito, wala siyang kakainin. Hindi siya puwede tumawag sa akin.”

Ito ang pagkukuwento ni Aga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Aga Muhlach

Ayon sa kaniya, nasa 400 to 600 euros lang kada buwan ang allowance ng mga anak niya sa pagkain. Katumbas ito ng P36,000 ng pera sa Pilipinas, pero sa ibang bansa kung saan nag-aaral ang anak ay napakaliit na halaga umano nito. Kaya naman binilinan nila ang mga ito na makibagay at gumawa ng paraan sa oras na naubos ang allowance nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano tinuruan ni Aga at Charlene ng financial management ang mga anak

Larawan mula sa Instagram account ni Aga Muhlach

Ikinuwento nga ni Aga ang isa sa karanasan ng anak na si Andres ng minsang lumabas ito at maubos ang pera niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“May kuwento nga si Andres, minsan daw, nung pumunta kami ron, tapos pag-alis namin sa apartment niya, ilang weeks pa, may pagkain siya, daming stock! Then one day daw, he went out. And pag-uwi niya, naubos niya yung pera niya, then there was no food. Walang pagkain, nagkakalkal siya. Tas pagbukas niya sa sulok, may nakita lang siyang peanut butter na naiwan namin.”

Sa naging karanasan daw ay natuto si Andres. Kaya naman hanggang ngayon ang kambal nila Aga at Charlene nahihiya manghingi ng pera sa mga magulang nila.

“So now, even with them growing up, di sila humihingi ng pera. Nahihiya sila.”

Ito ang sabi pa ni Aga.