Age of consent in the Philippines sa pakikipagtalik na 12-anyos nilalayong itaas ng 18-anyos base sa bagong panukalang batas sa Senado.
Age of consent in the Philippines
Sa kasalukuyan, base sa Anti-Rape Law of 1997, ang age of consent in the Philippines ay 12-anyos. Ito umano ang edad na nasa tamang pag-iisip na ang isang batang lalaki o babae para mag-desisyon kung siya ay makikipagtalik o hindi.
Kinontra naman ito ng Psychological Association of the Philippines. Ayon sa kanila, ang mga 12-anyos ay wala pa sa tamang edad para mag-desisyon sa kung ano ang tama at mali. Dahil sa mga edad na ito daw ay still under development pa ang adolescent brain.
Senate Bill No. 622
Para naman kay Sen. Leila de Lima ang pagpapabaya sa mga 12-anyos na mag-desisyon na makipagtalik ay tila pang-aabanduna sa kanila sa gitna ng isang tunnel ng mazes. Ito daw ay dahil wala pa silang sapat na kaalaman sa pakikipagtalik. Dahil hindi naman daw maayos na tinatalakay ang sex education sa eskwelahan.
Kaya kaugnay nito ay isinusulong ng senadora ang Senate Bill No. 622 o ang batas na mag-aamyenda sa kasalukuyang Article 266 ng Republic Act No. 3815 na nasa ilalim ng Anti-Rape Law. Ito ay sa paglalayong maitaas ang age of consent in the Philippines sa pakikipagtalik sa 18-anyos mula sa 12-anyos.
Ayon kay De Lima, ito ay para maprotektahan ang mga menor de edad sa krimen na rape at iba pang uri ng sexual exploitation at abuse.
“In increasing the age of consent to eighteen years old, the State is sending an unequivocal message that the youth will be protected by all means and at all costs”, dagdag pa niya.
Senate Bill No. 163
Naghain din ng hiwalay na batas si Sen. Risa Hontiveros na nagtataas rin ng age of consent ng pakikipagtalik sa Pilipinas. Ito ay ang Senate Bill No. 163 o Raising the Age of Sexual Consent Act.
Sa ilalim ng panukalang batas ni Hontiveros ay itinataas din ng 18-anyos ang age of consent mula sa 12-anyos. At lahat ng sexual act sa 18-anyos pababa ay itinuturing na kaso ng statutory rape.
Ayon kay Hontiveros, mahalaga ito para ma-protektahan ang mga menor de edad. Lalo pa’t sa kasalukuyang batas maraming biktima ng rape na menor de edad ang hindi makapag-charged ng statutory rape sa mga gumahasa sa kanila.
Nito nga lang 2018 ay naitala ang 4,605 kaso ng rape sa Pilipinas, 804 cases nito ay child rape at 141 cases naman ay child exploitation. Pero ayon sa United Nations isa lang sa kada sampung kaso ng rape ang nai-rereport sa bansa. Dahil hindi naman daw itinuturing na rape ang kaso ng mga 12-anyos pataas na menor de edad.
Pagbibigay diin ni Sen. Hontiveros, mahalagang maaprubahan ang nasabing panukalang batas para sa kinabukasan ng kabataang Pilipino.
“For every hour that we do not pass this bill, another child’s future is put on the line. If we can repair this law, we can prevently repair the road of millions of children’s lives in the future”, dagdag ni Hontiveros.
Pilipinas sa kasalukuyang batas
Sa kasalukuyan ang Pilipinas ang may pinakamababang age of consent sa buong Asya at pangalawa naman sa buong mundo.
Ayon naman sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA, ay naitala ang 106,477 bilang ng Pilipinang nanganak na may gulang 10-19 years old noong 2017. Ito ay katumbas ng 538 ng batang Pilipina na nanganganak kada araw. Ang datos ay nakalap sa isinagawang demographic at health survey ng ahensya sa nasabing taon.
Source: Senate of the Philippines, Senate of the Philippines 18th Congress, ABS-CBN News, Philippine Commission on Women
Photo: Pexels
Basahin: House Bill 3957: “Stealthing” bilang sexual assault