Totoo raw na hiwalay na ang mag-asawang Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan. At may mga issue na posibleng ang age gap ng dalawa ang dahilan na may kaugnayan daw sa kakayahan ni Ai ai na magkaroon pa ng anak kay Gerald.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ai ai delas Alas at Gerald Sibayan hiwalay na!
- Paano harapin ng mag-asawa ang mga issue kalakip ng kanilang age gap?
Ai ai delas Alas at Gerald Sibayan hiwalay na!
Kinumpirma ng veteran entertainment columnist na si Jobert Sucaldito ang hiwalayan ng mag-asawang Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan. Sa online show niyang “OOTD” kasama si Direk Chaps Manansala, inilahad ni Jobert na natapos na ang kanilang relasyon matapos ang 10 taon.
Bagamat matagal nang usap-usapan, naging tahimik ang magkabilang panig, at maging ang kaibigan ng aktres na si Boy Abunda ay walang kumpirmasyon. Subalit ayon kay Jobert, isang malapit na kaibigan ng aktres ang nagpatunay sa balita.
Isa sa mga isyung tinukoy sa kanilang hiwalayan ay ang malayong agwat sa edad ng dalawa. Si Gerald, na mas bata, ay maaaring naghahangad ng pamilya at anak, na hindi na maibibigay ng aktres sa natural na paraan.
Paano harapin ang age-gap issues sa relasyon, lalo na kung may plano na magkakaroon ng anak ang mag-asawa?
Ang pagkakaroon ng malaking age gap sa isang relasyon ay maaaring magdulot ng mga pagsubok, lalo na kung ang pagkakaroon ng anak ay isang isyu. Para sa mga magkasintahan na nasa ganitong sitwasyon, mahalaga ang pagiging bukas sa isa’t isa. Ang pagkakaroon ng anak ay maaaring magdala ng bagong dynamics sa relasyon, at ang pangangailangan ng isa para sa pamilya ay maaaring hindi tugma sa kakayahan o kagustuhan ng kabila.
Isang paraan para harapin ang ganitong isyu ay ang malinaw na komunikasyon tungkol sa mga pangarap at pangmatagalang layunin ng bawat isa. Dapat pag-usapan kung handa bang isakripisyo ng mas matandang partner ang kanyang kalusugan o kung bukas ang mas batang partner sa alternatibong paraan ng pagbuo ng pamilya, gaya ng adoption, fostering, o surrogacy. Sa huli, ang pagkakaroon ng mutual understanding at respeto sa mga pangarap ng bawat isa ang susi para mapanatiling matatag ang kanilang pagsasama.