Aiko Melendez mariing itinanggi, "Hindi po ako kabit."

Ibinahagi ng aktres ang kaniyang nararamdamang kalungkutan kapag tinatawag raw siyang kabit, lalong-lalo na sa social media.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagkaroon ng isang Instagram at Facebook Live ang aktres na si Aiko Melendez noong ika-5 ng Abril, Biyernes, upang ipahayag ang saloobin nito sa mga mapanirang posts di-umano laban sa kanya na siya raw ay isang kabit.

Hindi na nga pinalampas ng aktres ang sobrang ‘foul’ na post laban sa kanya na siya nga raw ay isang kabit ng kanyang current boyfriend na si Subic, Zambales Mayor Jay Khonghun.

Nasambit nito na ang post laban sa kanya di-umano ay galing sa kalaban ng kanyang boyfriend sa pagka-bise gobernador sa kanilang lalawigan. Marahil hindi pinangalanan ni Aiko ang nasabing kalaban ng nobyo, ngunit malinaw na ang kalaban nito sa posisyon sa kanilang lalawigan ay ang kasalukuyang bise gobernador ng Zambales na si Angel Magsaysay-Cheng.

Tungkol sa “foul” post

Unang binigyang pansin ni Aiko ang post diumano sa kanya na siya raw ang “Jade” sa buhay ni Mayor Jay. Kilala si “Jade” bilang isang karakter na ginagampanan ni Yam Concepcion sa teleseryeng Halik ng ABS-CBN. Si Jade ang tila kabit ng karakter ni Ace na ginagampanan ni Sam Milby.

Pahayag ni Aiko, “Una sa lahat, Madam Vice Governor, I don’t wanna name you ‘coz I don’t wanna use your name for your game baka sumikat ka lang. I know this is what you’re waiting for, for me to answer. Kasi pag sumagot ako, magkakaroon ka ng bearing, papansinin ka ng tao.”

Dagdag pa niya, “O sige, I’ll give you your five minutes of fame. But after this, hindi na kita sasagutin dahil wala ka naman talagang bearing sa buhay ko. Una sa lahat, ang election dapat, you stick to the issues.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Hindi po ako kabit”

Labis ngang nasaktan si Aiko sa pagtawag sa kanya na kabit, “yung sa personal isyu na pinu-point out mo, tinatawag mo akong kabit. Hindi po ako kabit,” diin niya.

Aniya, “Una sa lahat, pumasok po ako sa buhay ni Jay, wala na po sila nung ex-wife niya. In fact, gusto niyo po i-check niyo po sa Olongapo, naka-file na po yung annulment nila. Hindi ko po kasalanan kung ang judicial system natin sa Pilipinas ay mabagal. That’s why I am for divorce.”
 
Madamdamin niyang saad, “So how dare you call me kabit? Bakit ka natatakot na pangalanan ako by the nickname na ‘Jade,’ di ba? Sa ex-wife? Ako ang dahilan ng paghihiwalay? Ang kabit itinatago, so naintindihan niyo po kung ano ang diperensiya ng dalawang bagay?”
 
Dagdag pa ng aktres, “Pati anak ko dinamay niyo po. Kung ikaw po ang ganyanin ko, matutuwa ka po? Pinagbibigyan na nga kita nung sinabi mong may sakit ako sa balat kahit may endorsement ako na beauty products, pinagbigyan na po kita, hindi kita pinatulan.”

Mensahe para kay Madam Vice Governor

Sa huling bahagi ng IG at FB Live ng aktres na si Aiko, nag-iwan ito ng payo sa taong hindi pa rin niya gustong pangalanan.

Payo niya, “Advice: if you have nothing good to say about other people, keep quiet. That’s what you call decency. Sometimes you really can’t buy class. I hope and pray that you can just buy it in a sari-sari store but you cannot.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Giit pa ni Aiko, “Sadly, sad to say, your kind of politics is so dirty. Napakadumi. I’m not gonna mention your name because your name doesn’t fit your name. Ito sasabihin ko, Madam Vice Governor, you are elected by the people. Act like one. If you want to be elected again by the people, then be decent. Have a decent mouth. Have some manners. If you can’t buy manners, at least read a book about manners.”

May huling mensahe pa ang aktres sa naturang Madam Vice Governor, “I am going to be your worst nightmare.”

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: PEP.ph

Basahin: Aiko Melendez thanks Google for helping her lose 52 pounds!

[tap-poll id= 37198]