Kabilang daw sa negative effect ng air pollution ay pagkakaroon ng behavioral problems at epekto sa IQ ng bata. Ito ay ayon sa pag-aaral ng mga eksperto.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Air pollution may negative effect sa utak ng bata, ayon sa pag-aaral
- What you need to know about air pollution
Air pollution may negative effect sa utak ng bata, ayon sa pag-aaral
Mainit na usapin ngayon ang kaliwa’t kanang polusyon sa paligid. Kabilang din diyan ang air pollution mayroong sanga-sangang epekto sa mga tao. Numero uno na diyan ang sa lungs dahil hangin ang pangunahing hinihinga natin. Nakagugulat na sa isang pag-aaral ng eksperto ay nakitang mayroon din palang negative effect ang air pollution sa utak ng mga bata.
Ang pag-aaral na tinutukoy ay na-publish sa Environmental Health Perspectives. Kanilang inaral ang 1,967 na participant mothers mula sa iba’t ibang lugar. Dito ay tiningnan nila ang level ng air pollutant exposure sa kada siyudad at kung gaano kalala ang nalalanghap nilang polusyon sa hangin.
Sa pag-aaral, nalaman nila ang epekto ng air pollution bago at matapos man ang pagbubuntis. Ayon kay Yu Ni, ang lead author ng research, ang mga batang na-expose ang kanilang nanay sa nitrogen dioxide ay nagkakaroon ng behavioral problems. Lalo na raw kung sa panahon ito ng first at second trimester.
Habang sa panahon naman sa sila ay 2 hanggang 4 na taong gulang, kung exposed sila sa small-particle pollution (PM2.5), nakitang mas mababa ang behavioral functioning maging ang kanilang cognitive performance.
Mas malala raw ang behavioral problems sa exposure ng ganitong pollution sa mga kababaihan. Samantalang ang adverse effect naman nito para sa mga kalalakihang exposed noong second trimester na sila ay nasa sinapupunan ay mas malala sa kanilang IQ.
Dagdag pa nila, ang pinakakritikal na panahon sa brain development ng baby ay ang mga unang taon na isisilang siya. Dito raw kasi nag-eexplode ang number of neural connections upang ma-reach ang 90% na future adult size.
Kaya sa mga batang nai-inhale na kaagad ang pollutants at napupunta sa lungs nila ay maaaring magkaroon ng damage sa nervous system. Ang ganitong pangyayari ay nagiging sanhi ng pagbabago sa behavior at cognitive function nila.
Ayon naman kay Dr. Catherine Kar na senior author ng pag-aaral, layunin daw nitong maipakita kung gaano ka-vulnerable ang mga bata sa pollution. Pareho raw itong delikado kahit pa nasa sinapupunan pa lamang sila o ipinanganak na,
“This study reinforces the unique vulnerability of children to air pollution — both in fetal life where major organ development and function occurs as well as into childhood when those processes continue.”
Delikado raw ito dahil matagal daw ang epekto nito sa brain function ng bata,
“These early life perturbations can have lasting impacts on lifelong brain function. This study underscores the importance of air pollution as a preventable risk factor for healthy child neurodevelopment,”
What you need to know about air pollution
Malaking problema na kinahaharap ng mundo ang air pollution, ano nga ba ito? Ayon sa World Health Organization ito raw ay any contamination sa natural na characteristics ng ating atmosphere.
“Air pollution is contamination of the indoor or outdoor environment by any chemical, physical or biological agent that modifies the natural characteristics of the atmosphere.”
Naitala pa nila sa data na majority na raw ng populasyon ng buong mundo ang nakakahinga ng hangin na may mataas na level ng pollutant.
“WHO data show that almost all of the global population (99%) breathe air that exceeds WHO guideline limits and contains high levels of pollutants, with low- and middle-income countries suffering from the highest exposures.”
Ang ilan daw sa mga pinangagalingan ng polusyon na ito ay ang mga sumusunod:
- Mga combustion devices na matatagpuan din sa loob ng bahay
- Lahat ng sasakyan na pinaaandar ng motor
- Mga industrial facilities
- Pagkakaroon ng forest fires
- Combustion ng fossil fuels
“Air quality is closely linked to the earth’s climate and ecosystems globally. Many of the drivers of air pollution (i.e. combustion of fossil fuels) are also sources of greenhouse gas emissions.”
“Policies to reduce air pollution, therefore, offer a win-win strategy for both climate and health, lowering the burden of disease attributable to air pollution, as well as contributing to the near- and long-term mitigation of climate change.”
Dagdag pa ng World Health Organization.
Marami na rin daw sakit ang nadadala ng air pollution para sa tao kahit pa nasa lungsod o rural areas man. Naririyan ang stroke, sakit sa puso, acute at chronic respiratory diseases at syempre ang pagkakaroon ng lung cancer.