Natural sa kids na magkaroon ng creative at wild imagination. Madalas din nilang ginugugol ang oras sa kanilang imaginary world.
Mababasa sa artikulong ito:
- Benefits ng paglalaro ng airplane toys sa kids
- How to choose the best airplane toy Philippines
- 5 Best airplane toy options in the Philippines
Isa ang airplane toy sa nagbu-boost ng imagination ng kids at nakatutulong sa pag-develop ng kaniyang creativity at motor skills. Nilista namin ang best airplane toy Philippines dito.
Dinesenyo ang karamihan ng toys ngayon upang i-educate, i-entertain, at i-enhance ang ability ng inyong mga anak na maunawaan ang mundo sa kaniyang paligid.
Isa sa most impressing na laruan para sa maraming bata ang toy airplane. At somepoint, pinangarap din natin noong tayo’y mga bata pa na makalipad sakay ng airplane.
Benefits ng paglalaro ng airplane toys sa kids
Hindi lang basta laruan ang toy airplane dahil malaki ang maitutulong nito sa development ni baby.
- Boost creativity and imagination. Maaaring laruin ang airplane toy bilang pretend play toy kung saan ay ma-iimagine ng inyong anak na siya ay piloto. Kasunod nito’y ang paglawak ng creative imagination niya sa paligid kung saan siya naglalaro.
- Develop motor and sensory skills. Dahil sa modern technology, hindi na lamang basta figure ang mga airplane toy. Karamihan sa mga ito ay umaandar sa ground o lumilipad sa ere. Makatutulong sa development ng kaniyang motor skills ang pagsunod sa galaw ng airplane toy. Dagdag pa rito, ang paggamit niya ng kaniyang muscles sa mga kamay at daliri upang mapagalaw ang airplane toy ay makakatulong din sa kaniyang sensory skills.
- Develop visual tracking ability. Ang visual tracking ability ay tumutukoy sa kakayahang sundan ng tingin ang tao o bagay habang ito ay gumagalaw. Beneficial para sa inyong kids ang paglalaro ng airplane toy upang ma-develop ang ability na ito pati na rin ang hand-eye coordination.
- Develop cognitive ability. Isang oportunidad na mas maunawaan ng inyong kids ang mundo at ang mga bagay rito sa paglalaro ng airplane toy. Sa paglalaro ng airplane toy, nagiging curious si baby na alamin kung paano ito lumilipad o gumagalaw. Sa pamamamagitan nito, maaari mong ipaliwanag sa kaniya ang science sa likod ng movement ng airplane toy.
How to choose the best airplane toy Philippines
Challenging ba pumili ng tamang airplane toy para sa iyong anak? Maaari mong isaalang-alang ang mga sumusunod na pointers sa pagpili ng best airplane toy ng iyong kids:
- Age Appropriateness – Mahalagang alamin kung anong edad maaaring laruin ng inyong kids ang pipiliing airplane toy. Tiyaking akma sa kaniyang edad ang features ng airplane toy.
- Design – Available sa iba’t ibang size, materials at design ang mga airplane toy sa Philippines kaya mabuting isaisip kung gaano kalaki ang akma para sa inyong anak.
- Tech features- Marami nang iba’t ibang tech-features ang mga airplane toy ngayon sa Philippines. Magandang pumili ng airplane toy na makatutulong sa development ng skills ng inyong anak. Alamin kung lumilipad ba ito sa ere o umaandar lamang sa sahig; ito ba ay tumutunog o umiilaw; o maaari ba itong sakyan o hindi.
- Saan ito pwedeng laruin – May mga airplane toy na kailangang sa malawak na espasyo o sa outdoor lamang lalaruin dahil ito ay lumilipad sa malayong range. Kung ganitong airplane toy ang mapili mong bilhin para sa iyong anak siguraduhing mabantayan sila upang maiwasan na mapahamak sa labas ng bahay habang sinusundan ang kanilang airplane toy. Mayroon din namang mga airplane toy na maaaring laruin sa loob ng bahay o indoor. Halimbawa nito ay ang mga airplane toy na hindi lumilipad kundi umaandar lamang sa sahig.
5 Best airplane toy options in the Philippines
Para matulungan ka sa pagpili ng laruan para sa iyong kids narito ang listahan ng best airplane toys na available sa Philippines:
Best airplane toy options in the Philippines
| Bubble Catapult Airplane Launcher Flying Toy Best for developing hand-eye coordination | | View Details | Bumili sa Shopee |
| Simulation Oversized Airplane Set | | View Details | Buy Now |
| Transport Cargo Airplane Best for boosting imagination | | View Details | Bumili sa Shopee |
| Multi-directional Remote-Control Helicopter Best for learning how to follow directions | | View Details | Bumili sa Shopee |
| Electric Foam Airplane Best for developing motor skills | | View Details | Bumili sa Shopee |
Bubble Catapult Airplane Launcher Flying Toy Review
Best for developing hand-eye coordination
Dinisenyo ang Bubble Catapult Airplane Launcher Flying Toy hindi lamang for kids kundi para sa buong pamilya. Safe ito sa mga bata dahil gawa ang airplane toy sa EPP polymer foam boards na magaan, flexible, at impact resistant kaya hindi masasaktan ang kids sakaling tumama sa kanila ang mga toy airplane.
May launcher at apat na foam airplanes ang bawat isang set na easy to carry at suitable para sa iba’t ibang players. Pasado rin sa child safety test ang airplane toy na ito.
Features na gusto namin dito
- Age appropriateness – Recommended ang airplane toy na ito para sa mga nasa edad-3 pataas.
- Design – Science fiction shape, perfect streamline, safety non-slip handle pull-out design na madaling laruin. Iba’t iba rin ang kulay ng bawat foam airplane kaya encouraging para sa mga kids na laruin ito.
- Tech Features – Isa-isang lilipad ang apat na foam airplane sa pamamagitan ng pag pull ng trigger ng launcher nito. Sa paglalaro ng airplane toy na ito ay ma-dedevelop ang hand-eye coordination ng inyong kids sa pag pull ng trigger at visual tracking sa mga lumilipad na airplane toys.
- Saan ito maaaring laruin – Ma-eenjoy ng buong pamilya ang family bonding sa kanilang bakuran, sa beach, sa park o sa kahit saang open area na safe sa mga bata. Super long range outdoor sports glider ito na may effective range of 6-8 meters.
Simulation Oversized Airplane Set Review
Best for developing cognitive ability
2-in-1 ang function ng oversized airplane toy na ito kaya tiyak na ma-eenjoy ng inyong mga anak. Maaaring paandari ang Simulation Oversized Airplane Set gamit ang gulong. Pwede ring buksan ang interior na mayroong iba’t ibang laruan na makatutulong sa inyong kids na magkaroon ng basic traffic knowledge.
Kabilang sa package ang 4 engineering car, 4 police car, at 4 firefighting car kaya marami talagang maaaring magawa ang inyong kids habang naglalaro ng airplane toy na ito. Sa pamamagitan Simulation Oversized Airplane Set, maaaring mahasa ang cognitive skills ng inyong anak sa pagkatuto niya sa iba’t ibang uri ng sasakyang ginagamit ng iba’t iba ring propesyon tulad ng police, engineer, at firefighter.
Features na gusto namin dito
- Age appropriateness – 2 years old pataas.
- Design – May fun styling design at cute cartoon shape na may realistic driving details. Makulay ang exterior at nabubuksan ito upang malaro ni baby ang mga traffic toys sa loob ng airplane toy.
- Tech Feature – Natratransform ang airplane toy na ito mula sa isang oversized airplane toy na umaandar gamit ang gulong patungo sa isang stable open plane na mayroong laman na iba’t ibang airline vehicle.
- Saan ito maaaring laruin – Dahil 2-in-1 ang function ng airplane toy na ito, pwede itong laruin both indoor at outdoor. Pwedeng paandarin ito ng inyong kids sa labas ng bahay, siguraduhin lang na sila ay babantayan upang maiwasan na ma-aksidente. Samantala, pwede ring buksan ang interior ng airplane toy at laruin ito sa loob ng bahay.
Transport Cargo Airplane Review
Best for boosting imagination
Gawa ang Transport Cargo Airplaneito sa ABS material na safe at pollution free kaya confident na makapaglalaro ang inyong kids ng airplane toy na ito. Pwedeng mamili sa apat na theme: firefighter, police, engineering, at military theme.
Bawat isang Transport Cargo Airplane toy ay mayroong 6 alloy car at isang alloy helicopter sa loob ayon sa kung ano ang tema ng cargo airplane toy na pipiliin ng inyong kids. Pwedeng buksan ang pinto ng airplane toy at lagyan ng multiple car toys na kasama sa package. Maaari ring gamitin ang engine room bilang slide kung saan pwedeng mag-slide pababa ang mga alloy cars.
Mapapalawak nito ang imagination ng inyong kids dahil best airplane toy ito para sa pretend play, kung saan ay maaari silang mag-role playing depende sa tema ng kanilang cargo airplane toy.
Features na gusto namin dito
- Age appropriateness – Maaari itong laruin ng mga batang nasa 2 taon pataas.
- Design – iba’t ibang kulay ang cargo airplane toy na ito depende sa theme na magugustuhan ng inyong kids.
- Tech Features – Mapapaandar ang airplane toy na ito sa pamamagitan ng pagtulak. Aandar ito gamit ang gulong. Pwede ring magtransform ito sa isang steady cargo.
- Saan ito maaaring laruin – Maaari itong laruin sa loob at labas ng bahay. Pwedeng paandarin ang airplane toy na ito sa open area sa labas ng inyong bahay o sa inyong bakuran. Maaari ding laruin sa loob ng bahay nilang steady cargo airplane.
Multi-directional Remote-Control Helicopter Review
Best for learning how to follow directions
Maganda ang Multi-directional Remote-Control Helicopter dahil makatutulong ito sa pagtuturo sa inyong kids ng iba’t ibang direksyon. Gawa ito sa alloy at wireless ang remote control nito.
Matingkad ang kulay ng helicopter toy na makakakuha ng atensyon ng inyong kids at may double color transformation led light din ito. Mayroong portable window-opening, powerful motor, thickened alloy parts, led light, at resistant din ito sa pagkahulog.
Gagana ang motor nito sa pamamagitan ng Lithium battery na maaaring i-charge gamit ang usb charger.
Features na gusto namin dito
- Age appropriateness – Recommended ito sa mga batang nasa edad 6 pataas.
- Design – May itong precision gyroscope na high-tech ang stability.
- Tech Features – Mapapalipad ang toy airplane na ito gamit ang remote control. Maaari itong paliparin pataas, pababa, pakanan, o pakaliwa. Sa paglalaro ng helicopter toy na ito ay pwedeng matutunan ng inyong anak ang pagsunod sa tamang direksyon.
- Saan ito maaring laruin – Mas akmang laruin ang toy airplane na ito sa outdoor kung saan ay mas makakagalaw nang maayos ang inyong kids at mas malawak din ang liliparan ng helicopter.
Electric Foam Airplane Review
Best for developing motor skills
Simple lamang ang design at madali lang din i-assemble ngunit malaki ang maitutulong ng Electric Foam Airplane sa pag-develop ng motor skills ng inyong kids dahil maaari niyang sundan ang airplane toy habang lumilipad ito.
Kaya nitong lumipad sa loob ng 15 hanggang 30 seconds sa pamamagitan ng paghagis dito sa ere sa horizontal direction.
Mayroon itong body length na 11 inches x 28 centimeters; upper wing na may sukat na 11.4 inches x 29 cm; lower wings na nasa 9 inches x 23 cm; at tail height na 1.96 inches x 5 cm.
Features na gusto namin dito
- Design – Gawa ito sa ultra-light EPP foam at mayroong colorful light strip na pwedeng gamitin kahit gabi o madilim. Portable at magaan kaya madaling laruin ang airplane toy na ito.
- Tech-feature – Maaari itong i-charge gamit ang usb charger at kayang lumipad nang 30 hanggang 50 beses hanggang sa ma-lowbat. Pwede rin itong i-charge gamit ang powerbank na tamang-tama kung ito’y lalaruin sa park o open space.
- Saan maaaring laruin – Best na laruin ito outdoor upang mas ma-enjoy ng inyong kids ang paglipad ng airplane toy at ang paggamit ng kanilang motor skills.
- Age appropriateness – Pwede itong laruin ng mga batang nasa edad isa pataas.
Price Comparison
Narito ang best airplane toy in the Philippines na tiyak magugustuhan ng inyong mga kids:
|
Product |
Price |
Bubble Catapult Airplane Launcher Flying Toy |
P99.00 |
Simulation of oversized airplane set |
P388.00 – P870.00 |
Transport Cargo Airplane |
P589.00 – P728.00 |
Multi-directional Remote-Control Helicopter |
P299.00 – P620.00 |
Electric Foam Airplane |
P138.00 – P219.00 |
Note: Each item and price is up to date as of publication, however, an item may be sold out or the price may be different at a later date.