Sa mabilis na paglaganap at ng smartphone at tablet, naiwang ang dilemma sa ating mga parents kung ano ba ang dapat gamitin na reading tools ng kanilang mga anak. Aklat ba o ebook?
Mababasa sa artikulong ito ang:
- Benepisyo ng pagbabasa ng ebook
- Benepisyo ng pagbabasa mula sa aklat
- Aklat o ebook?
Ayon sa Scholastic, 68% ng mga magulang ay pinipili na reading tool ang printed books para sa kanilang 6-8 years old na anak kumpara sa mga e-book. Hindi natin maikakaila na maganda ang traditional na aklat para sa mga bata ngunit para sa mga first-time reader maaaring subukan ang ebook.
Benepisyo ng pagbabasa mula sa aklat
1. Hands-on experience
Kakaibang karanasan sa mga bata ang pagbabasa ng printed books at ang paglilipat ng bawat pahina nito. Isang aktibidad ito na ine-enjoy ng mga bata kasama ang kanilang mga kaibigan. Habang ang paggamit ng tablet naman ay nakakapagpataas ng risk na mawili ng todo ang iyong anak dito at may tiyansang hindi na niya alisin ang atensyon sa tablet.
2. Storytelling
Para sa mga eksperto, mas magandang gamitin ng mga magulang ang printed books sa pagbabasa ng bedtime stories sa gabi para sa kanilang mga anak. Ang pagbabasa sa gabi gamit ang tradisyunal na libro ay makakapagsanay sa iyong anak ng pagbabasa ng libro. Magandang bonding activity para sa mga magulang at kanilang anak ang pagbabasa ng libro. Nagkakaroon din sila ng malalim na pagpapahalaga rito.
BASAHIN:
May panukala na isama ang pagbabasa ng Bible sa mga asignatura sa paaralan
Binabasahan mo ba ng libro ang anak gamit ang tablet? Ito ang epekto sa bata, ayon sa mga eksperto
3. Napapabuti ang concentration at focus
Maaaring mawala ang concentration ng mga bata sa pagbabasa dahil sa dami ng games at application sa mga devices. Isa pa rito na maaaring mawili sa ibang function at button ng ebook ang mga bata kaysa sa mismong laman nito. Dahil rito, malaki ang tiyansa na mawala ang kanilang focus sa pagbabasa. Ang printed books ay makakatulong sa kanila upang masanay ang concentration sa pagbabasa ng mga salita at pagtingin sa litrato.
Benepisyo ng pagbabasa ng ebook
1. Mas interactive
Ayon sa pag-aaral ng Scholastic, mas nawiwili ang mga bata sa touchscreen feature at iba pang add-ons ng ebook sa pagbabasa. Sa paggamit ng tablet o smartphone, maaari nilang i-zoom in ang isang salitang hindi nila maintindihan o kaya naman pindutin ang isang link para sa panibagong babasahin. Mayroon ding ibang feture ito katulad ng animation at audio sa ibang ebook site.
2. Mas rewarding
Sa pamamagitan ng ebook, maaari nilang i-highlight o matukoy ang kahulugan ng isang salita ng mas mabilis. Dahil sa pagiging high-tech ng ebook, ilang clicks lang ay malalaman na nila ang kahulugan ng hindi pamilyar na salita para sa kanila. Sa paglawak ng kanilang vocabulary, mas na eenganyo silang matuto pa ng ibang salita sa pamamagitan ng pagbabasa.
3. Madidiskubre ang kakaibang istilo ng pagkatuto ng iyong anak
Hindi natin namamalayan ang mga binabasa ng ating mga anak sa ebook. Isa rin itong pagsasanay para madiskubre nila king ano ang mga interes nila na pasok sa kanilang reading skill. Ito’y nakakatulong para maiwasang mahiya sila kung sakaling nahihirapan sa isang babasahin. Sa pamamagitan nito, na i-improve nila ang kanilang comprehensive skills. Hanggang sa tumagal, nasasanay na silang magbasa ng mag-isa.
Aklat o ebook
Parehong may benepisyo ang pagbabasa ng aklat o ebook sa mga bata. Para sa mga eksperto, mas mabuting umpisahang sanayin na bumasa sa mga printed book ang mga bata ito ilipat sa ebook.
Ngunit kung anuman ang nais na gamitin, mas maganda pa rin na magbasa kasama ang iyong anak sa mga unang araw o buwan nito.
Mahalaga ang interaction ng bawat isa, ebook man ‘yan o printed books. Kinakailangang magbigay ng katanungan ang mga magulang at guro sa kung ano ang binabasa o nakikita ng isang bata. Walang bisa kung gaano man kaganda ang reading tools ng iyong anak kung wala namang interaction ikaw sa kaniya habang nagbabasa.
Translated with permission from theAsianparent Singapore