TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

STUDY: Mga baby mas nakakaalala kaysa sa inaakala natin

3 min read
STUDY: Mga baby mas nakakaalala kaysa sa inaakala natin

Akala ng marami, wala pang naiintindihan o naaalala ang mga sanggol. Pero ayon sa bagong pag-aaral, may kakayahan na palang bumuo ng alaala ng baby mula pa sa murang edad—lalo na kapag ito’y may kasamang emosyon, pagmamahal, o paulit-ulit na karanasan. Alamin kung paano mo matutulungan si baby na makabuo ng masasaya at makabuluhang alaala.

“Parang wala pa ‘yan naiintindihan.” 

Ilang beses na nating narinig ito kapag may baby na tahimik lang o nakatitig habang may nangyayari sa paligid. Madalas nating isipin na dahil sanggol pa lang sila, wala pa silang masyadong naaalala o naiintindihan. Pero ayon sa isang bagong pag-aaral, maling-mali pala ang akala nating ito!

Ayon sa ulat ng PhilStar, isang bagong pananaliksik mula sa University of Otago sa New Zealand ang nagsabing mas malakas pala ang memorya ng mga baby kaysa inaakala natin. Sa katunayan, may kakayahan na ang mga baby na bumuo ng alaala mula pa sa murang edad.

Mas maagang memory, mas malalim na koneksyon

alaala ng baby -The newborn baby sleeping in the hands of the mother and the nose collided.

Larawan mula sa Freepik

Para sa mga magulang, lalo na sa mga ina, napakahalaga ng bawat unang sandali: ang unang ngiti, unang “mama” o “dada,” unang hakbang. Pero ang tanong: naaalala rin kaya ng mga baby ang mga ito?

Ayon sa pag-aaral, kaya na raw ng mga sanggol na may edad 8 hanggang 9 na buwan na mag-imbak ng memory traces o bakas ng alaala. Halimbawa, kapag paulit-ulit nilang nakita ang isang bagay o naranasan ang isang sitwasyon, mas tumatatak ito sa kanilang isipan. Kaya kung lagi mong kinakantahan ang iyong baby tuwing gabi, posibleng dalhin niya ang alaala ng sandaling iyon kahit hindi pa niya ito kayang sabihin.

Emosyon at alaala ng baby

Napag-alaman din na mas malakas ang memorya ng baby kapag may kasamang emosyon ang karanasan. Ibig sabihin, mas natatandaan nila ang mga kaganapang may kasamang pagmamahal, saya, o kahit takot. Halimbawa, kung tinakot o napagalitan ang bata, maaaring maalala nila ito at magkaroon ng epekto sa kanilang ugali o pakikitungo sa mga tao.

Kaya mahalaga para sa mga magulang na maging maingat sa pagsasalita at pagkilos sa harap ng sanggol. Ang pakiramdam ng pagiging ligtas at minamahal ay hindi lang importante sa emosyonal na aspeto, kundi pati sa pagbuo ng positibong alaala.

Simple pero mahahalagang paraan para makatulong sa memory ng baby

Hindi mo kailangang bumili ng mamahaling laruan o gadget para ma-develop ang memory ni baby. Narito ang ilang simpleng paraan para makabuo ng magagandang alaala kasama si baby:

  • Kausapin siya nang madalas. Kahit simpleng kwento lang ng araw mo, malaking bagay na ito sa kanyang language development at memory skills.

  • Gumawa ng routine. Ang paulit-ulit na gawain gaya ng bedtime story o morning snuggles ay tumutulong sa memory recall ng mga sanggol.

  • Magpakita ng emosyon. Kapag nakangiti ka o nagpapakita ng pagmamahal, mas madali niyang matatandaan ang sandaling iyon bilang positibo.

  • Mag-bonding sa pamamagitan ng playtime. Ang simpleng laro ng peek-a-boo ay hindi lang pampasaya, kundi nakakatulong din sa cognitive skills ng baby.

alaala ng baby - laughing-mother-lifting-her-adorable-newborn-baby-son-air

Larawan mula sa Freepik

Alaala ng baby, alaala ng magulang

Ang totoo, habang lumalaki ang bata, baka hindi na niya matandaan ang mga eksaktong nangyari noong siya’y sanggol pa lang. Pero ayon sa mga eksperto, ang emosyon at ugnayan na naranasan nila sa murang edad ay nananatili sa kanilang subconscious. Ito ang bumubuo sa pundasyon ng kanilang tiwala, kaligayahan, at kabuuang pag-unlad.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

Kaya sa susunod na maglambing o ngumiti sa ‘yo ang iyong baby, tandaan: maaaring hindi niya ito masabi, pero maaaring nasa puso’t isipan na niya ang alaala ng inyong pagmamahalan.

PhilStar

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Marhiel Garrote

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • STUDY: Mga baby mas nakakaalala kaysa sa inaakala natin
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko