Alam niyo ba ang nag-iisang secret ng mga happy couples?

Magugulat kayo kapag nalaman ninyo ang nag-iisang secret ng mga happy couples!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa maraming mag-asawa, ang pagiging masaya kasama ang isa’t-isa ay napakaimportante. Dahil kung hindi ka masaya sa asawa mo, madalas ibig sabihin nito na mayroong kayong problema na hindi napag-uusapan, o di kaya’y may mga tinatago kayong mga hinanakit sa isa’t isa.

Karamihan ng mga tao ay iniisip na ang sikreto sa pagiging masaya sa buhay mag-asawa ay ang pagkakaroon ng parehas na hobbies, o di kaya’y parehas kayo ng mga kaibigan. Ngunit ayon sa isang research, iisa lang ang sikreto ng mga masayang mag-asawa, ito ay ang tumawa.

Importante ang tumawa para sa mga mag-asawa

Ayon kay Laura Kurtz, isang social psychologist sa University of North Carolina, nalaman niya na ang sikreto ng mga masasayang mag-asawa ay ang palagi nilang pagtawa.

Nalaman nila na ang mga mag-asawa na masaya kapag nag-uusap, at palaging natatawa o napapangiti sa mga kwento ng isa’t isa ay mas masaya kumpara sa mga mag-asawa na hindi ginagawa ang ganitong ugali.

Napansin din nila na mas komportable sa isa’t-isa ang mga mag-asawang mahilig tumawa, at nararamdaman nila na mas malapit sila sa kanilang asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pekeng pagtawa naman ay hindi maganda

Nalaman din ng mga researcher na ang mga taong madalas peke ang tawa, o kaya’y hindi komportable na tumawa kasama ang asawa nila ay mas mayroong mga problema. Ito rin minsan ay senyales na baka may malalim na problemang hindi pa napag-uusapan o di kaya’y nasosolusyonan.

Dagdag ni Laura Kurtz, “Moments of shared laughter are potent for a relationship. They bring a couple closer together.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tama nga naman, kapag malaya kang tumawa at ngumiti kasama ang iyong asawa, ibig sabihin nito ay komportable kayo sa piling ng isa’t isa, at mas malapit kayo.

Source: nowtolove.co.nz

READ: 5 Daily habits of happy couples who only have eyes for each other

Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara