ALAMIN: 7 vagina facts na hindi mo alam, pero kailangang alamin

Kilalanin ang iyong sariling katawan, mga mommies...

Alam mo bang kapag na-ehersisyo ang iyong vagina araw-araw, mapapanatili itong young-looking? O na ang paggamit ng sabon sa paglilinis nito ay makapagbibigay ng impeksiyon? Ito ay ilan lamang sa mga vagina facts na kailangang malaman ng kababaihan.

Ang totoo, walang paraan na malaman mo ang lahat ng dapat malaman tungkol sa iyong vagina. May mga facts na doktor at scientists lamang talaga ang makapagpapaliwanag at makakakaalam. Pero ano nga ba ang mga pinaka-importanteng bagay na dapat malaman tungkol sa iyong vagina?

Narito ang ilang kagulat-gulat, kakaiba pero mabuting malaman tungkol sa iyong vagina, para mapanatili ang kalusugan. Tandaan, ang isang healthy mommy, ay happy mommy.

Vagina facts: Ito ang hindi mo alam dati!

Ang vagina ay isa sa pinaka-delikadong bahagi ng iyong katawan. Pero maraming hindi ito binibigyan ng sapat na pansin at pahalaga. Andyang na-scrub na ito, pati wax, bleach at ang iba ay nai-spray pa ito, dahil akala ay ito ang nakakapagpanatili ng kalinisan (o kabanguhan) nito.

Mali ito!

Ang vagina ay lubos na sensitibo at hindi dapat hinahayaang magamit ng ganito ka-harsh. Oo, high-maintenance dapat, pero hindi sa paraan na akala mo.

Huwag na guwag gagamit ng sabon para linisin ang vagina.

Ang sabon ay para sa balat, at hindi sa sensitibong bahagi ng iyong ari. Ang sabon ay nagdadala ng pH imnbalance. Ang iyong vagina ay may perfect balance ng good at bad bacteria. Ang ang good bacteria na Lactobacilli ang nagpapanatili ng pH balance sa iyong private parts ng hindi lalagpas sa 4.5. Kapag tumaas ang pH level increases at naging less acidic ang iyong ari, aatakihin ito ng impeksiyon, tulad ng thrush at bacterial vaginosis.

 

Ayon sa ibang pag-aaral, ang vagina daw ay isang “self-cleaning oven.” Ang kailangan lang sa paglilinis nito ay warm water, at paghuhugas at pagpupunas sa tuwing gagamit ng toilet. May mga vaginal wash na sadyang ginawa para panglinis nito, kaya’t magtanong sa OB GYN ng pinakamabisang vaginal wash na gagamitin.

Tigilan ang pag-ahit ng lahat ng buhok!

Kapag kinalbo mo ang iyong vaginal area, lalapit ang mga ingrown hair, bumps at pimples dito. Kapag wina-wax, shave o bleach, nase-stress ang iyong ari.

Kapag kinalbo ang vaginal area, naeexpose ang labia sa mas maraming bad bacteria at impeksiyon. Gupitin o i-trim lamang at huwag ubusin ang buhok.

Douche? HIndi rin ito ligtas!

Pinasikat ni Hollywood actress Gwyneth Paltrow ang salitang ito sa kaniyang website na Goop. Sabi niya, kapag pinausukan ng steam ang iyong vagina, magiging malinis ito. Huwag maniwala! Kahit itanong pa sa iyong OB GYN, hindi niya ito ipapayo sa iyo!

Ang vaginal douching ay ang pag-spray ng isang solution ng suka at tubig paloob ng vagina gamit ang isang bote o douching syringe. Target nito ang bahagi ng vagina na abot lamang ng IUD. May mga prepackaged douching solutions din na may baking soda at iodine. HUWAG NA HUWAG ITONG GAGAMITIN SA SARILI.

Narito ang sabi ni Dr. Malpani, MD, ng Malpani Infertility Clinic, Mumbai, India: “Many women feel that douching is a good thing, but when you are on a baby-making run, it’s a terrible idea to use douches as they alter the pH-level of your vagina and impair fertility.”

Sabi ni Dr. Malpani, ang paggamit ng douche ay nagiging sanhi ng vaginal infections at Pelvic Inflammatory Diseases.

Huwag munang gumamit ng napkins, hanggat maaari.

Nakagawian na ang paggamit ng pantyliners at sanitary napkins dahil convenient at madaling gamitin. Subuking iwasan muna ito, lalo na ang mga scented kinds. Hindi ito nakakatulong na magpabango ng iyong vagina. Maaaring magkaron ng Toxic Shock Syndrome (TSS), isang life-threatening bacterial infection. Ang paggami ng pantyliners araw araw, o paggamit ng napkin at hindi pagpapalit ng ilang oras, ay nakasasama sa iyong vagina. Ang mga napkins at pantyliners lalo na ang may pabango, ay may toxin na dioxin, na sinasabing nagiging sanhi ng cancer.

Gumamit ng lubricant sa pagtatalik.

Kapag nakikipagtaik, naeexpose ang vagina sa ‘necessar roughness’, ika nga. Lalo na kung matagal at madalas, kailangan ng vagina ng kaunting lubrication para hindi masaktan. Iwasan ang oil-based at silicone-based lubricant dahil nakakairita ito sa balat ng vagina. Napapahina pa nito ang condom, kaya’t baka mabutas pa.

Gumamit ng water-based lubricant: madaling linisin o hugasan at maayos gamitin.

Huwag mahiyang sabihin sa ka-partner na gagamit ka ng lubricant. Ipaliwanag na mas mapapanatili nitong malusog at malinis ang iyong vagina.

Kegels ang ehersisyo ng iyong vagina.

Hindi lang buong katawan ang dapat iniehersisyo. Kailangan din ng iyong vagina ng workout, lalo pagkatapos manganak. Napakadali lang nito.

Ayon sa mga eksperto: “Ang pelvic floor muscles ang sumusporta sa matris, bladder at bituka. Kung ang muscles na ito ay mahina, ang mga pelvic organs na ito ay maaaring bumaba papunta sa vagina. Dito na magkakaproblema sa area na ito, bukod pa sa magiging pananakit nito.”

Kaya naman kailangan ng Kegel exercises, para mapatibay ang mga msucles sa vaginal area. Kahit anong oras, kahit anong ginagawa ay pwedeng mag-Kegel exercise. Ito ay ang pag-contract ng muscles sa iyong vagina, na para bang nagpipigil ka ng ihi. Kahit ilang beses mo gawin, kahit nasan ka, kayang kaya.

Hindi lumuluwag ang vagina pagkatapos ng pagtatalik.

Iba ang pinapaniwala sa iyo mua’t sapul, hindi ba? Ang makakapagpaluwag lamang sa vagina ay ang panganganak (vaginal delivery( ng magkakasunod, ng maraming beses, at kapag ikaw ay lagpas na ng 70 taong gulang o mas matanda pa. May sadyang elasticity na maituturing ang vagina, kaya’t sa pageehersisyo ng Kegel, maibabalik ito sa dating sikip o sukat.

Ayon kay Dr. Justin J. Lehmiller, Ph.D., sa kanyang blog na Sex and Psychology, “The vagina naturally becomes looser when women are sexually aroused in order to prepare for intercourse — but after sex, everything goes back to its normal state. What does cause vaginal looseness? Older age and (for some women), childbirth.”

Kaya’t tandaan, ingatan ang iyong vagina sa araw araw. Ibahagi ang mga bagong kaalaman tungkol dito sa iyong mga kaibigan at kaanak na babae, pati na rin sa iyong mister.

 

Ang article na ito ay unang isinulat ni Deepshikha.

Sinulat ni

Deepshikha Punj