Sa Sunday episode ng Pinoy Big Brother, ibinahagi ng aktor na si Albie Casiño kung paano niya hina-handle ang Attention Deficit Hyperactivity Disorder o ADHD.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pagbabahagi ni Albie Casiño sa pagkakaroon ng ADHD
- Ano ang ADHD
Pagbabahagi ni Albie Casiño sa pagkakaroon ng ADHD
Ang aktor na si Albie Casiño ay pumasok sa bahay ni kuya sa ika-12 na araw ng “Kumunity” season ng Pinoy Big Brother.
Day 16 sa bahay ni Big Brother, si Albie ay nagluluto at si Shanaia Gomez, isa ring celebrity, ay nag wo-work out. Dito nabanggit ni Albie kung ano ang nagagawa sa kanya ng pagwo-work out.
Screen capture mula sa Youtube Channel ng Pinoy Big Brother
Ayon kay Albie,
“If I don’t work out, I get stressed. You can’t talk to me straight. To be honest, it’s more for my mental health than my physical health.”
Makikitang si Albie ay mas piniling mag-work out kaysa sumama sa ibang housemates sa swimming pool. Ipinatawag siya ni Big Brother sa confession room, at dito na niya nabanggit ang pagkakaroon niya ng ADHD.
“Matagal po ako mag-exercise talaga, kasi ‘yan po ‘yong oras ko para ma-calm ‘yong mind ko. Wala akong ibang iniisip kundi ‘yong workout.
Dahil po sa condition ko — meron po kasi akong ADHD — ‘yong utak ko, ang dami niyang iniisip palagi. ‘Pag nakakapag-exercise ako, I’m in the moment na, ‘Walang ibang importante ngayon, except itong workout na ito.”
Larawan mula sa Instagram account ni Albie Casiño
Marahil ang alam natin ay bata lang ang naapektuhan ng kondisyong ito. Ang ADHD ay kondisyong nadadala mula pagkabata hanggang pagtanda at si Albie Casiño ay isa nito.
Sa isang panayam bago siya pumasok sa PBB, tinanong kung nawala na ang kaniyang ADHD, ang sagot ni Albie ay, “Hindi naman nawawala ‘yon eh. You just need to cope with it.”
Ano ang ADHD?
Ang Attention Deficit Hyperactivity Disorder o ADHD ay isang behavioural disorder na karaniwang mapapansin sa mga bata. Ang batang may ganitong kondisyon ay nakikitaan ng ganitong katangian:
- Sobrang likot at hindi mapakali sa isang lugar
- Walang kakayahang mag-focus sa isang bagay
- Hirap na i-kontrol ang damdamin
- Hindi nakakasunod sa direksyon
- Kumukuha ng mga bagay nang hindi nagpapaalam
- Kailangang paalalahanan na mag-dahan-dahan at makinig
May dalawang klase ang ADHD – ang attention deficit at hyperactivity. Kung ang isang bata ay may attention deficit, siya ay hirap mag-focus sa isang bagay. Narito ang ilang katangian na maaaring mapansin sa isang batang may attention deficit:
- Hirap makinig, sumunod sa mga autos at matapos ang mga nakatakdang Gawain
- Makakalimutin
- Madalas makawala ng kaniyang mga gamit
- Madali ma-distract o magambala
- Madalas mag-daydream o lumilipad ang kaniyang isip
- Nakakagawa ng mga careless mistakes
- Umiiwas sa mga gawain na nangangailangan ng konsentrasyon
- Umiiwas sa mga gawain na para sa kaniya ay boring
Samantala, ang ibang batang may ADHD ay hyperfocused, o labis na pagkatutok ng atensyon sa isang bagay na nakakakuha ng interest nila.
Larawan mula sa Shutterstock
ADHD sa mga adult
Ang bawat adult na may ADHD ay mayroon na nito mula pagkabata. Samantala, ang ilan ay maaaring na-diagnose at alam na ito. Ang iba naman ay maaaring hindi nasuri noong sila ay bata pa at nalaman na lamang noong sila ay tumanda na.
Sintomas ng ADHD sa adults
- Hirap sumunod sa direksyon
- Nahihirapang tandaan ang mga impormasyon
- Nahihirapang mag-concentrate
- Hindi makapag-organize ng tasks
- Hindi natatapos ang gawain sa tamang oras
Ang sintomas na ito ay maaaring maging mild at severe at nagbabago sa paglipas ng panahon. Maaari itong magdulot ng problema sa iba’t-ibang aspeto ng buhay – sa bahay, paaralan, at trabaho.
Larawan mula sa Shutterstock
Challenges sa mga adult na may ADHD
Kung ikaw ay na-diagnose ng may ADHD bata pa man o ngayong adult ka na. Maaari mong maranasan ang ilan sa mga sumusunod:
- Anxiety
- Chronic boredom
- Depression
- Hirap mag-concentrate sa pagbabasa
- Hirap mag-kontrol ng galit
- Pabigla-bigla
- Mababang tolerance sa frustration
- Madalas na pabago-bagong mood
- Mababang self-esteem
- Procrastination
- Mababang self-motivation
Treatment sa Adult ADHD
Ang treatment plan para sa mga adult na may ADHD ay maaaring medication, therapy at pagkuha ng suporta mula sa pamilya.
Inirerekumenda ng mga doktor ang stimulant medications. Ang mga pag-aaral ay nagpapatunay na ang sumasailalim sa stimulant medication ay malaki ang improvement sa kanilang kondisyon. Inirerekumenda rin ang non-stimulant medication depende sa kondisyon at diagnosis ng doktor.
Larawan mula sa Shutterstock
May iba’t-ibang therapy na maaaring gawin sa isang taong may ADHD. Ito ay ang mga sumusunod:
- Cognitive and behavioural therapy – Ito ay makakatulong para sa self-esteem
- Relaxation training and stress management – Ito makakatulong makapag-pababa ng anxiety at stress
- Life coaching – Maaaring makatulong ito para makapa set ng goals. Bukod dito, makakatulong ito para matuto ng mga bagong paraan na mapanatiling organisado sa bahay at trabaho.
- Job coaching and mentoring – Makakatulong ito sa pagtatrabaho at magkaroon ng magandang relasyon sa mga ka-trabaho.
- Family education and therapy – Makakatulong ito para sa awareness ng buong pamilya para sa taong may ADHD.
Sa lagay ni Albie Casiño, ang pagwo-work out ay kaniyang nagiging coping mechanism laban sa ADHD.
Source:
WebMD, YouTube
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!