Aleli Yap, nahaharap sa kasong carnapping, estafa

Estafa at pamemeke ng dokumento ang panibagong kasong hinaharap ng sexy at pretty na carnapper na si Aleli Yap.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sexy carnapper na si Aleli Yap, natimbog ng NBI sa panibagong kaso na pamemeke ng dokumento.

Nahuli si Aleli Yap ng NBI sa pamamagitan ng isang entrapment operation matapos mag-panggap na broker ng isang paupahang bahay sa Ayala Village, Alabang.

Ang transaksyon ay naganap sa pagitan ni Aleli at ng isang Chinese national na pinangalanang si Michelle na uupa di umano ng bahay kay Yap. Sa isang coffee shop sa Ayala, Alabang ay na-entrap si Aleli ng NBI na nagpakilala bilang si Lucy Ong.

Nalaman sa naturang operation na ang mga papeles at titulo na hawak ni Yap sa pinapauhang bahay di umano ay peke.

Ayon sa uupa sana ng bahay na si Michelle, nag-down na siya kay Yap ng P260,000 ngunit nanghihingi pa daw ito ng dagdag na P2.6 milyon. Dahilan upang warningan siya ng isang kaibigan na marami daw kasong kinakaharap si Yap at kailangan niyan mag-ingat sa pakikipagtransaksyon dito.

Inaresto ng NBI si Yap kasama ang kaniyang kaibigan na si Akiko Nyron Lindon o kilala sa alyas na Nyron Uy na nagpakilalang may-ari ng pinapaupahang bahay sa Ayala, Alabang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aleli Yap bilang sexy carnapper

Pero maliban sa pamemeke ng dokumento at pangloloko, si Aleli Yap ay suspek din sa pagtangay ng mga luxury vehicles nitong 2018 at pamumugot ng ulo ng kaniyang kasambahay na si Richelle Sagang noong 2017.

Ginamit daw ni Aleli ang kaniyang kaseksihan at charm para maipuslit ang mga luxury cars sa isang car seller.

Ayon sa kuwento ng seller, tinest drive lang daw ni Aleli ang mga sasakyan at nangakong babayaran kinabukasan.

Nagtiwala naman daw ang seller na nagpakilalang si Don dahil nakakita naman daw siya noon ng iba pang mamahaling sasakyan sa bahay ni Aleli Yap sa Ayala, Alabang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit ng pumunta na ang seller sa bahay ni Aleli Yap ay wala na ito doon pati ang mga sasakyan. Nalaman nalang niyang nangungupahan lang daw si Aleli sa naturang bahay.

Matapos ang anim na linggo matapos maireport ni Don ang insidente sa NBI, ay natunton ang mga sasakyang tinangay mula sa kaniya na Mercedes Benz-G Class at Toyota Land Cruiser malapit sa isang casino na kung saan naisanla na pala ito ng suspek.

Image screenshot from TV Patrol video

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maliban sa mga natangay na luxury cars kay Don, ay narekober din ng NBI ang iba pang mamahaling sasakyan sa parking lot malapit sa isang casino na natest-drive din ni Yap. Isa nga sa mga sasakyan ay isang Maserati na nagkakahalaga na mahigit P20 milyon.

Ayon sa hepe ng NBI special action unit na si Atty. Jun Dongallo, na humahawak ng kaso, modus daw ito ni Aleli na kung saan ginagamit niya ang kaniyang charm para makuha ang loob at mapaniwala ang mga car sellers para matangay ang mga sasakyan nila.

Aleli Yap murder case

Maliban nga sa kasong carnapping, suspek din si Aleli Yap at ang kaniyang kaibigan na si Akiko Nyron Lindon Uy sa pagkamatay at pagpugot sa ulo ng 17 years old nitong kasambahay na si Richelle Sagang noong 2017.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image screenshot from TV Patrol video

Ayon sa mga report, natagpuan ang bangkay ni Sagang na wala ng ulo sa Sta. Maria Bulacan. Nakita naman ang ulo nito sa sa Balisacan creek sa Makati makalipas ang dalawang araw.

Si Yap at Uy daw kasama ang isa pang babaeng pinangalanang si Charissa Mae Chali ang huling kasama ni Sagang bago matagpuan ang bangkay at pugot na ulo nito.

Ayon sa Ayala Alabang Village security office, dinala daw sa kanila si Sagang ni Yap at Uy noong Enero 12, 2017 upang ireport ito ng pagnanakaw sa kaniya. Napansin nga daw ng mga security na may mga pasa at sugat sa mukha si Sagang na tinakpan lang ng make-up.

Matapos nga ito ay nakita sa record ng CCTV na lumabas sa subdivision ang sasakyan ni Yap na kung saan sakay si Sagang. Sa parehong araw ay natagpuan ang katawan ni Sagang ng wala ng ulo sa Bulacan. ‘

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa isinagawang imbestigasyon, ang kinamatay daw ni Sagang ay isang tama ng baril sa kaniyang baba na tumagos sa kaniyang ulo.

Dahil dito naging primary suspect si Yap sa pagkamatay ni Sagang na kinasuhan din kinalaunan matapos ang mga nakalap na ebidensya na nagtututo sa kaniya bilng suspek sa krimen. Pero nalusutan daw ito ni Yap at inayos lang ng abugado niya para sa kaniya.

Sinubukan hingian ng komento ang abogado ni Yap sa bagong kasong kaniyang kinakaharap ngunit tumanggi ito sa anumang interview.

Image screenshot from TV Patrol video

Hinihikayat naman ng NBI ang iba pang biktima ni Yap na pumunta sa kanila at mag-file ng reklamo. Sa ngayon, ay kakasuhan ng estafa at falsification of documents si Yap na unang tinanggi na hindi daw ito ang pangalan niya.

Tips sa pagre-renta o pagbili ng bahay

Katulad na lang ng mga kasong ihinain kay Aleli Yap, may mga kaso na rin ng panloloko ng mga broker kung saan pagkabayad ng deposit o downpayment ay naglalaho na lang bigla ang broker. Narito ang ilang tips upang maka-iwas sa modus operandi na ito:

  • Matapos mag-viewing sa bahay, bisitahin ulit ang bahay nang hindi kasama ang broker. Kung maaari ay kausapin ang mga kapitbahay upang makakuha ng impormasyon tungkol sa bahay. Magandang paraan din ito upang malaman ang mga problema sa lugar katulad ng pagbaha o kawalan ng tubig o kuryente, pati na rin siguridad sa area.
  • Basahin maige ang kontrata at busisiin ang detalye ng bayaran.
  • Kapag mababa ang rentang hinihingi, maging mapagsuspetya na. Alamin kung magkano ang going rate sa lugar, kung mas mababa ang rent, magtanong kung bakit ito mas mura.
  • Mas mainam kung cheke at hindi cash ang ibabayad. Kapag cheke na nakapangalan sa may-ari, mas madali itong ma-trace sakaling may aberya na mangyari.
  • Mag-research sa iba’t ibang rental sites kung naka-list ang property dito at kung parehong broker ba ang nagpapaupa dito.

Paalala na siguraduhing mapagkakatiwalaan ang broker na kanegosasyon niyo.

 

Sources: ABS-CBN News, ABS-CBN News, ABS-CBN News, Inquirer, Bustle

Basahin: 5 taxi modus operandi that every parent should know!