Ipinatutupad na ang COVID IATF alert level 2 guidelines sa Metro Manila ngayong araw. Alamin ang mga bawal at maaring gawin sa alert level na ito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang mga dapat malaman tungkol sa COVID IATF Alert level 2 guidelines.
- Sino na ang puwedeng mabakunahan sa ngayon ng COVID-19 vaccine.
COVID IATF Alert level 2 guidelines
Map vector created by starline – www.freepik.com
Mula ngayong araw, February 1 ay ibinaba na sa IATF alert level 2 ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa. Kabilang na ang Batanes, Bulacan, Cavite, Rizal, Biliran, Southern Leyte at Basilan.
Habang ang iba pang natitirang bahagi ng bansa ay nanatili sa alert level 3. Pero ano nga ba ang mga ipinagbabawal at mga puwedeng gawin sa ilalim na IATF alert level 2 guidelines? Narito ang ilan sa mga dapat mong malaman.
Mga dapat malaman tungkol sa COVID IATF Alert Level 2 Guidelines
Puwede ng lumabas ang mga bata, matatanda kahit na ang hindi pa nababakunahan
- Lahat ay puwede ng lumabas ng bahay kabilang na ang mga bata at ang mga hindi pa nababakunahan.
- Pinapayagan na rin ang mga outdoor activities o pag-iexercise ng anumang edad.
- Puwede na rin ang pagda-dine in sa mga restaurant. Basta’t hindi hihigit sa 50% venue capacity ang papasukin sa mga indoor restaurants. Habang 70% venue capacity naman ang pahihintulutan para sa mga outdoor restaurant. Ang guideline na ito ay applicable lamang sa mga fully vaccinated ng mga indibidwal.,
- Pinapahintulutan na rin ang pag-o-operate ng mga barber shop, salon, at spa. Basta’t hindi hihigit sa 50% venue capacity ang papasukin sa mga indoor establishments na ito. Habang 70% venue capacity naman ang pahihintulutan para sa mga outdoor beauty establishments. Ang guideline na ito ay applicable lamang sa mga fully vaccinated ng mga indibidwal.,
- Bukas na rin ang mga simbahan o pinahihintulutan narin ang mga religious gatherings. Basta’t 50% lamang ng venue capacity ang papasukin sa loob at 70% naman ng venue capacity ang pahihintulutan kung ito ay gagawin outdoor. Ang guideline na ito ay applicable lamang muli para sa mga fully vaccinated ng mga indibidwal.
Pinapayagan na rin ang mga gatherings basta susunod sa 50% indoor venue capacity at 70% outdoor venue capacity
Christmas photo created by tirachardz – www.freepik.com
- Ang pagsasagawa ng meetings, gatherings, parties at iba pang salu-salo ay pinapayagan narin. Basta’t susunod sa 50% indoor at 70% outdoor venue capacity.
- Fully operational na rin lahat ng mga government agencies na kung saan pinapayagan ng pumasok ang 80% ng mga manggagawa.
- Ipinagbabawal naman ang pag-o-operate ng mga casino, pagkakarera ng kabayo at pagsasabong ng manok.
- Maaari na ring simulan ang mga limited face-to-face o in-person classes sa mga lugar na nasa alert level 2.
- Maaari na ring magbukas ang mga amusement parks o theme parks. Ganoon na rin ang mga recreational venues tulad ng internet cafes, billiard halls, amusement arcades, bowling alleys, skating rinks, archery halls at swimming pools. Basta’t susunod sa 50% indoor at 70% outdoor venue capacity. Ang guideline na ito ay applicable lamang sa mga fully vaccinated na indibidwal.
BASAHIN:
Parents, here’s what you need to know about COVID-19 Pfizer vaccine for kids under 12
Dingdong Dantes ibinahagi na nagpositibo ang buong pamilya: “Hindi dapat ikahiya ang pagkakaroon ng COVID-19.”
Yasmien Kurdi at pamilya, nagpositibo sa COVID: “Tatlo tayong positive. Oh my, together forever.”
Mula ngayong Feb.4 ay magsisimula na ang pagbabakuna laban sa COVID ng mga batang edad 5-taong-gulang pataas
Doctor photo created by freepik – www.freepik.com
Kung mapapansin karamihan ng guidelines ay pabor sa mga fully vaccinated na indibidwal. Ito ay dahil ang COVID-19 vaccine ang natatanging paraan para maprotektahan ang isang tao mula sa malalang epekto ng sakit.
Mula ngayong Biyernes February 4 ay sisimulan na rin ang pagbabakuna sa mga batang edad 5 taong gulang hanggang 11-anyos. Ang bakunang ibibigay sa kanila ay Pfizer na napatunayan ng mga pag-aaral na ligtas para sa mga batang edad 5-11 anyos. Bagama’t ayon sa DOH ay mas mababa ang dosage o iba ang formula ng vaccine ng ibibigay sa kanila.
“Bagama’t parehong Pfizer vaccine ang ibibigay sa 12 to 17 at 5 to 11, magkaiba po ang formula ng bakuna para sa kanila.
Para siguradong tama ang bakuna na ituturok, magkaiba ang kulay ng takip sa mga botelya ng bakuna. Iba po ang kulay sa 12 to 17, at iba rin po sa 5 to 11.”
Ito ang sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang panayam para masigurong magiging maayos at tama ang pagbabakuna ng COVID vaccine sa mga bata.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!