Alessandra de Rossi ibinahagi ang take niya pagdating sa pagiging single sa edad niya. Aktres hindi daw takot mag-isa.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Alessandra de Rossi on being single.
- Iba pang paraan para maging fulfilling ang buhay hindi lang sa pag-aasawa at pagbuo ng pamilya ayon kay Alessandra.
Alessandra de Rossi on being single
Isa sa mga sikat na Pilipinong aktres si Alessandra de Rossi. Pero hindi tulad ng mga kasabayan niyang aktres sa industriya, si Alessandra nanatiling single. At wala daw problema doon kahit na siya ay nasa late thirties na. Sa isang panayam, sinabi nga ng aktres na kahit walang lovelife ay masaya ang buhay niya. Taliwas daw ito sa paniniwala ng iba na malungkot ang pagiging mag-isa. Bagamat naniniwala rin siya na fulfilling rin ang magkaroon ng sarili pamilya at maging isang ina.
“Well, kung negative yung tingin nila sa unmarried, parang, takot kayo mag-isa. Kung yun ang dating sa inyo, sorry, pero kaming unmarried masaya naman kami.
Hindi ko sasabihin na mas masaya yung buhay ko,sa buhay ng may asawa, may anak. Walang ganun.
I’m sure, napaka-fulfilling na trabaho na maging ina, diba? Pero, para pilitin mangyari ‘yun or ma-feel na hindi ako parang binigyan ng gift nag anon di ba? Ang lungkot naman na kesyo di ka nabigyan, malungkot na buhay mo hindi ganun.”
Ito ang sabi ni Alessandra.
Dagdag pa ng aktres, pagdating sa pag-ibig ay nasa point na siya ng buhay niya ngayon na na-realize niya na mali ang itinuturo ng mga pelikula.
Larawan mula sa Facebook account ni Alessandra de Rossi
Iba pang paraan para maging fulfilling ang buhay hindi lang pag-aasawa at pagbuo ng pamilya
Pagpapatuloy pa niya, hindi lang daw sa pagkakaroon ng relasyon, pagpapakasal at pagkakaroon ng anak dapat umikot ang buhay ng isang babae. Maraming bagay pa ang maaring gawin para masabing fulfilling ang buhay na hindi lang sa pag-aasawa at pagbuo ng pamilya.
“Hindi lang ang buhay ay pagkakaroon ng relasyon, pagpapakasal, pagkakaroon ng anak. Parang ang daming ibang klaseng life, like, nag-tratrabaho, nag-travel, binuhos niya yung life niya sa isang community. He changed the world in her own little, special way. Doon mo masasabing naka-fulfilling ng life niya.
Kailangan mabuti kang tao, or else lahat ng ginagawa mo walang kuwenta.”
Ito ang sabi pa ni Alessandra de Rossi.
Larawan mula sa Facebook account ni Alessandra de Rossi
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!