Alexa Gutierrez pumanaw sa sakit na cancer; Ruffa nagdalamhati

Nagdalamhati ang celebrity mom na si Ruffa Gutierrez sa pagkamatay kaniyang sister-in-law na si Alexa Gutierrez. Sa kaniyang social media post ay inalala niya ang kaniyang hipag bilang mapagmahal na asawa at ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Malungkot na ibinahagi ni Ruffa Gutierrez sa social media ang pagpanaw ng kaniyang sister-in-law na si Alexa Gutierrez.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ruffa nagdalamhati sa pagkamatay ng sister-in-law
  • Alexa Gutierrez mapagmahal na ina at asawa

Sister-in-law ni Ruffa Gutierrez pumanaw na!

Matapos ang panahon ng pakikipaglaban sa sakit na Leukemia o cancer sa dugo, ay pumanaw na si Alexandra “Alexa” Gutierrez. Ang husband ni Alexa ay ang brother ni Ruffa Gutierrez na si Elvis.

Naglabas ng kaniyang saloobin sa social media ang celebrity mommy na si Ruffa Gutierrez.

Larawan mula sa Instagram ni Ruffa Gutierrez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aniya sa kaniyang Instagram post, “I am still trying to process and accept that you are no longer with us. It’s so hard…words cannot express how heartbroken and shocked I am.”

Nagpahayag din ng kaniyang pagmamahal ang aktres sa namayapang sister-in-law.

Dagdag pa ni Ruffa, “I love you so much my beautiful, irreplaceable Alexa. You will forever be in my thoughts and in my heart. Until we cross paths again.”

Alexa Gutierrez mapagmahal na ina at asawa

Binigyang pugay rin ni Ruffa Gutierrez ang pagiging isang ina at asawa ng kaniyang sister-in-law.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aniya, si Alexa umano ay isang “loving mother, wife, daughter, and friend.”

Samantala, nagpost din naman sa kaniyang Instagram si Raymond Gutierrez ng larawan ni Alexa kasama ang dalawang anak nito. Caption ni Raymond sa kaniyang post, “You will forever be in our hearts.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Mond Gutierrez

Nagpaskil din ng larawan si Elvis kung saan ay kasama niya ang kaniyang asawa at hinahalikan ito. Tanging white heart emoji lamang ang caption ni Elvis sa kaniyang Instagram post.

Sa kahiwalay na Instagram post naman ay inalala ni Elvis ang unang araw kung kailan natuto umano si Alexa na mag-drive. Sa post din na ito ay ipinahayag niya kung gaano niya nami-miss ang kaniyang asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Elvis Gutierrez

You were 19 I was 22, this was the first day you learned how to drive. I wanted to capture how happy you were. You called me the best driving teacher. I miss you so much!” caption ni Elvis.

Matatandaang nitong January lamang ibinalita ni Ruffa na nakikipaglaban nga sa sakit na Leukemia ang kaniyang sister-in-law. At ngayong July nga ay pumanaw na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Alexa at Elvis Gutierrez ay may dalawang anak na babae. 10 taong gulang ang isa habang pitong taon naman ang isa pa.

Sinulat ni

Jobelle Macayan