11-anyos namatay dahil sa allergic reaction sa toothpaste

Narito ang kwento ng isang dalagitang nasawi dahil sa allergy.

Allergic reaction ang naging sanhi ng pagkamatay ng 11-anyos na si Denise Saldate mula sa West Covina, California.

Ang special toothpaste na inakala niyang tutulong para mapatibay ang ngipin niya ang nagdulot nito.

Dalagitang namatay dahil sa allergic reaction

Image from DailyMail UK

Isang taong gulang palang si Denise ng madiagnose siyang may severe allergy sa mga dairy products gaya ng milk.

Kaya naman sa kaniyang paglaki ay binabantayan ng mga magulang ni Denise ang lahat ng kinakain niya.

Kahit pati sa eskwelahan ay sinisigurado ng mga ito na walang pagkaing maibibigay kay Denise na magdudulot ng allergic reaction sa kaniya.

Kada food labels at ingredients ng isang pagkain ay masusi nilang tinitingnan para rin makasigurado.

Gayunpaman, hindi napigilan ng ina ni Denise na si Monica Altamirano na maexpose sa milk ang anak niya ng hindi inaasahan.

Nangyari ito nitong April 4, ng niresetahan ng isang dentista si Denise ng medicated toothpaste na sana ay magpapatibay ng ngipin niya.

Mula pagkabata ay chinecheck ni Monica ang ingredient labels ng kada toothpaste tubes na ginagamit ni Denise. Kaya naman sa pagkakataong ito ay inakala niyang tulad ng iba ay wala ring milk ang niresetang toothpaste kay Denise. Ngunit, nagkamali siya.

“I did not think to look at the product ingredients. She was just excited to have her special toothpaste,” kwento ng ina ni Denise.

Kaya naman ng hindi tinitingnan ang ingredient labels ng medicated toothpaste ni Denise ay hinayaan niyang gamitin ito ng anak.

Sintomas ng allergic reaction

Nagpakita ng sintomas ng allergic reaction si Denise matapos magtoothbrush, gabi noong April 4.

Kasama ang kaniyang kapatid, nagulat nalang daw ito ng biglang nagtatakbo si Denise palabas ng banyo na umiiyak.

“I think I’m having an allergic reaction to the toothpaste”, umiiyak na sinabi ni Denise sa kaniyang ina habang nagkukulay asul na ang mga labi nito.

Dito napagtanto ng ina ni Denise na siya ay nakakaranas na ng anaphylactic shock.

Anaphylactic shock

Ang anaphylactic shock o anaphylaxis ay ang pinakadelikadong epekto ng allergic reaction sa katawan ng isang tao.

Sinumang nakakaranas nito ay biglang makakaramdam ng pagkahilo, hirap sa paghinga, wheezing, mabilis na tibok ng puso, confusion, anxiety, pagcocollapse at pagkawala ng consciousness o pagkahimatay.

Ang mga sintomas na ito ay agad na makikita ilang minuto matapos maexpose sa allergens ang isang tao.

Madalas ay sinasabayan din ito ng hives, mahinang pulso at pamamaga ng dila o lalamunan.

Nangyayari ito dahil nagrerelease ng chemicals ang immune system para labanan ang allergens sa katawan ng isang tao. Dahil dito ay biglang bababa ang blood pressure at sisikip ang paghinga ng nakakaranas ng allergic reaction.

Sa ilang minuto ang anaphylactic shock ay maaring makamatay.

Para malunasan ito ay kailangan ng epinephrine solution. Isang gamot na iniinject sa thigh muscle para madilate ang mga blood vessels at maibalik sa ayos ang blood pressure ng taong nakakaranas ng allergic reaction. Nirerelax rin nito ang mga muscles sa airway para sa manumbalik ang maayos na paghinga.

Sa kaso ni Denise ay agad naman siyang binigyan ng EpiPen ng kaniyang ina. Gumamit rin ito ng asthma inhaler para makahinga pero hindi ito nakatulong sa kaniya.

Agad rin namang dumating ang mga paramedics at binigyan ng CPR ni Denise bago siya tuluyang dalhin sa ospital.

Ngunit matapos ang dalawang araw ay binawian ng buhay si Denise.

Dito napagalaman ng mga magulang ni Denise na ang toothpaste na ginamit niya na kilala sa tawag na MI Paste One ay may taglay na ingredient na kung tawagin ay Recaldent. Isang cow’s milk-derived protein na natagpuan sa kaniyang toothpaste ang nagdulot ng allergic reaction sa kaniya.

Paaalala sa mga magulang

Kaya naman, sa nangyari kay Denise ay umaasa ang mga magulang niya na makakatulong ang kaso niya sa iba. Sa pamamagitan ito ng pagbibigay awareness sa peligrong dala ng anaphylaxis.

Ito ay maiiwasan kung titingnan ang lahat ng items na gagamitin ng isang may allergy sa mga allergens na maaring magtrigger nito sa kaniya.

Umaasa rin sila na sana ang bawat dentista at doktor ay ugaliing tanungin ang kanilang pasyente kung mayroon ba silang allergy. Ito ay para mabigyan sila ng prescription na magiging ligtas para sa kanila at para maiwasan ang anumang sintomas ng allergic reaction.

“Read everything. Don’t get comfortable, just because you’ve been managing for several years”, paalala ng ina ni Denise.

Iba pang pagkaing nagdudulot ng allergic reaction

Maliban sa milk ang ilan pang pagkaing nagdudulot ng 90% ng allergic reaction sa isang tao ay ang sumusunod:

  • Eggs
  • Peanuts
  • Tree nuts, tulad ng walnuts, almonds, pine nuts, brazil nuts, at pecans
  • Soy
  • Wheat at iba pang grains na may gluten, tulad ng barley, rye, at oats
  • Fish
  • Shellfish

Halos lahat ng pagkain ay maari ring magdulot ng allergic reaction gaya ng mga sumusunod. Hindi nga lang ito madalas na nangyayari o less common.

  • Corn
  • Gelatin
  • Karne o meat (beef, chicken, mutton, at pork)
  • Seeds gaya sesame, sunflower, at poppy
  • Spices tulad ng caraway, coriander, garlic at mustard

Sources:

WebMD, DailyMail UK