REAL STORIES: "Mali ba na humihingi ako ng pera kay mister para sa mga personal items ko?"

Isang misis ang nagtatanong kung ano ang opinyon niyo sa paghingi ng allowance kay mister para sa allowance ni misis? Ano ang masasabi ninyo dito?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang miyembro ng theAsianparent Community ang hiningi ang opinyon ng iba pang mga misis. Nais niyang malaman ang tingin ng iba sa kanyang paghingi ng allowance mula sa kanyang mister. Tama lang ba ang ginagawang paghingi ng allowance ni misis? Alamin ang mga reaksyon ng iba pang miyembro.

Allowance ni misis

Isang ina ang humihingi ng opinyon sa kanyang paghingi ng allowance mula sa kanyang asawa. Wala man nabanggit kung magkano ang kinikita ng asawa, na-ikwento ng nagtatanong na P200 ang kanyang hinihingi bawat sahod. Ito ay kanyang ginagamit bilang pambili para sa kanyang personal na skin care. Ang mga natitira dito ay kanya ring iniipon sa kanyang alkansya.

Mga sagot

Halos lahat ng nagbigay ng kanilang opinyon ay pare-pareho ang naging sagot. Para sa kanila, walang masama sa paghingi ng allowance mula sa mister. Hindi man malinaw kung ang misis ay may sarili ring trabaho, sagot ng mga nagbigay ng opinyon ay maliit na halaga ang P200 kada-sweldo.

Iminungkahi ng isang nagkomento na pag-usapan ito. Ang isa sa mga dapat gawin ng nagsasama pagdating sa pera ay pag-usapan ito. Kailangang maging malinaw kung paano ang magiging hatian sa mga gastusin at araw-araw. Dito rin masasabi kung magkano ang mga maaaring gamitin para sa mga personal na bilihin tulad ng sa kaso ng nagbigay ng katanungan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isa pang nagkomento, nais lamang niyang ipaalala na dapat unahin ang mga kailangan ng pamilya. Kanyang itinuro na dapat munang tuunan ng pansin at paggastusan ang mga bagay tulad ng diaper at pagkain. Ganunpaman, hindi niya sinasabi na masama ang paghingi ng allowance ni misis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isa pang komento, isang mommy ang nagsabi na hindi ito masama dahil ang skin care ay bahagi rin ng self care. Ganunpaman, kailangan ay alam at naiintindihan ng misis ang pinansyal na katayuan ng kanilang pamilya. Dapat niyang tanggapin kung wala talagang natira na budget para dito dahil inuna ang ibang bayarin. Dapat din respetuhin ang desisyon ng mister na hindi magbigay dahil baka nakalaan na ito para sa ibang bagay.

Financial bullying?

Subalit, marami parin sa mga nagkomento ang nagsabing dapat ay ibinibigay ng mister ang kanyang buong sweldo sa misis. May sarili mang trabaho at kinikita ang misis, kanilang sinasabi na ang babae dapat ang magbudget para sa pera ng pamilya.

Subalit, hindi ba matatawag na financial bullying ang sapilitang pagkuha ng buong sweldo ng asawa?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isang survey na isinagawa sa America, inalam ang tingin ng mga nasa relasyon kung tingin nila ay financial bullying ang nararanasan nila. Napag-alaman dito na marami ang hindi nakakakita dito bilang financial bullying. Sa halip, ito lamang ay paraan upang ma-manage nang maayos ang pera sa pagitan ng mag-asawa,

Kung ito ay para sa ikabubuti ng pinansiyal na katayuan ng pamilya, hindi ito masamang gawin. Ang mahalaga lamang ay ang magha-handle ng mga gastusin ay ang masmarunong sa pera. Ganunpaman, hindi ibig sabihin nito ay babae dapat ang namamahala sa budget. Ito lamang ang nakasanayan sa Pilipinas dahil sa ating kultura.

Isa pang importanteng bagay ay ang pag-usapan ng mag-asawa ang mga magiging gastusin. Tandaan, sino pa man ang nagbu-budget, yan ay pera ninyong dalawa. Hindi masama ang maglaan ng pera para sa sarili basta ito ay bukal sa loob ng isa’t isa at napag-usapan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source: theAsianparent Community, The Guardian