‘May forever’ — Ito ang masayang bulaslas ng kilalang cosplayer na si Alodia Gosiengfiao sa pagiging engaged niya sa non-showbiz boyfriend na si Christopher Quimbo.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Alodia Gosiengfiao engaged to Christopher Quimbo
- Love story ni Alodia Gosiengfiao at Christopher Quimbo
- Alodia Gosiengfiao’s love life
Alodia Gosiengfiao engaged to Christopher Quimbo
Engaged na ang kilalang Filipina cosplayer na si Alodia Gosiengfiao sa non-showbiz boyfriend niyang si Christopher Quimbo. Ang magandang balitang ito ibinahagi ni Alodia sa kaniyang YouTube vlog na pinamagatan niyang “A New Journey”. Habang sa caption nito ay ito naman ang nakasaad.
“For some, it takes a lifetime to find true love. But for the lucky ones, a lifetime is merely enough to share the love they’ve found.”
Ang naging proposal ng kasal ay naganap sa winery ng boyfriend ni Alodia na kasalukuyang presidente at general manager ng Calabria Company Limited. Ito ang kompanyang gumagawa ng Novellino wine.
Kuwento ni Alodia sa kaniyang vlog, wala siyang ideya sa gagawing proposal ni Christopher. Naging suspicious lang siya ng makakita siya ng maraming bulaklak sa winery na nadagdagan pa ng mga nakasinding kandila. Hanggang sa bigla nalang lumuhod si Christopher sa harap niya at nagtanong na “Will you marry me?” Si Alodia napasagot ng “Of course” at napabulaslas ng “Grabe” nang tingnan ang engagement ring niya.
Si Christopher, ito ang binulong kay Alodia matapos itong mapapayag na magpakasal sa kaniya.
“I love you very much. Thank you for saying yes.”
Love story ni Alodia Gosiengfiao at Christopher Quimbo
Sa parehong vlog ay ibinahagi rin ni Alodia at Christopher ang love story nila. Ayon kay Christopher, una niya palang nakausap si Alodia ay nabighani na sya nito.
“Oh my God! This girl is really a lot more than just an artista. She’s a phenomenal person. So a wonderfully deep person, an entrepreneur, and on top of all that, she’s beautiful.”
Ito umano ang first impression ni Christopher kay Alodia.
Dahil sa magandang impression kay Alodia, si Christopher sa unang buwan palang nilang pagkakakilala ay hiningi na agad ang kamay ni Alodia para maging girlfriend niya.
“I wrote her a long heartfelt letter and I promised her certain things and I would tell her that I intend in keeping all those promises.”
Ngayon na sila ay engaged to be married si Christopher ito ang pangako kay Alodia.
“I’ll be good to her and I’ll be her biggest fan. I’ll treasure her,” sabi pa ni Christopher.
Si Alodia naman thankful din sa pagdating ni Christopher sa buhay niya. Sa katunayan sa ngayon daw ay tila hindi niya na kaya na wala ito sa piling niya. Dahil nang dumating ito ay tila umayos ang lahat ng naaayon sa gusto at pinapangarap niya.
“I guess, yun nga, I couldn’t imagine a life na without him.”
“Everything is just falling into place, na parang hindi siya pilit, hindi siya nira-rush or something. Parang napakaganda lang, I guess. It’s very pure.”
Dagdag pa ni Alodia hindi niya inakala na may isang tulad ni Christopher na nagi-exist. Sabi pa nga niya, sila ay perfect fit dahil naiiintindihan nila ang isa’t-isa.
“I always see him there. Also at the top of my head before pa, parang I couldn’t believe someone like him existed. Parang sobrang perfect fit, I guess. Naiintindihan niya ako, naiintindihan ko siya. I guess it’s nice. Maganda pala ‘yong life.”
Hirit pa nga ni Alodia ng makilala niya si Christopher ay nagsimula na siyang maniwala sa forever.
“Thank you for existing. I am super excited to share this new journey with you. Iniisip ko forever e, may forever.”
Ito ang nakangiting sabi ni Alodia.
Alodia Gosiengfiao’s love life
Matatandaang Nobyembre ng nakaraang taon ng ibahagi ni Alodia na hiwalay na sila ng vlogger rin na si Wil Dasovich. Ang kanilang relasyon natukdukan matapos ang apat na taon.
“To those asking, wala na kame. It’s been a while. We tried to work things out many times but some things are not meant to be.”
Ito ang sabi ni Alodia noon sa isang Facebook post.
Sa isang panayam naman kay Wil, ibinahagi niya ang mararamdaman sa oras na malaman niyang may ibang lalaki ng nagpapasaya kay Alodia. Ayon kay Wil, panigurado ito ay maaring maging masakit o awkward pero kung masaya si Alodia at matinong lalaki ang napili niya ay masaya rin siya para dito.
“To be honest with myself, I don’t know how I’d feel until that happens. But, if she was happy and I believe that he is a good guy, I would be happy. Because my goal for her, and for everyone in the world is to be happy.”
“If she can find that happiness with someone else, that’s great. It may hurt, it may be weird, it may be awkward, it may touch a nerve or something. But at the end of the day, if she’s happy, that’s great, I think that’s the ultimate goal.”
Ito ang sabi pa ni Wil.