X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Alwyn Uytingco to Jennica Garcia: “Salamat sa 12 years nating pagsasama. Salamat sa pagmamahal.”

5 min read
Alwyn Uytingco to Jennica Garcia: “Salamat sa 12 years nating pagsasama. Salamat sa pagmamahal.”

Ayon kay Alwyn milagro na nai-celebrate nila ang kanilang 12th anniversary ni Jennica. Ito ang paliwanag niya kung bakit.

Alwyn Uytingco at Jennica Garcia, nag-celebrate ng kanilang 12th anniversary bilang magkarelasyon. Patunay na tuluyan na ngang naayos ang gusot sa kanilang relasyon.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Alwyn Uytingco at Jennica Garcia 12th anniversary bilang magkarelasyon.
  • Love story nina Alwyn Uytingco at Jennica Garcia.

12th anniversary nina Alwyn Uytingco at Jennica Garcia

Alwyn Uytingco at Jennica Garcia nag-celebrate ng kanilang 12th anniversary

Image from Facebook

Mukhang tuluyan ng nagkabalikan ang celebrity couple na sina Alwyn Uytingco at Jennica Garcia. Dahil base sa pinaka-latest Facebook post ni Alwyn nitong February 15 ay nag-celebrate sila ng kanilang 12th anniversary ni Jennica bilang magkarelasyon. Isinabay nila ito sa 34th birthday ni Alwyn noong February 11 at kanilang Valentines celebration narin.

“Noong nakaraang weekend, ang daming petsa na kailangan i-celebrate namin. Bday ko, anniversary namin tapos may balentimes pa. Hindi sa lahat ng oras napagbibigyan kami ng chance ma-celebrate lahat ng ‘yan.”

Ito ang bungad ni Alwyn na sinabing excited siya na ma-celebrate ang tatlong okasyon na ito kasama si Jennica lalo na ngayong taon.

Sapagkat matatandaang nitong nakaraang taon ay dumaan sa pagsubok ang kanilang pagsasama. Si Jennica at kanilang mga anak nga ay kinailangang lumipat ng bahay ng subukin ang relasyon nila.

Advertisement

“Kaya mas excited ako na ipagdiwang anibersaryo at balentimes namin ni Jen. Lalo na sa taon na ‘to.”

“Alam naman natin lahat, isang MILAGRO ang ma-celebrate namin ang 12th anniversary namin. Muntik na nga magtapos sa 11th year. (Opo, dahil po sa’kin. Ako po ang may sala. Sorry na po.) Kaya napakahalaga sa akin / sa amin na maipagdiwang ang anniv namin. Kasi isa siyang malaking blessing talaga.”

Ito ang sabi pa ni Alwyn.

Alwyn ipinasyal si Jennica

Alwyn Uytingco at Jennica Garcia nag-celebrate ng kanilang 12th anniversary

Image from Facebook

Para nga maging espesyal ang kanilang anniversary ay ipinasyal ni Alwyn si Jennica si Pinto Art Museum sa Antipolo, Rizal. Ito daw ay pinagplanuhan niyang maigi para masigurong matutuwa ang misis niya.

“Nagplano ako ng mabuti para sa araw na ‘to. Dahil gusto ko lang maramdaman ni Jen kung gaano ako ka-grateful sa kaniya, kay God, at sa pagkakataon na mapagdiwang ang araw na ‘to na kasama siya.

Pero simple lang naman ang ganap. Sinurprise ko siya nang dalhin ko siya sa Pinto Art Museum at wala siyang kaalam alam.

Sabi ko lang, papasyal kami. Ganern. Matagal na niyang gusto makapunta sa museum na ‘yon, lalo pa ng malaman niya na nakapag shoot ako doon.”

Sa museum ay nag-ikot ikot si Jennica at Alwyn. Sa pagtatapos ng kanilang pamamasyal sa museum ay may isang parte nito ang nagpapaalala sa kanilang dalawa kung paano nagsimula ang pagmamahalan nila.

Ito ay ang garden sa labas ng museum na may kumpol ng mga kawayan na nagpaalala kay Alwyn ng pelikulang Avatar.

“Nung mapagod na kami, nag aya si Jennica na umuwi na. Sabi ko, puntahan muna namin yung garden sa labas ng Gallery 7.

At yon ang da best na panapos sa day trip namin. Hindi namin inaasahan na may mga tumpok ng bamboo doon sa garden. Sa tuwing humahangin, parang kumakanta ‘yong mga bamboo kapag nagbe-bend ‘yong trunk nila.”

“Doon ko naalala ‘yong pelikula na Avatar. Hind ‘yong airbender, ‘yong kulay blue sila.

“Naaalala ko na ito nga pala ang kauna-unahang bagay na sinabi ko kay Jennica noon, nung hindi pa kami mag jowa. Nasa isang bar kami noon.

Kasama ang common friends namin. Halos magkatabi kami, pero di kami nag uusap. Wala ako ibang masabing ice breaker kundi..

“Napanuod mo na ba ‘yong Avatar?”

Sagot niya, “hindi, ano ‘yon?”

Doon umano nagsimula ang pag-uusap ni Alwyn at Jennica at may isang linya doon na tumatak sa kaniya na inihalintulad niya sa relasyon nila ni Jennica.

Mensahe ni Alwyn para kay Jennica

Alwyn Uytingco to Jennica Garcia: Salamat sa 12 years nating pagsasama. Salamat sa pagmamahal.

Image from Facebook

“May isang linya doon sa pelikula na sinasabi ang mga character na tumatak sa akin. ‘Yong quotable line na “I see you, Jakesully.”

Imagine, sabihin sa’yo ng isang warrior princess ‘yon.. na nakikita ka niya. Hindi lang yung pisikal na anyo mo, pero ina-acknowledge niya ‘yong presence mo. ‘Yong kapasidad mo, yung worth mo.

At noong nag rewatch ako ng Avatar, mas mabigat na sakin ang mga salitang ito. I SEE YOU. Na para bang mas matimbang pa ito kaysa I love you.”

Ito ang sabi pa ng aktor.

Sa huli matapos ng kaniyang mahabang pagkukuwento, ay nagpasalamat si Alwyn kay Jennica. Ipinaabot rin nito sa misis ang pagmamahal sa loob ng 12 taon.

“Nanay, salamat. At kahit ganito ako, maraming kakulangan sa’yo, maraming pagkakamali at napaka imperfect na tao, nakikita mo pa rin ako. Salamat sa 12 years natin pagsasama. Salamat sa pagmamahal.”

“I see you, Jennica. Mahal kita.”

Ito ang mensahe pa ni Alwyn sa asawa.

BASAHIN:

Alwyn Uytinco on reconciliation with Jennica: “I will fight the good fight to retake my family”

Jennica Garcia on answered prayer: “He gave me what I was waiting for—Alwyn to come back for us”

Jennica Garcia’s open letter: “There is nothing you can do to change your spouse heart.”

Love story nina Alwyn Uytingco at Jennica Garcia

February 2014 ng maikasal sina Alwyn at Jennica sa pamamagitan ng isang secret wedding. Pebrero rin ng nakaraang taon ng magsimula ang ugong na naghiwalay na sila.

Ito ay matapos burahin ni Jennica ang mga picture nila ni Alwyn na magkasama sa kaniyang Instagram account. Sinundan ito ng pagtatanong ng aktres kung paano mapapalitan ang pangalan niya sa Instagram na kung saan gusto niyang alisin ang apelyidong Uytingco.

Hanggang sa ibinenta na online ng aktres ang mga lumang gamit nilang mag-asawa at lumipat sila sa bagong bahay ng kaniyang mga anak.

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

 

Facebook

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Alwyn Uytingco to Jennica Garcia: “Salamat sa 12 years nating pagsasama. Salamat sa pagmamahal.”
Share:
  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

    Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

    Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko