X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Isang ina ang binugbog ng kaniyang asawa sa harap ng kanilang anak!

4 min read
Isang ina ang binugbog ng kaniyang asawa sa harap ng kanilang anak!

Kahit kailan man ay hindi magiging tama ang ginawa ng lalake.

Nakakalungkot makarinig ng mga kwento ng mga lalakeng binugbog ang asawa nila. At kamakailan lamang ay nag nag-viral ang isang video ng lalakeng binubugbog ang kaniyang asawa. Sa video, kitang-kita kung paan sinasaktan ng lalake ang walang kalaban laban na babae.

At ang mas masakit pa dito, ay ginagawa niya ito mismo sa harap ng kanilang anak. Bakit niya ito nagawa?

Isang ama, binugbog ang asawa sa harap ng kanilang anak

Unang kumalat ang video sa isang Facebook group. 

Sa simula ay pinagsusuntok ng lalake ang kaniyang asawa. Matapos nito, napahandusay sa sahig ang babae, ngunit hindi pa rin siya tinigilan ng lalake. Tinapak-tapakan pa siya nito, at pinagsisipa ng ilang beses.

Kitang-kitang namimilipit sa sakit ang nakakaawang babae.

Matapos mangyari ang pangbubugbog, lumapit ang lalake sa may pinutan, at binuhat ang isang bata. Di umano, ang bata ay kanilang anak, at siguradong nakita nito ang ginawang pambubugbog ng kaniyang ama. 

binugbog ang asawa

Image Source: Phunuvagiadinh

Mapapanood dito ang buong video. Ngunit mag-ingat, dahil matindi ang karahasang nangyari sa video.

Advertisement

Halo-halo ang reaksyon ng mga netizens

Karamihan ng mga nakapanood sa video ay nagsabing napakasama ng ginawa ng lalaki. Dagdag pa nila, walang kahit sinong may karapatang gawin yun sa kaniyang asawa. 

Ngunit may ibang nagsasabi na alamin muna ang tunay na nangyari sa mag-asawa.

Sabi nila na baka posible daw na may ginawang malaking kasalanan ang babae. At dahil dito, nagalit ang kaniyang asawa at siya ay binugbog.

Wala pa ring ibang detalye ngayon tungkol sa video.

Ngunit isang bagay lang ang malinaw. Hindi tama ang ginawa ng lalake, at walang kahit sino ang may karapatang manakit ng iba, lalo na ng kanilang asawa. 

Isipin niyo na lang ang trauma na dulot nito sa bata. Ano kaya ang kaniyang nararamdaman nang nakikitang binubugbog ang kaniyang ina? 

Umaasa kami na humingi ng tulong ang babae, at lumayo na sa kaniyang mapang-abusong asawa. Makabubuti rin kung isama na niya ang kaniyang anak, dahil baka pag nagtagal pati ang mismong anak nila ay saktan na rin ng kaniyang asawa. 

Mahalagang payo mula sa survivor ng abuse

Nakakalungkot na hindi na bago ang ganitong mga kwento. At mula sa isang inang inabuso at sinaktan ng kaniyang asawa, heto ang kaniyang mahalagang payo para sa ibang mga babae:

  • Huwag kang manatiling tahimik.
  • Huwag tanggapin ang mg nangyayaring mali.
  • Magtiwala sa iyong hinala.
  • Magtiwala sa iyong pamilya o kaibigan kasi sila rin ang nakakakita kung paano ka inaabuso.
  • Mas mabuting lumayo na lang sa isang toxic na relationship.
  • Huwag matakot na humingi ng tulong. Puwedeng humingi ng tulong mula sa Kaya at sa PCW.
binugbog ang asawa

mage source: Pexels.com

Ano ang gagawin kapag ikaw ay biktima?

Heto ang isang guide na inihanda ng Association of Women, Action and Research (AWARE) kung ano ang gagawin kapag ikaw ay naging biktima ng domestic abuse.

1.  Humingi ng tulong

Tawagan ang mga sumusunod na hotline kung ikaw ay biktima ng domestic abuse:

  • Philippine National Police (PNP)
    Camp Crame, Quezon City
    Tel. No.: 723-0401 to 20
  • PNP-Women and Children Protection Center (WCPC)
    Camp Crame, Quezon City
    Tel. No.: 410-3213
  • Department of Social Welfare and Development (DSWD)
    Batasan  Pambansa Complex, Quezon City
    Tel. No.: (02)931-8101 to 07

2.  Pumunta sa doktor

  • Kung ikaw ay may mga injury, huwag mag-atubiling pumunta sa doktor.
  • Wag kang magsinungaling sa iyong doktor, at sabihin mo sa kaniya kung saan mo nakuha ang injury mo.
  • Puwede ka ring humingi ng report mula sa doktor, na puwedeng magsilbing ebidensya laban sa iyong asawa. 
husband beating wife images

Image Source: Stock Photos

3. Magsampa ng police report

  • Kahit wala kang planong magsampa ng kaso, makakatulong ang police report para sa iyong proteksyon.
  • Gumawa ka ng kopya nito at ibigay sa mga kaibigan o kamag-anak para itago.
  • Mabuti rin kung ito ay iyong i-scan at i-email o ipadala sa mga tao.
  • Ito ay magsisilbing ebidensya rin laban sa iyong asawa. 

4. Huwag matakot humingi ng suporta

  • Nakaktulong ang counseling at therapy upang malagpasan mo ang iyong mabigat na pinagdaanan.
  • Hindi madaling tanggapin na ikaw ay sinasaktan ng iyong asawa, kaya’t mabuting kumausap ng counselor upang mas maintindihan mo ang nangyaring pang-aabuso sa iyo.
  • Huwag kang matakot humingi ng suporta, kahit sa mga kaibigan o kamag-anak mo.

6. Magsampa ng kaso

Kung talagang hindi mo na kaya, at gusto mo nang iwan ang iyong asawa, puwede kang magsampa ng kaso. 

Huwag kang matakot, at tandaan na ito ay hindi lang para sa iyong kabutihan, ngunit para na rin sa anak mo. Minsan, mas mabuti pang lumayo ka na lang sa isang mapang-abusong asawa, kaysa magtiis sa kaniyang pananakit.

Mahirap, pero ito ang pinakamabuting gawin upang masigurado mo ang kaligtasan mo at ng iyong anak.

phunuvagiadinh.vn, AWARE

 

Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara

Partner Stories
New to the Mom Game? Celebrate Mother's Day with These Awesome Deals and Activities
New to the Mom Game? Celebrate Mother's Day with These Awesome Deals and Activities
Parents, here's what you should do when your child sees you and your spouse fighting
Parents, here's what you should do when your child sees you and your spouse fighting
#SendLoveWithBebeBata
#SendLoveWithBebeBata
13 Must-haves for Your Online Baby Checkout Checklist
13 Must-haves for Your Online Baby Checkout Checklist

https://sg.theasianparent.com/husband-beating-wife-images

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Parenting
  • /
  • Isang ina ang binugbog ng kaniyang asawa sa harap ng kanilang anak!
Share:
  • 5 Meanings of Dreaming About Dating Someone You Like

    5 Meanings of Dreaming About Dating Someone You Like

  • "Daddy, Picturan Mo Naman Kami Ni Baby": Bakit Mahalaga ang Mga Larawan ni Mommy Kasama Si Baby

    "Daddy, Picturan Mo Naman Kami Ni Baby": Bakit Mahalaga ang Mga Larawan ni Mommy Kasama Si Baby

  • Mother's Day Poem: A Tribute to the Women Who Feel They've Lost Themselves in Motherhood

    Mother's Day Poem: A Tribute to the Women Who Feel They've Lost Themselves in Motherhood

  • 5 Meanings of Dreaming About Dating Someone You Like

    5 Meanings of Dreaming About Dating Someone You Like

  • "Daddy, Picturan Mo Naman Kami Ni Baby": Bakit Mahalaga ang Mga Larawan ni Mommy Kasama Si Baby

    "Daddy, Picturan Mo Naman Kami Ni Baby": Bakit Mahalaga ang Mga Larawan ni Mommy Kasama Si Baby

  • Mother's Day Poem: A Tribute to the Women Who Feel They've Lost Themselves in Motherhood

    Mother's Day Poem: A Tribute to the Women Who Feel They've Lost Themselves in Motherhood

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko