Ama ni Angel Locsin kasalukuyang lumalaban sa sakit na COVID-19.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pagbabahagi ni Angel Locsin sa pagkakaroon ng sakit na COVID-19 ng kaniyang ama.
- Mensahe ng suporta at dasal sa ama ni Angel Locsin na nag-positibo sa COVID-19.
Ama ni Angel Locsin nag-positibo sa COVID-19
Image from Angel Locsin’s Official Facebook account
Sa kaniyang latest Instagram post ay ibinahagi ng aktres na si Angel Locsin na nagpositibo at kasalukuyang lumalaban sa sakit na COVID-19 ang 94-anyos niyang ama na si Angelo Colmenares.
Ayon sa post ni Angel, ay halos isang linggo na siyang “feeling helpless” dahil sa kondisyon ng ama. At kagabi base sa litrato at video na kalakip ng Instagram post niya ay kinuha na ng ambulansiya ang kaniyang ama at isunugod na sa ospital.
Ito ang nagdagdag pa ang pag-aalala at kalungkutan kay Angel dahil ang kaniyang ama ay bulag at hindi pamilyar sa lugar na pagdadalhan sa kaniya.
“It’s been a week of feeling helpless. Imagine having COVID at 94. Now imagine being blind in unfamiliar surroundings.”
Ito ang unang bahagi ng pahayag ni Angel Locsin sa Instagram.
Dagdag pa niya, ang COVID-19 pandemic na ating nararanasan sa ngayon ay naging daan para magkaroon siya ng napakaraming realizations.
Kaya naman siya ay nanatiling positive sa buhay si Angel. Siya ay may iniwan pa ngang mensahe sa mga PWDs tulad ng kaniyang ama na lumalaban ng mag-isa sa mga pagsubok sa buhay.
“So many realizations during this pandemic. We all have our battles, but some definitely more than others. To the PWD’s and everyone fighting their battles alone, kapit! This too shall pass ❤️”
Ito ang sabi pa ni Angel.
Reaksyon ng mga kaibigan ni Angel Locsin
Bumaha naman ng komento ng suporta at pagmamahal mula sa mga kaibigan niya sa industriya ang post na ito ni Angel tungkol sa kaniyang ama.
Sa mga artista at iba pang personalities sa mundo ng showbizness na tinatawag ding Daddy ang ama ni Angel ay narito ang mga nasabi nila sa pagsubok na hinaharap nito sa ngayon.
Praying for your Dad@therealangellocsin. 🙏🙏🙏
Praying for your fathers fast recovery, Angel. 🙏🙏🙏
Praying for your dad @therealangellocsin 🙏🙏🙏
Praying for your father’s fast recovery … 🙏🏻🙏🏻🙏🏻🙏🏻
Ama ni Angel Locsin ang dahilan kung bakit pumasok siya sa pag-aartista
Sa naging panayam kay Angel Locsin ng aktor na si Matteo Guidicelli sa podcast show nitong “MattRuns” noong July 16 ay ibinahagi ng aktres na ang kaniyang ama ang dahilan kung bakit siya napasok sa pag-aartista.
Kuwento ni Angel, dapat umano ay dalawang taon lang ang itatagal niya sa showbiz. Ang dalawang taon na iyon ay para makaipon sa pangpa-opera sa mata ng nabulag niyang ama.
Kuwento ni Angel noon kay Matteo Guidicelli,
“Alam mo ba, dapat two years lang ako sa showbiz. Mag-iipon lang ako, ipapa-opera ko yung tatay ko.”
Pero sa kasamaang palad ng makaipon na si Angel ng pera para sa operasyon ng ama ay saka sinabi ng doktor na hindi na ito puwede pang operahan.
“Sinabi sa amin ng doktor na hindi na pwede i-operate. Ngayon, 94 na si Daddy pero noong time na ‘yon, mga 80 plus na si Daddy.”
Nang mga panahong iyon pag-amin ni Angel ay naging lost siya at pakiramdam niya ay nawalan na siya ng purpose sa buhay. Pero dahil sa diskrimasyon na naranasan sa industriya ng showbizness ay naisipan ni Angel na ituloy nalang ang kaniyang karera sa pag-aartista.
Ito ay para mapatunayan sa mga tao na humahamak sa kaniya na siya ay may ibubuga. Ito ang naging daan para mas tumagal siya sa pag-aartista at makilala sa mga proyekto niyang nagawa.
BASAHIN:
LOOK: Angel Locsin at Neil Arce, nakalipat na sa kanilang bagong bahay
Angel Locsin: “Sana ma-bless ako ng anak, ng isang simpleng masayang pamilya”
Pagmamahal ni Angel sa ama
Image from Angel Locsin’s Official Facebook account
Sa mga naging panayam ni Angel at kahit sa mga post niya sa social media ay kitang-kita kung gaano niya kamahal ang ama. Ito ang sinasabi niyang kaniyang coach at mentor sa napakaraming skills at talents na tinataglay niya.
Samantala, sa hiwalay na panayam noon sa kaniya ng yumaong kolumnista na si Ricky Lo ay ibinahagi ni Angel ang dahilan ng pagkabulag ng ama.
“My father lost his eyesight due to cataract. He’s also suffering from retina detachment. Up to now, wala pa yatang possible treatment for his ailment. But I never lose hope.”
Ito ang pagbabahi ni Angel sa dahilan ng pagkabulag ng mga mata ng kaniyang ama.