Ina binugbog ang sariling anak dahil sa mababang grado!

Isang anak, binugbog umano ng sariling ina gamit ang tubo dahil sa kanyang mababang grado. Alamin dito ang buong pangyayari

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kahit sinong magulang ay gustong magkaroon ng matataas na marka sa eskwelahan ang kanilang mga anak. Ngunit minsan, sumosobra rin ang inaasahan ng mga magulang. Gaya na lamang ng kwento ng isang anak binugbog ng kanyang ina, dahil lamang sa mababang mga marka sa paaralan.

Anak binugbog gamit ng tubo dahil sa mababang grado

Anak binugbog ng sariling ina gamit ang isang tubo | Image: FeedyTV screengrab

Sa video, makikitang pagpasok pa lang ng ina ay may hawak na itong mahabang tubo. Sunod, makikitang kanyang pinaghahahampas ng tubo ang kaniyang anak. 

Hindi pa nasiyahan, kinaladkad niya ang anak papunta sa sahig, at ipinagpatuloy ang pananakit dito.

Ayon sa mga ulat, nagawa raw ito ng ina dahil sa mababang grado ng anak. Nalaman niya sa guro ng anak niya na mababa daw ang grado nito. Gusto lamang daw niyang magtanda at matuto ang kaniyang anak, upang pagbutihin nito ang pag-aaral.

Totoo bang ina ang nanakit sa kaniyang anak?

Bagamat ayon sa mga ulat ay mag-ina raw ang nakunan sa video, may mga ilang nagasasabi na ito raw ay warden sa isang paaralan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito raw ay dahil makikita rin sa video ang isang batang lalaki na nakausot ng damit na kamukha ng suot ng babae.

Kahit ano pa man ang tunay na kwento, ay hindi pa rin katanggap-tanggap ang pananakit ng bata. Mabilis din naging viral ang video, at maraming netizen ang hindi sumasang-ayon sa pangyayari sa video.

Panoorin ang video dito:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dapat bang saktan ang mga bata para madisiplina sila?

Syempre hindi!

Nakakagulat malaman na hindi lamang ito ang video ng pang-aabuso na makikita online. At nakakalungkot isipin na maraming kaso ng pang-aabuso at pananakit ng mga bata ang nagaganap araw-araw.

Ayon kay Michele Knox, propesor ng psychiatry sa University of Toledo sa US, ang pamamalo ng bata ay ang unang hakbang patungo sa child abuse.

Dagdag pa niya na hindi naman ‘masama’ ang mga magulang na pinapalo ang kanilang mga anak para sa disiplina. Ngunit minsan, nararamdaman ng mga magulang na ito na lang ang paraan ng disiplina, lalo na sa mga makukulit na bata.

Ang nakakalungkot dito ay hindi alam ng maraming magulang ang masamang epekto ng pamamalo, lalong-lalo na sa mental health ng isang bata. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi maganda sa mental health ang pamamalo

Noong 2011, ayon sa National Association of Pediatric Nurse Practitioners (NAPNAP, ang pamamalo at pananakit ng mga bata ay posibleng magdulot ng antisocial at impulsive behavior sa mga bata. Madalas, ang mga batang pinapalo ng kanilang mga magulang ay nagiging bayolente paglaki nila.

Bukod dito, heto pa ang ilang masamang epekto ng pamamalo o corporal punishment sa mga bata:

  • Antisocial behaviour
  • Mental health problems
  • Low self-esteem
  • Negative parent-child relationships
  • Impaired cognitive ability
  • Externalizing behaviour problems
  • Internalizing behaviour problems
  • Low moral internalization 

At hindi lang matinding pananakit ang nakakasama sa mga bata. Kahit mahinang pagpalo lang ay posibleng magkaroon ng masamang epekto sa mga bata.

Kung masama ang pamamalo ng bata, ano nga ba ang tamang paraan ng pagdisiplina?

Paano magdisiplina ng bata nang hindi namamalo

Habang lumalaki ang mga bata, dahan-dahan nilang kinikilala ang kanilang mga sarili. Kasama na rin dito ang pagiging makulit at minsan ay pagsuway sa mga magulang. Ngunit, mahalagang umiwas sa pananakit o pamamalo upang sila ay madisiplina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pwedeng magsimula sa mga maliliit na bagay. Katulad ng mga ito:

  • Babaan ang allowance
  • Bawalan silang manood ng tv
  • Dagdag na gawaing bahay
  • Pagtago ng mga laruan o gamit tulad ng iPad, computer etc.

Heto naman ang limang C ng pagdidisiplina, ayon kay Ben Martin, isang psychologist.

1. Clarity

Maging malinaw kapag nakikipag-usap sa iyong anak. Dapat alam nilang mabuti kung ano ang bawal, at kung ano ang tama o mali.

Mabuti ring liwanagin mo sa kanila kung bakit bawal ang isang bagay. Kapag mas naiintindihan nila ang mga patakaran, mas susundin nila ito.

2. Consistency

Huwag pabago-bago ang iyong isip. Ang bawal ay bawal. Kahit makiusap ang iyong anak ay huwag mo silang pagbibigyan dahil mahalagang matutunan nila ang kanilang pagkakamali.

Ngunit mabuti rin namang maging flexible habang lumalaki ang iyong anak. Hindi naman pwedeng palagi mo na lang silang pagbawalan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Communication

Mahalagang kausapin mo ang mga anak pagdating sa paggawa ng mga rules sa bahay. Mabuti kung kayong dalawa ang gumawa ng usapan pagdating sa mga kailangan niyang sundin na patakaran.

Ito ay upang maramdaman ng anak mo na hinihingi mo ang kanyang opinyon at pinapakinggan mo siya..

4. Caring

Iparamdam mo sa iyong anak na mahal mo siya at hindi porke’t pinapagalitan mo siya, ay ayaw mo na sa kanya bilang anak. Dapat maging malinaw na ang hindi mo gusto ay ang kanyang ugali, at hindi siya mismo.

5. Creating a sense of social responsibility

Mahalagang maging socially responsible ang iyong anak paglaki niya. At magagawa mo ito sa pagtuturo ng tamang ugali sa iyong anak. 

Kung gusto mong matuto ng disiplina ang iyong anak, dapat ikaw mismo ay maging disiplinado rin. Dito papasok ang mga salitang, “lead by example.” Kapag ikaw mismo ay mayroong disiplina at malasakit sa kapwa, matututunan ito ng iyong anak at gagayahin nila paglaki nila.

 

Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara

https://sg.theasianparent.com/mom-beats-kid

 

Basahin: Paano disiplinahin ang iyong anak: 8 Mga bagay na dapat tandaan

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara