Mommy nag-worry sa pagkawala ng anak na bumiyahe sa eroplano mag-isa

Alamin din ang mga dapat gawin as parents kung bibiyahe mag-isa ang inyong anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang 12 years old na bata ang nawala na lang bigla nang sumakay ito sa eroplano mag-isa. Kinuwento ng isang mommy ang kaniyang pinagdaanan nang malaman na nawawala ang kaniyang anak.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Anak nawala sa pagbiyahe sa eroplano mag-isa
  • 10 ways para maging safe ang kids when travelling alone

Anak nawala sa pagbiyahe sa eroplano mag-isa

Bangungot nga namang maituturing para sa parents ang biglang mawala ang kanilang anak. Tulad na lamang ng nangyari kay Monica Gilliam nang bilang mawala ang kanyang anak matapos niya pasakayin sa eroplano nang mag-isa.

Pinag-usapan ngayon sa TikTok ang video ng nanay na ito nang ikuwento ang karanasan kung paano nawala ang kanyang anak. Napagpasyahan niya raw na magbiyahe ang anak na mag-isa patungong Tennessee mula Florida upang kitain ang kanyang tatay. Ang kaniyang anay ay isang babae na 12-years old na.

Sa kaba niya na bibiyahe ang anak na mag-isa ay ni-register niya ito sa program ng isang airline kung saan imo-monitor ng staff ang kaniyang anak. Sa programang ito ay ibibigay lamang ang anak mo sa authorized na adult pagdating sa airport.

Dagdag pa ni Monica, hindi raw niya mapapatawad ang nangyari sa kaniyang anak na nawala sa airport..

“It’s absolutely unforgivable… the complete abandonment of a minor in their care, and the negligence displayed today.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan ng Pixabay mula sa Pexels

Sa kanyang emosyunal na salaysay pa, tinawagan daw siya ng manager ng airlines at sinabing nawawala ang kanyang anak.

“Almost an hour after her flight landed, I got a call… It was the manager in Miami, and he said, ‘Your child is missing. We’ve shut down the terminal. We don’t know where she is’.”

Dahil daw sa pagpaalam ng mga flight attendant kaya nagpatuloy na maglakad ang bata at hindi alam kung ano ang gagawin,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“It turns out that the flight attendants waved her off the plane and said ‘bye’ and she said she didn’t know what to do so she kept going because they were telling her ‘bye’ so she kept walking.”

Imbes daw na ibigay siya sa kanyang tatay ay naglibot pa ang bata sa airport nang ilang oras. Nahanap naman din ito ng ama ng bata. Hindi na raw gusto ng bata na lumipad sa eroplano nang mag-isa dahil sa takot niya sa nangyari.

“She doesn’t want to fly now… So I’ll be driving down to get her after her visit is over with her dad.”

Sa pahayag naman ng airlines, sinabi nila na kanilang pinapahalagahan ang mga pasahero nila, partikular ang mga bata na sumasakay sa kanilang mga eroplano.

“We take these matters very seriously and are looking into what occurred. A member of our team has reached out to the customer to learn more about their experience.”

10 ways para maging safe ang kids when traveling alone

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan kuha mula sa Pexels

May mga pagkakataon na kinakailangan na mag-travel alone ang kids. Maaaring dahilan ay walang time para masamahan, financial problem o kung ano man ‘yan. Nakakakaba ito para sa both parents and kids.

Sa ngayon, may mga airlines nang nag-ooffer ng program kung saan sila na mismo magbabantay sa anak mo upang safe na maipasa sa authorized adult sa pupuntahan niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ganitong pangyayari, kinakailangan pa rin na turuan ang kids kung paano magiging safety. Narito ang ilang ways na dapat gawin upang makapag-landing nang safe ang anak mo:

  1. Pag-aralang mabuti ang rules and regulations ng airlines kabilang ang mga contact details at documents na kailangan mong ibigay sa kanila. Sa ganitong paraan malalaman mo kung sakto pa sa kailangan niyo ang kanilang ipinatutupad.
  2. Mag-book ng flight sa umaga upang madaling magawa ng paraan kung sakaling mayroon mang cancellations o rescheduling.
  3. Siguraduhin na handa ang bata sa paglipad niya nang mag-isa at may pahintulot na wala siya makakasama upang hindi siya pangungunahan ng takot.
  4. Ituro sa iyong anak kung ano-ano ang ie-expect niya kung nasa biyahe na tulad ng pag-iba ng panahon.
  5. Dumating sa airlines nang mas maaga sa scheduled na flight upang matignan pa lahat ng kinakailangan gawin bago ang kanyang paglipad.
  6. Turuan ang anak na maging independent at malaman ang iba pang need na information sa loob ng airport.
  7. Ipwesto ang anak sa upuan kung saan may pinakamalapit na flight attendant na magmo-monitor parati sa kanya.
  8. Kahit nasa eroplano na, i-track pa rin ang flight ng iyong anak upang malaman mo kung anong oras siya lumapag sa airport.
  9. Ipaalala sa anak na huwag iwawala o kakalimutan ang lahat ng contact information.
  10. Sabihan din siya na huwag sasama sa kung kani-kanino na hindi niya pa kilala.

Sinulat ni

Ange Villanueva