7 Anak ng mga artista na kamukha ng kanilang mga ina

Mapapamangha kayo sa sa pagkakahawig ng mga mag-ina na ito!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Donna Cruz at Belle

Ang babaeng anak ni Donna Cruz sa kanyang asawang si Yong Larrazabal na si Isabella Adriana, 17, ay minsang sumikat sa social media ng mapuna ng mga fans ng singer-actress na hindi maikakaila ang pagkakahawig ng dalawa. Tila raw lumalaki itong hawig ng kanyang ina noon ito ay nasa kasagsagan pa ng kasikatan niya bilang isang teen star noong dekada 90.

Si Belle ay laking Cebu at ang panganay na anak ni Donna. May dalawa siyang kapatid na lalaki, sina: Cian, 14 at Gio, 10.

photos: Donna Cruz instagram

Aiko Melendez at Marthena

Ang unica hija ng singlemom na si Aiko Melendez na si Marthena ay talaga namang namana ang kanyang ganda! Hindi laman ito, napansin din ng mga netizens na namana rin niya ang galing sa pag-arte ng ina. Kamakailan, inaliw niya ang mga netizens ng kanyang pag-gaya sa isa sa mga sumikat na eksena ng kanyang ina sa TV series na Wildflower, kung saan gumaganap na kontrabida si Aiko.

photo: Aiko Melendez instagram account

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sunshine Cruz at Angelina

Ang panganay ni Sunshine sa kanyang ex-husband na si Cesar Montano ay unti-unting nakikila sa showbiz hindi lamang sa kanyang ganda kundi kanyang personalidad na talagang maihahalintulad sa kanyang ina.

photo: Sunshine Cruz instagram

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Carmina Villaroel at Cassy

16-anyos at may kakambal na lalaki, si Cassy ay maaari ring mapagkamalang kakambal ng kanyang ina na si Carmina.

Jaclyn Jose at Andi

Kung titingnan ang mga larawan ni Andi, maaaring mapagkamalaman itong larawan ng kanyang ina na si Jaclyn noon kabataan nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sharon Cuneta at KC

Madalas na nasasabing kamukha ng kanyang ama na si Gabby Conception, hindi rin maikakaila ang pagkakahawig ni KC sa kanyang ina na si Sharon.

photo: KC Concepcion instagram

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lucy Torres at Juliana

Kahit may Snapchat filters, hindi maitatago ang pagkakahawig ng mag-inang Lucy at Juliana.

photos: Juliana Gomez and Lucy Torres instagram

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang article na ito ay unang isinulat ni Bianchi Mendoza.

Sinulat ni

Bianchi Mendoza