Natanggap bilang scholar sa 30 universities sa United States of America at United Kingdom ang isang anak ng tricycle driver at vendor.
Anak ng tricycle driver at vendor nakakuha ng P106 million scholarship abroad
Hinangaan ng mga netizen sa social media ang anak ng mag-asawang tricycle driver at vendor. Ito ay dahil sa nagawa nitong makapasa sa 20 universities sa United States (US) at United Kingdom (UK).
Larawan mula sa Facebook
Bunso sa apat na magkakapatid si Julian Martir. Tricycle driver ang tatay nito at vendor naman ang nanay.
Sa nakalipas na mga buwan, nakatanggap umano ang 20-anyos na si Julian ng 30 acceptance letters. Ito ay mula sa iba’t ibang university sa US at UK. Tinatayang nasa 1.9 million dollars o 106 million pesos ang merit scholarship na inaalok dito.
Ayon sa essay na isinulat ni Julian at ipinaskil ng Digital News Exchange (DNX). Nagsimula lamang ito nang makita niya sa kaniyang YouTube recommendations ang grupo ng mga aspiring international students na nagpla-planong mag-apply ng scholarship abroad.
Larawan mula sa Pexels kuha ni John Escudero
“Though I was baffled by the undergraduate admission processes outside of the Philippines, I am becoming accustomed to witnessing Philippine college applications, where there were no reservations for other Filipinos like myself to apply with fewer requirements,” saad ni Julian
Laking pasasalamat din umano ni Julian sa kaniyang pamilya. At sa lahat ng sumuporta sa kaniya para makuha ang mga biyayang ito.
“Now that I had never heard of anyone in my community or even in the city of Bacolod applying to a college abroad, I wanted to put a spotlight on my family. And the people who have supported me throughout this exhausting procedure,” aniya.
Larawan mula sa Pexels kuha ni Bro Joey
Nag-iwan din si Julian ng mensahe para sa mga tulad niyang nangangarap na makatapos ng kolehiyo.
“Admission to 30 colleges with a good education is not a one-size-fits-all approach but rather a newfangled terrain with different routes to success.”
“You may face rejections in life and allow failures to be a part of your success. Simply because they do not define your failing characteristics.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!