Matagal nang nagnanais na magkaanak ang mag-asawang Korina Sanchez at Mar Roxas. At base sa isang Instagram post, mukhang natupad na nga ang kanilang pangarap na magkaroon ng anak. At hindi lang iisa ang anak ni Korina Sanchez, ngunit sila ay mga kambal!
Kambal ang mga anak ni Korina Sanchez at Mar Roxas
Base sa Instagram post ni Korina, lalake at babae raw ang kanilang mga anak. Sinabi pa niya sa post: “I think if you believe hard enough, the miracle you most want can come true. Announcing the arrival of our little boy and little girl.”
Bukod dito, nag-iisip pa raw silang mag-asawa kung ano ang ipapangalan sa kanilang mga anak. Nagbiro pa si Korina at sinabing, “Any suggestions? Jack and Jill? Sonny and Cher? MariKor and KoriMar? Daniel and Kathryn?”
Ang kanilang kambal ay ipinanganak rawr sa pamamagitan ng surrogacy. O isang paraan kung saan may “surrogate” mother na magbubuntis at magdadala ng kanilang anak. Matagal na raw nilang plano ito, at masaya sila sa bagong dumagdag sa kanilang pamilya.
Nagbigay ng mga clues si Korina sa kaniyang Instagram
Bago pa gawin ang announcement ay nag-post na si Korina ng ilang mga larawan sa Instagram kung saan namimili siya ng gamit ng mga baby.
At kamakailan rin ay pumunta raw si Mar Roxas, na nasa gitna ng pangangandidato, sa Pennsylvania, USA upang samahan ang kaniyang asawa. Ayon sa campain chief ni Mar, nagpunta raw siya sa US para sa isang “important matter na family [related].”
Isa itong malaking kaganapan sa buhay ng mag-asawa na noong 2009 pa sinusubukang magkaroon ng anak. Dati pa ay sinabi na ni Korina sa ilang mga interview na may plano talaga sila ni Mar na magkaroon ng anak, at umaasa silang magkaroon ng mga bagong miyembro ang kanilang pamilya.
Si Mar ay mayroon nang anak sa dati niyang kasintahan na si Maricar Zaldarriaga, isang beauty Queen. Kamakailan lang ay nagtapos ng 25-anyos na anak ni Mar na si Paolo ng kursong economics sa Yale University.
Source: ABS-CBN News
Basahin: Emotional photos capture the moment a mother met her baby born by surrogate
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!