Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."

undefined

Ayon kay Ogie Diaz, nagkaroon sila ng deal ng kaniyang daughter na babawasan ang savings nito kung sakaling huminto muli sa pag-aaral!

Kabilang sa mga grumaduate sa senior high school ngayong taon ang anak ni Ogie Diaz na si Erin Diaz. Kaya naman proud na proud daddy siyang ibinahagi ito sa kanyang social media.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Anak ni Ogie Diaz, nakapagtapos na sa senior high school: “Wala naman kaming hangad ng mama mo kundi ang magandang future nyong magkakapatid.”
  • Plan you child’s college life with these tips

Anak ni Ogie Diaz, nakapagtapos na sa senior high school: “Wala naman kaming hangad ng mama mo kundi ang magandang future niyong magkakapatid.”

ogie diaz

Larawan mula sa Facebook account ni Ogie Diaz

Isa sa pinakamasarap na feeling para sa parents ang makitang nagtapos ang anak matapos ang ilang taon ng pagsusumikap. Halos lahat ng mga magulang ito na yata ang unang pangarap na gusto nilang makamtan sa kanilang mga anak.

Katulad ng maraming magulang, labis din na nagbunyi ang TV host at vlogger na si Ogie Diaz para sa kanyang anak na si Erin Diaz. Sa kanyang personal na Facebook account ay pinost niya ang ilan sa mga larawan nila ng anak sa graduation ceremony. Makikita rin ang video ni Erin kung saan umaakyat ito sa entablado.

“Eto ‘yong anak ko, si Erin Diaz. Graduate na ng senior high.”

Pagbubungad ni Ogie sa pagtatapos ni Erin ng senior high school sa Thames International.

Ibinahagi niya dito kung ano ang hirap na kinailangang pagdaanan ng kaniyang anak bago sa wakas ay maka-graduate sa SHS. Ayon sa TV host, nakaranas daw ng bullying si Erin sa eskuwelahan dahilan upang huminto ito sa pag-aaral. Hindi raw nagtagal ay nakaisip din itong bumalik sa pag-aaral.  Dito niya raw kinausap ang anak at nagkaroon sila ng kasunduan.

“Nung huminto siya nung 2019 sa senior high, pinagbigyan ko, dahil na-bully at nabagot siya. Nung siya mismo ang nakaisip na gusto na niyang mag-aral uli, sabi ko, ‘O, usapan natin this time, ha? Pag huminto ka na naman, ibabawas ko sa savings mo ang ipinambayad ko ng tuition fee mo ha?’”

Nakita raw ni Ogie Diaz sa kaniyang anak na si Erin raw kung paanong lalo nitong ginalingan sa kaniyang pag-aaral para lang makatapos.

“Kaya pinagbuti niya talaga. Naalala ko pa, gusto niya ‘yong cramming siya. Mas umaandar ang utak niya pag pressured siya sa tasks niya. Wag mo siya gagambalain, dahil mawawala siya sa focus.”

anak ni ogie diaz

Larawan mula sa Facebook account ni Ogie Diaz

Ayon kay Ogie, isa raw ito sa mga hangad nila ng kaniyang asawa para sa kanilang mga anak, ang magkaroon ng magandang kinabukasan,

“Basta, nak, pagbutihin mo. Wala naman kaming hangad ng mama mo kundi ang magandang future nyong magkakapatid.”

Pangangaral niya pa, maganda raw na may tinapos ang kanyang anak dahil hindi ito basta-basta pagmamalakihan ng kanilang asawa. Mas mainam daw ito dahil mayroon silang alam at kakayahang magtrabaho,

“And I always say this to all my daughters: mas magandang may tinapos kayo para pagdating ng araw na iwan kayo ng mga asawa niyo (prangkahan na), di kayo pwedeng pagmalakihan, dahil may natapos kayo at kaya nyong magtrabaho, dahil may alam kayo.”

Ibiniro pa raw ng kanyang anak na si Erin na naka-graduate naman na siya kaya wala nang ibabawas sa savings niya gaya ng kanilang napagkasunduan,

“’O, daddy, graduate na ako, ha? Wala kang ibabawas sa akin.’ Love you, anak. Happy kami ng mama mo.”

Plan your child’s college life with these tips

college graduation - anak ni ogie diaz

Plan your child’s college life with these tips | Larawan mula sa Pexels

College ang pinakamahirap ng yugto ng pag-aaral at pagpapaaral sa mga anak. Kumbaga ito na kasi ang practice nila para sa real life at real world. Mas mahihirap na lessons at task para sa mga estudyante ang nakaabang dito. Para sa parents, mas mabibgat na gastusin naman ang kailangang i-expect.

Kaya nga ito ang halos pinaghahandaan nang ilang taon ng mga magulang. Para sa iyong kids na hindi pa tumutuntong sa kolehiyo, narito ang ilang tips na maaaring gawin:

  • Magplano na habang maaga pa lamang kung saan, kailan, ano, at papaano ang college life na kailangan ng anak.
  • Tulungan ang anak na pumili ng gusto at naaayon na kurso para sa kanya.
  • Tanungin din siya kung ano ba ang plano niyang tahaking career upang mabigyang guide after college life niya.
  • I-encourage ang anak na pagbutihin ang pag-aaral at tulungan sila upang magkaroon ng magandang grades para sa scholarship.
  • Maging engaged sa events ng community ninyo maging extra-curricular activities sa school dahil magandang preparation ito para sa kolehiyo.
  • Magplano na kung paano matutustusan financially ang college life ng anak sa pamamagitan ng pagsi-save ng pera na nakalaan para dito.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!