Isang paalala sa mga daddy na iwasan ang madalas na pag-inom ng alak lalo kung buntis na si misis. Heto raw ang epekto nito ayon sa mga eksperto.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Limitahan ang alcohol intake kapag buntis ang asawa, ayon sa study
- Epekto ng alak sa pagbubuntis ni mommy
Limitahan ang pag-inom ng alak kapag buntis ang asawa, ayon sa study
Larawan mula sa Pexels
Maselan ang pagbubuntis, kaya nga marami ang dapat at hindi dapat gawin sa mga panahong ito. Kino-consider kasi ang health pareho nina mommy at baby. Isa sa pinakadapat tandaan kapag pregnant ay iwasan ang lahat ng bisyo gaya na lamang ng paninigarilyo at pag-inom ng alak.
Alam naman ng karamihan sa atin na ang bisyo ay mas masamang dulot sa kalusugan kahit pa hindi buntis ang isang babae. Lalo lang itong nagiging masama sa mga pregnant mommy dahil crucial ang panahon na ito sa kanila.
Sa isang pag-aaral ng mga eksperto, napag-alaman nilang hindi lamang ang mga mommy ang dapat umiwas sa alak sa time na buntis sila. Dahil dapat daw ay maging si daddy rin ay maghinay-hinay sa pag-inom ng beer.
Larawan mula sa Pexels
Inalam ng mga researcher mula sa University of Eastern Finland and Kuopio University Hospital ang epekto ng pag-inom ng alak ng mga tatay sa panahong buntis ang kanilang mga asawa. Pinag-aralan nila ang alcohol consumption ng 21,472 ng mga buntis na kababaihan at partner nito bago at habang nagbubuntis sa pagitan ng taong 2009 at 2018. ‘
Mula sa datos, nakita na 86% ng expectant mothers ay regular na umiinom ng alak bago pa man sila magbuntis. Sa 86% na ito, 4.5% ang ipinagpatuloy ang pag-inom sa panahon na sila ay buntis. Habang 25% naman dito ang huminto na lang sa pag-inom ng alak nang malaman nang buntis na sila.
Ang ganitong pagkakataon ay maaaring magkaroon na kaagad ng epekto sa sanggol sa sinapupunan sa early stage ng pregnancy ng babae dahil hindi niya pa alam na siya ay buntis.
Sa kabilang banda, nakita namang walang pagbawas sa pag-inom ng alak ang mga kalalakihan bago at habang nagbubuntis ang kanilang partner. Dito nalaman ng researchers na ang quantity na iniinom ng mommies ay nakakaimpluwesiya rin sa quantity na iniinom din ng mga daddy.
Kaya naman mahalaga na sinasabayan ng daddies ang kanilang partner sa paghinto sa pag-inom ng mga alcoholic drinks lalo kung nagbubuntis na ang kanilang mga asawa.
Payo pa ng researchers, dapat daw ay iwasan na ang pag-inom ng alak sa panahon na nagpaplano pa lamang na mabuntis na ang babae. Kailangan daw kasing i-consider ang iba’t ibang harmful effects ng alcohol sa babaeng buntis. Malaki kasi ang maitutulong ng partner upang maging healthy si mommy at baby.
BASAHIN:
Bakuna para sa buntis: Dalawang bakuna na kailangan ng nagdadalang-tao
Masakit na ulo habang buntis? 6 home remedies sa masakit na ulo kapag buntis
Buntis Guide: Sintomas at development ng baby sa ika-4 months ng pagbubuntis
Epekto ng alcohol sa pagbubuntis ni mommy
Larawan mula sa Pexels
Bakit nga ba dapat iwasan ang alak ng pregnant mommies? Ano-ano ang maaaring epekto nito kay baby? Narito ang ilan sa kanila:
- Pagkabagal ng learning ng baby habang tumatanda siya.
- Pagkakaroon ng iba’t ibang behavior na hindi normal para sa kanilang development.
- Pagkahirap na i-manage ang emotions.
- Pagkahirap na i-develop ang kanilang social skills.
- Pagiging malikot o pagkakaroon ng hyperactivity lalo kung nakapaglalakad na.
- Pagkakaroon ng impulse control.
- Pagkahirap sa development ng communication katulad na lamang ng pagkakaroon ng problema sa pananalita.
- Maaari ring magkaroon ng pre-mature birth dahil sa alak.
- Pagkakaroon ng birth defects kasama na diyan ang sakit sa puso at ibang parte ng katawan, hearing problems at maging pagkalabo ng paningin ni baby.
- May pagkakataong mababa ang timbang ng bata dahil sa epekto ng alak.
- Maaaari ring malaglag o magkaroon ng miscarriage ang pregnant woman.
Kung nasa plano niyo talaga na ang pagbubuntis ni mister mabuting habang naiiisip niyo pa lang ito ay gumawa na ng paraan paano matitigil ang pag-inom ng alak.
Ito ay upang hanggang sa pagbubuntis ay hindi na mahihirapan pang iwasan ito lalo kung may social gathering o events na talagang matindi ang tukso ng pag-inom.
Ilan sa maaaring gawin upang matigil ang pag-inom ng alak ng mga buntis:
- Maaaring ipalit sa pag-inom ng alak ang healthy drinks gaya ng gawa sa masustansyang prutas.
- Kung kinakailangan ay iwasan ang mga lugar na dati mong madalas pag-inuman.
- Tanggalin lahat ng alcoholic drinks sa inyong bahay.
- Sabihan ang mga kaibigan at kamag-anak na hindi ka na iinom dahil ikaw ay buntis.
- Laging isipin ang health ni baby.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!