Ang week 15 na pagbubuntis ay nangangahulugan din na nasa 4 months ka na buntis sa iyong anak. Inilista namin sa inyo ang mga dapat asahan at development ni baby pagsapit ng 4 months na ikaw ay buntis.
Gaano na kalaki ang iyong anak?
Ang iyong anak ay kasing laki na ng isang atis. Siya ay may habang 10.1cm at timbang na 70g pagsapit ng week 15 ng pagbubuntis o 4 months na buntis.
Ang development ng iyong anak
Narito ang mga development ng 15 weeks o 4 months na buntis.
- Nagsisimula nang manlagas ang lanugo o maninipis na buhok sa katawan ng iyong anak at nagsisimulang magkaroon ng baby fat o brown fat.
- Nagsisimula na rin tumubo ang kaniyang kilay at buhok.
- Sa panahon na ito, ang iyong anak ay hindi pa nakakagawa ng kahit anong uri ng tunog dahil ang kaniyang windpipe ay puno ng amniotic fluid.
- Ang kaniyang katawan ay akma na sa laki ng kaniyang ulo.
- Sa pagtatapos ng linggong ito, makakaya na niyang isara ang kaniyang kamao.
Mga sintomas ng buntis ng 15 weeks
- Mapapansin mo na madalas kang magkaroon ng ubo at sipon, pati na rin trangkaso. Sa yugtong ito ng iyong pagbubuntis, bumababa ang iyong immunity upang siguraduhin na hindi i-reject ng iyong katawan ang sanggol.
- Ang sobrang dugo sa iyong katawan ay nagiging dahilan ng paglaki ng mga capillary sa iyong ilong at gilagid. Ito ay maaaring humantong sa nosebleed at pagdudugo ng gilagid.
- Maaaring madagdagan ang iyong timbang ng 2.2-4.5 kg. Bantayan ang iyong timbang.
Mga pagbabago na dapat bigyang-pansin sa 15 weeks na pagbubuntis
Maaari pa ring maranasan ng isang nagdadalang-tao ang ilan sa mga sintomas nito sa mga unang buwan ng pagbubuntis. Ang pagkahilo, pagduduwal at madalas na pagsakit ng ulo ay normal na senyales ng pagbubuntis.
Malaking pagbabago o paglipat ang maaaring maganap pagtungtong ng buntis sa ika-15 na linggo. Mahalaga para sa magiging isang nanay na malaman ang ilan sa mga bagong sintomas na mararamdaman na nararapat paghandaan pagdating ng 4 months na pagbubuntis. Ano ng ba ng mga ito?
Halos normal na reklamo na ng mga buntis ang heartburn. Ang heartburn ay madalas mangyari kung ang isang tao ay kumakain nang labis, kaya’t hindi na kataka-taka kung ang heartburn ay normal na suliranin na ng mga buntis.
Malaki rin ang hormonal na pagbabago ng pagbubuntis sa lahat ng yugto. Mayroon ding pagbabago sa physiological ng isang babae.
Kung saan nagsisimula ang pagbabago sa presyon ng organs at ang gastrointenstinal tract. Malaki ang nasasakop ng bata dahil sa mabilis na paglaki sa panahong ito.
Kung ganoon, nagkakaroon ng “tightness” sa tiyan ng babae na nagiging dahilan ng heartburn o ang pagbalik ng pagkain mula sa tiyan patunging esophagus.
Malaki ang ginagawang trabaho ng katawan ng babae para sa paghahanda nito sa panganganak ng isang bata. Tila ang pagkakaroon ng vaginal discharge ay ikinababahala ng mga kababaihan.
Ngunit payo ng mga doktor, mainam ang pagkakaroon ng vaginal discharge sa panahon ng pagbubuntis lalo na sa ika-15 na linggo, dahil pinananatili nito ang malinis at ligtas na maselan na parte ng katawan mula samga bacteria at mikrobyo.
Common na dahilan ito sa lahat ng mga buntis at naranasan nang mabuntis. Dahil sa paglaki ng tiyan, itinutulak ng matres ang diaphragm sa dibdib, na siyang nagiging dahilan upang magkaroon ng kahirapan sa paghinga.
Maging sa paglaki rin ng bata sa loob ng tiyan, mas nangangailangan din ito ng karagdagang oxygen upang masuportahan ang paglaki nito.
Larawan mula sa Shutterstock
Sa panahon ng pagbubuntis, mapapansin ang sarili sa pagiging makalilimutin at ang hirap sa pag-focus sa isang bagay. Ito ay tinatawag na “pregnancy brain” o “mommy brain”.
Dala ito ng hormones na siyang responsible sa brain function. Kung makaranas nito, mainam na matulog at magpahinga, ngunit ayon pa sa research, hindi naman ang kakulangan sa tulog ang dahilan nito.
5. Nadagdagang sex drive.
Dahil sa pagbalik ng enerhiya pagdating sa ika-15 na linggong pagbubuntis, mas tumataas ang kagustuhan ng isang buntis sa pakikipagtalik.
Ayon pa sa mga doktor, safe itong gawin dahil tumataas ang hormone level ng katawan. Hindi rin dapat ika-alarma ng mag-asawa ang pagdurugo at matinding orgasm habang nagtatalik dahil normal ito dahil mas lalong nagiging sensitibo ang cervix sa mga panahong ito.
Pamilyar na sensyales man na maituturing ang mga pagbabagong ito sa sa week 15 ng pagbubuntis. Nararapat na bigyang pansin ng mga buntis ang ganitong mga pagbabago upang sakaling maramdaman ito, hindi ito magbibigay ng takot at pangamba para sa kanila at o upang maipagbigay-alam din at komunsulta sa kanilang mga doctor.
Pangangalaga sa buntis
- Dahil mababa ang iyong immunity, panatilihin ang kalinisan upang maiwasan ang sakit sa yugtong ito ng pagbubuntis.
- Tanggihan ang mga bisita na may sakit. Kailangan mong protektahan ang iyong sarili mula sa mga bacteria at virus.
Kalusugan at nutrisyon sa ika-4 months ng pagbubuntis
Ang pagbibigay-alaga sa panahon ng pagbubuntis ay isang mahalagang hakbangin para sa isang malusog at malakas na pangangatawan ng bata pagkalang.
Hindi lamang para sa bata, kundi para rin sa nanay. Hindi madali ang paghahanda sa pagbubuntis, marami ang dapat na isaalang-alang, isa na ang kalusugan at nutrisyong nakukuha ng parehong bata at ina.
Nararapat tignan kung ano ang mga bitamina, mga pagkain at maging ang diyeta na mahalaga sa panahon ng pagbubuntis.
Iba’t iba ang paraan ng pangangalaga sa katawan alinsunod sa linggo ng pagbubuntis. Depende ang panahon at yugto sa ratio ng mga pagkain o produkto na kinakailangang kainin ng bata at ina. Isa itong paraan upang maiwasan ang “physiological shocks”.
Ang mga kinakain o ini-intake ng buntis ay dapat na balanse lamang, at ito rin ay para sa pangangailangan ng bata na bumuo ng nutrients sa sarili nitong katawan.
Tulad sa mga unang yugto ng pagbubuntis, inirerekomenda ng mga doktor ang pagkain ng sariwang prutas at gulay sa ika-15 weeks nito, mahalaga ang pagkain ng mga mayayaman sa vitamins E upang mapalakas ang resistensya.
Inaasahan ang mataas na pagbalik ng level ng energy sa ika-4 months ng pagbubuntis, kaya’t ang protina, calcium, iron at folic acid ang siyang dapat tulong ng buntis para sa maayos na pag-unlad ng katawan ng bata at pag-iwas sa anumang problema sa kalusugan.
Larawan mula sa Shutterstock
Nakatutulong ang protein na ma-regulate ang blood sugar at makontrol ang sarili sa mga kinakain. Kinakailangan naman ang 60 grams na protina sa araw-araw para sa mga buntis.
Halimbawa ng pagkaing mayaman sa protina ay tokwa, meat, mga beans at itlog. Ang kagandahan naman sa ating pagkain dito, halos lahat ng kainin ay mayaman at mayroong protina.
Requirement ng katawan, lalo na ang mga buntis ang calcium para sa iba’t ibang physiological functions, kaya’t malaki ang kaugnayan nito sa pagpapalaki ng bata sa sinapupunan hanggang sa ito ay maisilang na.
Mahalaga ang calcium sa maternal bone health. Kaya’t ang pagkonsumo dito ang maglalayo sa bata sa anumang komplikasyon sa buto. Makikita sa mga yoghurt, gatas at mga leafy greens ang sustansyang dala ng calcium.
Bukod sa napapatibay nito ang buto, napapalakas din nito ang puso, nerves at kalamnan. Gayundin ang pagtulong nito sa paglalaroon ng normal na tibok ng puso.
Ang kakulangan sa iron ay magiging sanhi ng mababang timbang ng bata pagkapanganak nito. Inihahanda rin ng iron ang katawan para sa pagkawala ng dugo sakaling manganak.
Hindi lamang bata ang nagkakaroon ng benefits dito, kundi maging ang ina. Ang pag-inom ng iron ay siya ring makatutulong para sa maayos na recovery ng mga mommy mula sa postpartum, na siyang nararanasan ng mga babae matapos ang panganganak.
Tulad sa calcium, makikita rin ang folic acid o folate sa mga madadahong gulay. Importante ito para sa pag-unlad ng utak at ng spinal cord ng sanggol.
Ayon sa mga eksperto, mahalaga ang bitamina mula sa folic acid para sa reproduksiyon ng babae. Malaki rin ang naitutulong nito sa pagdadala ng oxygen sa parte at paligid ng katawan at maging ang pag-aayos ng mga tissues.
Bukod sa pagbibigay ng tamang sustansya at balanseng nutrisyon sa katawan habang nagbubuntis. Dapat din na magkaroon ng kaalaman ang mga buntis sa tamang pagda-diet.
Mahalaga ang pagdedepende sa mga kinakain sa “konstruksiyon” ng katawan ng isang nagdadalang-tao. Mahusay na responsibilidad ika nga, ang pagkakaroon ng maayos na dyeta para sa buntis.
- Pagkain ng karne sa araw-araw na mayroong 150 gramo para sa dosis.
- Nararapat na mayroong gatas sa panahon ng pagdyedyeta, na mayroong 200 gramo na dosis sa araw-araw.
- Ang pagkain naman ng itlog sa araw-araw ay dapat na limitado sa isa hanggang dalawang piraso. Mainam kung ang pagkakaluto ay steam.
- 150 gramo naman para sa dosis ng pagkain ng isda.
- Inirerekomenda rin ang pagkain ng mga cereals para sa buntis.
- Nililimitahan sa 15 na gramo para sa dosis ng mantika ang dapat na makonsunmo sa panahon ng pagbubuntis.
- Ang isang buntis ay dapat tandaan ang araw-araw na paggamit ng inuming tubig, na hindi bababa sa 1.5-2 liters.
- Dapat bawasan ng isang buntis ang pagkonsumo ng matamis dahil sa posibleng panganib na nauugnay sa sobrang mabilis na pagtaas sa timbang ng katawan.
Checklist
- Ang iyong libido ay maaaring tumaas. Humanap ng mga sexual position na ligtas at kumportable.
- Kumonsulta sa gynecologist kung kailangan mong magkaroon ng pagsusuri para sa Down Syndrome ng iyong anak o iba pang abnormalities tulad ng spina bifida.
Ang susunod na linggo: Buntis ng 16 linggo
Ang nakaraan na linggo: Buntis ng 14 linggo
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo
Karagdagang ulat mula kay Jasmin Polmo at Marhiel Garrote
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!