Mga mommies! Bilang pag-uumpisa ng second trimester at nasa 14 weeks ng pagiging buntis, maraming mga senyales at sintomas ang maaaring lumitaw.
Ang mga sintoams ng buntis ng 14 weeks ay posibleng maramdaman mo na parang may mali sa iyong kondisyon. Ngunit, ang mga senyales ng pagbubuntis pagsapit ng iyong 14 weeks ay normal lamang.
Kaya dapat mong malamang kung ano-ano ang mga sintomas ng buntis ng 14 weeks at development ng baby sa tiyan.
Buntis ng 14 weeks
Hindi tulad sa 1-13 weeks na buntis, mas makakaramdam ng ginhawa at hindi masyadong pagod ang mga moms. Dahil tumaas na rin energy levels niyo, babalik na rin ang iyong gana sa pagkain.
Sa panahon na ito, mas gugutumin ka palagi. Ihanda ang sarili na huwag masobrahan sa calories dahil sa food in-take. Tandaan, kailangan ni baby ang tamang pag-aalaga.
Image mula sa | Freepik
Senyales ng pagbubuntis ng 14 weeks
Maliban sa mga sintomas ng buntis ng 14 weeks, isa ang food cravings sa ilang senyales ng 14 weeks na buntis na maaaring makita at mapansin sa iyong katawan.
Ilan sa mga senyales ng pagbubuntis na ito ay aakalain mong malalang karamdaman. Ngunit, bago uminom ng kung ano anong gamot, magpakonsulta muna sa OB o health care provider.
Ang mga senyales ng pagbubuntis na dapat mong malaman ay ang mga sumusunod:
Tandaan, kung ikaw ay may UTI ay sundin ang mga payo ng iyong doktor at inumin ang mga gamot na nireseta niya upang gumaling agad. Samantala, kung ang pagdurugo ng ilong ay hindi tumitigil o nagiging madalas, magp- check up agad sa doktor para mas malaman pa ang sanhi nito.
Gaano na kalaki ang iyong anak?
Ang iyong anak ay kasing laki na ng isang bayabas. Siya ay may habang 8.7cm at timbang na 43g.
Ang development ng iyong anak
Habang lumalaki ang tiyan o pregnancy belly ni mommy, nagkakaroon din ng development sa loob ng uterus ang iyong anak. Dahil na rin sa development ng iyong anak, nagkakaroon ng mga pagbabago sa loob ng uterus at pag-stretch ng tiyan.
Sa mga pagbabagong ito at ng development ng iyong anak, nagkakaroon din paghanda ang katawan ng mga moms. Ito ay paghahanda para sa nalalapit na panganganak, normal o cesarean delivery ni baby.
Narito ang mga development ng 14 weeks na buntis.
- Ayon sa mga research, ang iyong anak ay nalalasahan na ang amniotic fluid kung ito ay matamis, maasim o mapait.
- Ang kaniyang palate ay mabubuo na din bago matapos ang linggo.
- Kaya na niyang ngumiti, sumimangot at magkunot noo.
- Tumutubo na din ang buhok sa kaniyang ulo. Nagkakaroon na din siya ng lanugo o manipis na buhok sa ibang bahagi ng katawan. Mawawala rin ito sa mga susunod na linggo.
- Ang kaniyang kidney ay nagsisimula na makagawa ng ihi.
- Kaya na rin ng iyong anak na magsubo ng hinlalaki at igalaw ang mga paa.
Mga sintomas ng buntis ng 14 weeks
Dahil sa 14 weeks ka ng buntis, may mga sintomas ng buntis ang mga dapat mong malaman at antabayan. Ang iba sa mga sintomas ng buntis ng 14 weeks ay aakalain mong serious health condition. Pero, ang mga ito ay karaniwang normal.
Kung hindi naman napapalagay na normal ang mga sintomas na nararanasan mo kapag 14 weeks ka ng buntis, pumunta sa iyong OB-Gyne. Kumonsulta kung paano pangangalagaan ang sarili at ano ang dapat obserbahan na senyales ng pagbubuntis.
Narito ang mga nangyayaring sitwasyon kung saan maaaring lumitaw o maramdaman ang mga sintomas ng buntis ng 14 weeks.
- Dahil halata na ang iyong tiyan, mas madami na rin ang nagtatanong kung ikaw ay buntis.
- Nagsisimula nang bumalik ang iyong gana sa pagkain pati na rin ang iyong energy.
- Maaaring nakakaramdam ka ng pananakit ng likod at ng tiyan. Ito ay dahil sa ang mga muscles at ligaments mo ay nai-stretch para sa iyong lumalaking sanggol.
- Kumakapal ang iyong buhok at mas nagiging makintab ito.
Pangangalaga sa buntis
- Umupo ng tuwid upang maiwasan ang pananakit ng likod. Ang light yoga o pilates ay maaari rin na makatulong. Iwasan ang anumang ehersisyo na maaaring maging sanhi ng pagkahulog.
- Kumain ng masusustansiyang pagkain at iwasan ang mga mamamantika na pagkain.
Checklist
- Sumali sa mga prenatal exercise class upang maging handa ang iyong katawan sa panganganak.
- Dahil lumalaki na ang iyong tiyan, bumili ng mga maternity clothes.
Ang susunod na linggo: Buntis ng 15 linggo
Ang nakaraan na linggo: Buntis ng 13 linggo
Karagdagang ulat na isinulat ni Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!