Buntis pero nais magpapayat? Mayroong bang tamang diet para sa buntis na dapat sundin para hindi makompromiso ang kalusugan niyo ni baby?
Narito ang tamang diet para sa buntis na dapat sundin para sa healthy growth and development ng iyong dinadalang sanggol.
Diet para sa buntis: Ayos lang bang magpapayat habang buntis?
Ang pagdadalang-tao ay maraming naidudulot na pagbabago sa katawan ng isang babae. Isa na nga rito ang pagkakaroon ng dagdag na timbang na hindi gusto ng marami sa atin. Kaya naman may mga buntis na nagpapatuloy o kaya naman ay sinusubukan pa ring mag-diet.
Ito’y upang huwag sila masyadong tumaba at manatiling sexy pa rin pagkapanganak. O kaya naman ay upang makaiwas sa mga komplikasyon na maaaring idulot ng labis na katabaan sa kanilang pagbubuntis.
Pero ayon kay Dr. Ramon Reyles, Chairperson ng Department of OB-GYN ng Makati Medical Center, hindi dapat nagda-diet ang buntis. Ang mga diet tulad ng intermittent fasting o keto diet na ginagawa ng expectant mom bago ang pagbubuntis ay dapat munang itigil. Ito ang paliwanag ni Dr. Reyles kung bakit.
People photo created by yanalya – www.freepik.com
Puwede bang magpapayat habang buntis? Ang sagot ay HINDI.
Paliwanag ni Dr. Reyles,
“Hindi ka dapat nagpapayat during pregnancy. They should eat and make yourself healthy. Kasi kung well-nourished ang mom, well-nourished rin ang baby.”
Diet para sa buntis?
“Masama ‘yan. They should be eating 3 times a day with snacks in between. Kasi that keeps the mom well-nourished of course healthy.
Kasi kailangan natin ng panggatong. Kapag hindi ka kumain kulang ang gatong o ‘yung glucose, gagamitin ‘yong muscle mo o ‘yong fat.
And usually, ang by-product ng metabolism nila is not good for the mom and also for the baby. Kasi bad chemicals ‘yon kung tawagin. Kaya hindi healthy ‘yun that is not good.”
Dagdag pa niya, wala ring uri ng diet o pagpapapayat ang mabuti para sa mga buntis. Sapagkat ang pagkaing kinakain ng buntis ang pinagkukunan ng mga nutrients na kailangan ng lumalaki niyang sanggol. Kaya naman mainam na kumain siya ng kumain ng masusustansyang pagkain.
“Relax muna habang buntis. Remember you are nourishing. Paano lalaki ‘yong hindi mo nga makita sa ultrasound in early pregnancy then suddenly ang laki-laki.
So kumbaga nagpapatayo ka ng building, kung hindi ka kukuha ng material sa hardware paano tatayo ‘yung building mo? Saan kukuhanin ‘yong semento? ‘Yong kahoy, ‘yung bakal?
Ayan ‘yong mga ingredient’s, ‘yong protein, fats at carbohydrates. Andyan din ‘yong mga vitamins at minerals.
Andyan ‘yong mga pako, turnilyo, mga adhesive. Saan manggaling ‘yon? It’s from the food that mom eats kaya lumalaki ‘yong baby.”
Tamang diet ng buntis: Healthy foods para sa buntis
Dagdag na paliwanag naman ng health website na Healthline, kung ang isang sanggol ay hindi makakakuha ng vitamins at minerals habang siya ay ipinagbubuntis, maari siyang makaranas ng problema sa kaniyang growth at development.
Anu-ano nga ba ang mga healthy na pagkain para sa buntis? Mahalaga na makakuha siya ng vital nutrients mula sa mga healthy foods para sa buntis.
Narito ang mga nutrients na makukuha sa mga healthy na pagkain para sa buntis:
Food photo created by user18526052 – www.freepik.com
Ang vitamin D at calcium ay kailangan ng sanggol para magkaroon ng matibay na mga buto at ngipin. Kung may kakulangan sa calcium ang katawan ng isang buntis ay kukunin mula sa kaniyang mga buto ang kailangang calcium ng kaniyang sanggol.
Kaya naman para masigurong may sapat na calcium at vitamin D siya sa kaniyang katawan ay dapat kumain siya ng mga pagkaing mayaman sa mga ito.
Gaya ng milk, yogurt, cheese, calcium-fortified juices, sardines o salmon na mayroon pang buto at mga leafy vegetables tulad ng pechay.
Mahalaga rin na may sapat na iron sa katawan ang isang buntis. Mahalaga kasi ito sa paggawa ng mas maraming dugo na magsu-supply ng oxygen sa kaniyang sanggol.
Kung may kakulangan sa iron, maaring maging anemic ang isang buntis. Ito’y magdudulot sa kaniya ng fatigue at increased risk na makaranas ng impeksyon.
Para magkaroon ng sapat na iron sa kaniyang katawan, dapat kumain ng karne, poultry, fish, dried beans at peas, at iron-fortified cereal ang isang buntis.
Para naman sa pag-bubuild ng organs ni baby, tulad na lang ng kaniyang heart at brain ay mahalaga ang protein sa isang buntis. Makukuha ito sa mga pagkaing tulad ng meat, poultry, fish, dried beans at peas, eggs, nuts at tofu.
Napaka-importante naman ng folic acid o folate para sa healthy brain at spinal cord development ng sanggol. Upang makaiwas din siya sa neural tube condition na kung tawagin ay spina bifida.
Maliban sa supplements, makakakuha ng kailangan niyang folate o folic acid ang isang buntis sa mga pagkaing tulad ng leafy green vegetables, fortified o enriched cereals, breads at pastas. Pati na sa mga beans at citrus fruits tulad ng ponkan at dalandan.
DHA
Ang Omega-3 fatty acid o kilala rin bilang Docosahexaenoic acid o DHA ay may mahalagang papel sa ating katawan. Tumutulong ang DHA para maging healthy ang ating balata, utak, at mata na ummasa sa tamang antas ng DHA sa ating katawan.
Hindi gaanong nagpo-produce ang ating katawan ng DHA, kaya naman ini-rekomenda ng mga doktor ang DHA supplement kapag nagbubuntis.
Ayon kay Dara Godfrey, MS, RD, isang rehistradong dietitian para sa Medicine Associates of New York, ang DHA sa panahon ng pagbubuntis ay tumutulong sa paglaki ng sanggol at sa mga sumusunod na aspeto:
- development ng kanilang mata
- Pagpapaunlad ng kanilang nervous system
- development ng kanilang brain
Bukod dito, sinabi rin ni Godfrey na ang DHA ay maaaring makatulong din sa mga sumusunod:
- preterm labor
- pagganda ng mood sa panahon ng postpartum period
- healthy birth weight sa mga baby
In addition, Godfrey also said that DHA can also help with the following:
- preterm labor
- mood improvement during postpartum period
- it ensures a healthy birth weight of the baby.
Dagdag pa rito, si Dr. Sherry Ross, isang OB-GYN at eksperto sa Providence Saint John’s Health Center, ay diiniin na ang omega-3 fatty acid DHA at eicosapentaenoic acid o EPA ay mayroong benepisyo sa ating kalusugan.
Ayon sa kaniya,
“But DHA is the most prevalent fat in our brain and may influence the development of cognitive abilities including the attention span in infants.”
Tamang diet ng buntis sa araw-araw
Food photo created by onlyyouqj – www.freepik.com
Sa pangaraw-araw, para makuha ang mga nasabing nutrients at iba pang vitamins at minerals ay ito ang tamang diet ng buntis na dapat sundin.
- Limang servings ng fresh fruits and vegetables.
- Anim na servings ng enriched na whole-grain breads at cereals.
- Three servings ng nonfat o low-fat milk o iba pang milk products.
- Two to three servings ng extra-lean meats. Tulad ng karne ng manok na walang balat, isda at cooked dried beans at peas.
- Walong baso ng tubig.
Ang nabanggit ay isang gabay lamang ng tamang diet para sa mga buntis. Para masiguro na makakakuha ka kailangang nutrients sa pagbubuntis ay mainam na magpa-konsulta sa iyong doktor.
Iba pang mga healthy na pagkain para sa buntis
Dairy products
Ang dairy products tulad ng gatas, cheese, at yogurt ay may dalawang uri ng high-quality protein. Magandang source din ito ng calcium, phosphorous, B vitamins, magnesium at zinc.
Sweet potatoes o kamote
Mayaman ang kamote sa beta carotene, uri ito ng plant compound na naco-convert bilang Vitamin A sa ating katawan. Mahalaga ang vitamin A sa development ng baby.
Pero tandaan na labis na vitamin A mula sa mga karne tulad ng laman-loob ay hindi makabubuti sa buntis. Subalit ang vitamin A mula sa kamote ay safe naman kay mommy at baby.
Bukod sa beta carotene, mayaman din sa fiber ang kamote. Makatutulong ang fiber para mapanatiling maayos ang level ng blood sugar. Makaiiwas din sa constipation habang buntis.
Broccoli at mga dark green leafy vegetable
Ang mga berde at madahong gulay pati na rin ang broccoli ay mayaman sa nutrisyon. Mayroon itong fiber, vitamin C, vitamin K, vitamin A, calcium, iron, folate, at potassium. Halos kumpleto na ang vitamins at nutrients na maibibigay ng green leafy vegetables sa katawan ng buntis at sa baby.
Ayon sa Healthline, nakatutulong din ang mga ito para maiwasan ang constipation kay mommy at ang low birth weight kay baby.
Berries
Sagana sa tubig, healthy cars, vitamin C, fiber, at antioxidants ang berries. Ilan sa mga berries na magandang isama sa diet para sa buntis ay ang blueberries, raspberries, strawberries, goji berries, at acai berries. Maaari ding gawing smoothie ang mga berries na ito para mas ma-enjoy ni mommy!
Isa ang avocado sa mga prutas na magandang maging bahagi ng healthy diet para sa buntis. Mayaman sa fiber, vitamin B, folate, vitamin K, potassium, copper, vitamin E, at vitamin C ang avocado. Mayroon ding healthy monounsaturated fatty acids ang prutas na ito.
Makakatulong naman ang potassium para maibsan ang pananakit ng binti – isa sa mga karaniwang nararanasan ng mga buntis.
Larawan mula sa Pexels kuha ng Foodie Factor
Syempre, kung mayroong mga healthy na pagkain para sa buntis, meron ding pagkaing dapat iwasan ang buntis dahil hindi ito healthy para sa kanila ni baby.
Ayon sa Hopkins Medicine Org, dapat iwasan ng mga buntis ang mga unpasteurized milk at pagkaing gawa rito tulad ng soft cheeses.
Huwag din umanong kumain ng hotdogs at luncheon meats maliban na lamang kung lulutuin ito nang maigi sa mainit na steam bago kainin.
Ipinagbabawal ang pagkain ng hilaw o undercooked na seafood, itlog, at karne. Huwag din umanong kakain ng sushi na gawa sa hilaw na isda.
Samantala, narito ang mga hakbang para matiyak na ligtas ang pagkain ni mommy:
- Hugasan nang maigi ang mga hilaw na karne, gulay, o prutas bago kainin, hiwain o lutuin.
- Panatilihin ang kalinisan. Ugaliing maghugas ng kamay at hugasan din nang maayos ang kutsilyo, countertops, at sangkalan pagkatapos gamitin.
- Tiyaking lutong-luto ang mga karne ng baka, baboy, o manok.
- Lahat ng perishable food ay ilagay sa refrigerator para maiwasan ang pagkasira.
Karagdagang impormasyon isinulat ni Jobelle Macayan
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!