May suggestion ang mga experts tungkol sa pagkain ng isda para sa mga buntis, dahil bukod sa safe daw ito ay may benefits din daw na nakukuha dito.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- STUDY: Isda safe para idagdag sa dietary meal ng buntis
- Foods that are good for pregnant women
STUDY: Isda safe para idagdag sa dietary meal ng buntis
“If she did not eat fish, then there was some evidence that her mercury level could have a harmful effect on the child.” | Larawan mula sa Pexels
May kahirapan naman talaga ang mag-isip kung ano ang dapat isama sa dietary meal lalo na sa mga buntis. Hindi na lang kasi isang tao lang ang need i-consider when eating, naririyan na rin of course si baby.
Sa isang bagong pag-aaral ng mga eksperto sa NeuroToxicology, natagpuan nila ang benepisyong dulot ng pagkain ng isda sa pregnant moms. Inalam nila ito sa pamamagitan ng pagtingin sa 4,131 participants na lahat ay mga buntis.
Nalaman nila na walang kinalaman kung ano mang klaseng isda ang kinakain. Dahil may sapat naman na nutrients ang lahat na ito. Ang benepisyong dulot daw kasi nito, ay kaya ng isda na mabawasan ang level ng mercury sa katawan ng babae.
Sa pahayag ni Dr. Caroline Taylor na isa sa Senior Research Fellow at co-author ng pag-aaral. Malaki raw ang epekto ng isda sa mercury sa pagbubuntis.
“We found that the mother’s mercury level during pregnancy is likely to have no adverse effect on the development of the child provided that the mother eats fish.”
Siksik daw kasi ang isda sa maraming nutrients. Ito daw ay nagreresulta para mabawasan nang lubos ang mercury level na maaring magbigay ng harmful effects sa bata.
Larawan mula sa Pexels
“If she did not eat fish, then there was some evidence that her mercury level could have a harmful effect on the child. This could be because of the benefits from the mix of essential nutrients that fish provides, including long-chain fatty acids, iodine, vitamin D and selenium.”
May payo naman si Professor Jean Golding, isa sa co-author din ang professor sa Univeristy of Bristol. Dapat daw i-revise ng mga health professional ang pagpapayo na huwag kumain ng certain species ng isda. Nagiging dahilan pa raw kasi ito ng confusion para sa maraming pregnant women. Kaya nauuwi na hindi na talaga sila kumakain ng isda,
“It is important that advisories from health professionals revise their advice warning against eating certain species of fish. There is no evidence of harm from these fish, but there is evidence from different countries that such advice can cause confusion in pregnant women.”
Payo niya pa dapat daw kumain ng at least two portions ng isda ang buntis kada linggo.
“The guidance for pregnancy should highlight ‘Eat at least two portions of fish a week, one of which should be oily’ — and omit all warnings that certain fish should not be eaten.”
Foods that are good for pregnant women
Foods that are good for pregnant women | Larawan mula sa Pexels
Kinakailangan ng buntis at baby niya ng diet na masusuportahan ang nutrition at wellbeing nila. Ito ay upang tuluyang mag-develop at mag-grow silang dalawa. Kaya nga kabilang sa mahalagang tinatadaan kapag buntis ay ang balanced at healthy diet. Kapag pinag-usapan and balance diet. Dapat lang na kabilang sa kinakain and mga nutritious foods na mula sa five food groups.
- Fiber – Helpful and fiber foods para mapababa ang cholesterol, mag-stabilize ang blood sugar level, at maiwasan din ang constipation.
- Calcium – Makakatulong para maging malakas at matibay ang bones ni baby dahil napatunayan nang effective ang nutrients na ito upang maging strong ang buto.
- Protein – Kailangan ng baby ng amino acids upang lumaki nang maayos, at makikita ito sa mga pagkaing mayaman sa protein.
- Whole grains – Naglalaman ng essential na nutrients na critical para sa healthy growth ng bata.
- Iron – Nagsu-supply ng oxygen sa katawan ng buntis na kailangan din ni baby.
Samantalang ang mga pagkain naman na dapat iniiwasan ay ang mga sumusunod:
- High in sugar – Dapat lang na iwasan ang mga pagkaing may mga matataaas na level ng asukal dahil maaaring magsanhi ito ng pagtaas din ng blood sugar level.
- Fat – Ang mga pagkain naman na may mataas na level ng fat ay maaaring makapagpataas ng chance na magkaroon ng cholesterol.
- Salt – Iniiwasan naman ito dahil ang labis na pagkonsumo at maaaring makaapekto rin sa overall health ng buntis.
Mainam din na kumonsulta sa mga eksperto tungkol sa kung ano ang mas makakabuti sa iyong pagbubuntis
.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!