Week 23: Gabay Sa Pagbubuntis

Week 23: Gabay Sa Pagbubuntis

Ang iyong anak ay kasing laki na ng durian. Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 23 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon.

Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 23 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon.

Gaano na kalaki ang iyong anak?

Ang iyong anak ay kasing laki na ng isang durian. Siya ay may habang 28.9 cm at timbang na 498.9 g.

week by week pregnancy guide: week 23

Ang Development Ng Iyong Anak

Narito ang mga development ng 23 weeks na baby sa loob ng sinapupunan.

  • Ang baga o lungs ng iyong anak ay nagsisimula nang mabuo.
  • Ang lanugo o tumubong buhok sa katawan ng iyong anak ay mas itim na ang kulay.
  • Ang kaniyang mata ay buo na at naididilat na niya ito.
  • Mas nararamdaman mo na din ang pag-galaw niya sa iyong tiyan.
  • Ang kaniyang vestibular system 0 ang bahagi ng kaniyang utak na responsable iba't ibang galaw ay nagsisimula na din madevelop.
  • Na-develop na din ang kaniyang pandinig.
  • Ang mga bata na ipinanganak sa kanilang ika-23 na linggo ay maaaring mabuhay kung sila ay mabibigyan nang tamang pangangalaga sa intensive care unit.
Mga sintomas ng buntis ng 23 weeks
  • Maaaring nadagdagan ang iyong timbang ng 5.4 kg hanggang 6.8 kg.
  • Napapadalas ang iyong pag-ihi dahil ang iyong uterus ay nakapuwesto sa ibabaw ng iyong bladder.
  • May mga pagkakataon na ikaw ay makakaranas ng pagdurugo ng gilagid at ilong.
  • Oobserbahan ka din kung ikaw ay nakakaranas ng preterm labour.
Pangangalaga sa buntis
  • Upang maiwasan ang pagdurugo ng gilagid, magkaroon ng maayos na dental hygiene.
  • Uminom nang sapat na dami ng tubig, pati na din vegetable juice, herbal teas, fruit juice at gatas.
  • Linisin muna ang inidoro ng mga pampublikong toilet bago ito gamitin upang maiwasan ang mga impeksyon.
Checklist
  • Planuhin ang iyong maternity leave.
  • Bumili ng mga kumportableng damit.

 

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo

Ang susunod na linggo: Buntis ng 24 linggo

Ang nakaraan na linggo: Buntis ng 22 linggo

May tanong ka ba tungkol sa lingguhang gabay ng mga buntis? Mag-iwan ng komento sa ibaba.

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Jasmine Yeo

app info
get app banner