Ang pagbubuntis ay isang kakaibang yugto sa buhay ng isang babae, puno ng saya, paghahanda, at pagbabago sa katawan. Isa sa mga karaniwang nararanasan ng maraming buntis ay ang tinatawag na morning sickness. Iang hindi komportableng kondisyon na may kasamang pagduduwal at/o pagsusuka. Pero alam mo ba na hindi lang ito nangyayari tuwing umaga? At hindi rin ito basta-basta dapat balewalain lalo na kung malala na.
Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang lahat ng dapat mong malaman tungkol sa morning sickness, mula sa mga sintomas, hanggang sa mga mabisang lunas at home remedies.
Morning sickness ng buntis
Bagama’t tinatawag itong “morning” sickness, ang pagduduwal at pagsusuka sa pagbubuntis ay maaaring mangyari anumang oras ng araw, at kahit sa buong araw. Kilala rin ito sa mga terminong nausea gravidarum, emesis gravidarum, o nausea and vomiting of pregnancy (NVP).
Ayon kay Dr. Rona Lapitan, isang OB-Gyne sa Makati Medical Center: “Morning sickness is the reaction of most women to the hormones of pregnancy. There are some women that they react that way, others do not.”
Sintomas ng morning sickness
Morning Sickness ng Buntis: Mga Sintomas, Sanhi, at Paraan Para Maibsan Ito
Ang mga kadalasang sintomas ng morning sickness ay:
Ano ang pagkakaiba ng morning sickness sa GERD?
Maraming buntis ang inaakalang ang morning sickness ay sintomas ng GERD o gastroesophageal reflux disease. Pero paliwanag ni Dr. Lapitan, ang dalawa ay magkaiba. Ito ay maibabase sa sintomas na ipinapakita nila.
Paliwanag niya,
“Iyong morning sickness is most associated with dizziness. Tapos iyong heartburn naman sometimes there’s pain in the upper abdomen then without vomiting.”
Samantala, dagdag naman ng ilang pag-aaral, ang morning sickness ay indikasyon din ng malusog na pagbubuntis. Ang mga buntis nga nakakaranas nito ay mas mababa ang tiyansang makaranas ng miscarriage at stillbirth kumpara sa mga buntis na hindi nakaranas ng pagduduwal o pagsusuka.
Kailan Dapat Kumonsulta sa Doktor?
Morning Sickness ng Buntis: Mga Sintomas, Sanhi, at Paraan Para Maibsan Ito
Normal ang morning sickness sa unang trimester. Pero kung ito ay malala na at nakakaapekto na sa nutrisyon at hydration, maaaring ito ay hyperemesis gravidarum. Isang kondisyon na nangangailangan ng medikal na atensyon.
Mga babala na kailangan nang magpatingin sa doktor:
-
Hindi makakain o makainom
-
Madalas na pagsusuka
-
Tuyong labi, balat, at sobrang panghihina
-
Kulay tsaa ang ihi o kaunti lang ang pag-ihi
-
Nahihilo o nahihimatay
-
Mabilis ang tibok ng puso
-
Pagsusuka ng dugo
-
Matinding sakit sa tiyan
-
Spotting o pagdurugo
-
Sobrang pagduduwal kahit nasa second trimester na
Ano ang Hyperemesis Gravidarum?
Ito ang mas malalang morning sickness kung saan hindi na nakakakain o nakaiinom ang buntis, na nauuwi sa malubhang dehydration, malnutrisyon, at panganib sa ina at sanggol.
Posibleng komplikasyon:
Treatment at Home Remedies para sa Morning Sickness
Morning Sickness ng Buntis: Mga Sintomas, Sanhi, at Paraan Para Maibsan Ito
Gamot mula sa doktor:
-
Vitamin B6 supplements
-
Antihistamines para sa motion sickness
-
Metoclopramide para mapabilis ang galaw ng tiyan
-
Antacids kung may acid reflux
-
IV fluids o total parenteral nutrition (TPN) sa matinding kaso ng hyperemesis gravidarum
Home remedies na puwedeng subukan:
-
Kumain ng paunti-unti pero madalas
-
Umiwas sa matatabang at mamantikang pagkain
-
Iwasan ang mga amoy na nagpapalalala ng pakiramdam
-
Uminom ng tubig nang paunti-unti, o magsipsip ng ice chips
-
Kumain ng crackers bago bumangon sa kama
-
Piliin ang malamig at bland na pagkain
-
Umiwas sa maanghang at matatamis
-
Subukang uminom ng ginger tea o ginger supplements
-
Magsuot ng acupressure wristband
-
Iwasan ang stress at usok ng sigarilyo
Risk Factors para sa Morning Sickness
Mas mataas ang posibilidad ng matinding morning sickness kung ikaw ay:
-
May kambal o higit pang ipinagbubuntis
-
May history ng matinding pagsusuka sa nakaraang pagbubuntis
-
May migraine o madaling mahilo
-
May family history ng morning sickness
-
Unang beses magbuntis
-
Obese (BMI 30+)
-
Nasa ilalim ng stress
-
Hindi maganda ang reaksyon sa contraceptives noon
Ang morning sickness ay maaaring bahagi ng normal na pagbubuntis, ngunit hindi ibig sabihin ay kailangan mo itong tiisin nang walang tulong. Laging makinig sa iyong katawan at huwag mag-atubiling kumonsulta sa doktor kung nararamdaman mong may mali o sobra na.
Ang pagiging buntis ay hindi biro, pero may mga paraan upang mapagaan ito. Kung ikaw man ay nasa unang linggo ng pagdadalang-tao o lumalaban sa araw-araw na pagsusuka, tandaan mo ito: hindi ka nag-iisa, at may lunas sa iyong nararamdaman.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!