Halina’t alamin kung ano-ano nga ba ang magagandang bagay na naidudulot ng saging sa ating pangangatawan.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga uri ng saging sa Pilipinas
- Mga benepisyo ng saging
- Saging tea recipe
Ang benepisyo ng saging na naibibigay sa ating katawan ay napakarami. Maliban sa vitamins at minerals na taglay nito ay mahusay din itong panggamot sa ibang mga karamdaman.
Iba’t ibang uri ng saging sa Pilipinas
Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na may ilang uri ng saging ang matatagpuan sa bansa, katulad na lamang ng Lakatan, Latundan, Saba, Senorita, Cavendish, Lagkitan, Bulkan, Morado, Inabaniko, Bungulan, Utungan, at Tingdok.
Ang pagkakaiba-iba ng mga saging ay nakikita at napagaalam base sa kanilang itsura, kulay, laki, hugis, at texture. Maaari itong kainin ng hilaw, pero ang iba ay ginagamitan ito ng iba’t-ibang klase ng luto upang mas nakaka-ayang kainin.
Larawan mula sa Pexels
Subalit sa lahat ng nabanggit na saging ang Saba at Lakatan ang pinaka-kilala sa lahat. Dahil sa halos lahat ng pamilihan, ito ang laging nakatinda.
Madalas itong hanapin ng mga mamimili dahil sa taglay na benepisyo ng saging na saba na makakatulong sa ating mga katawan.
May hatid din na benefits ang saging na lakatan upang higit na lumusog ang ating pangangatawan.
Mga benepisyo ng saging
Ilan nga sa benepisyo ng saging na naibibigay sa atin ay ang sumusunod:
Epekto ng sobrang pagkain ng saging | Image from Freepik
1. Ang saging ay maraming taglay na nutrients
Ang saging ay kilalang good source ng fiber at antioxidants. Siksik din ito ng vitamins at minerals na kailangan ng katawan.
Ang isang medium sized banana o 118grams na saging ay nagtataglay ng sumusunod:
- Potassium: 9% ng RDI (Recommended Daily Intake)
- Vitamin B6: 33% ng RDI
- Vitamin C: 11% ng RDI
- Magnesium: 8% ng RDI
- Copper: 10% ng RDI
- Manganese: 14% ng RDI
- Net carbs: 24 grams
- Fiber: 3.1 grams
- Protein: 1.3 grams
- Fat: 0.4 grams
Nagtataglay din ito ng 105 calories at binubuo ng tubig at carbs.
2. Tumutulong itong mag-moderate ng blood sugar levels
Ang hinog na saging ay mayaman sa isang uri ng fiber na kung tawagin ay pectin. Samantalang ang mga hilaw na saging naman ay nagtataglay ng resistant starch na umaaktong soluble fiber.
Ang pectin at resistant starch na ito ay parehong tumutulong mag-moderate ng blood sugar levels pagtapos kumain. Nagpapawala rin ng gana kumain ang dalawang uri ng fiber na ito dahil pinapabagal nito ang digestion ng pagkain sa tiyan.
Epekto ng sobrang pagkain ng saging | Image from Unsplash
3. Ang saging rin ay tumutulong para ma-improve ang ating digestive health
Dahil sa taglay na dalawang uri ng fiber na pectin at resistant starch, ang saging ay napakahealthy para ating tiyan.
Ang resistant starch ay hindi na dumadaan sa digestion at dumederetso sa ating large intestine na kung saan nagsisilbi itong pagkain ng mga good bacteria sa loob ng ating tiyan.
Samantalang ang pectin naman ayon sa mga pag-aaral ay pinoprotektahan ang ating tiyan mula sa colon cancer.
4. Ang saging ay makakatulong sa pagbabawas ng timbang
Dahil rich in fiber ang saging ay makakatulong rin sa mga gustong magbawas ng timbang. Binabawasan din nito ang ganang kumain ng isang tao dahil sa resistant starch na nagbibigay agad ng feeling ng kabusugan.
Mababa rin ang taglay na calories nito ngunit nag-uumapaw naman ang nutrients na healthy sa katawan.
5. Pinangangalagaan rin ng saging ang ating puso
Ang isa pang importante benepisyo ng saging na naibibigay sa ating katawan ay ang pangangalaga nito sa kalusugan ng ating puso.
Ito ay dahil sa taglay nitong potassium na importante para sa ating heart health at blood pressure control.
Ang pagkain ng potassium-rich diet ay nagpapababa ng blood pressure. At ang mga taong kumakain ng sapat na dami ng potassium ay bumaba ang tiyansa na magka-heart disease ng hanggang 27%. Mayroon din itong taglay na magnesium na importante rin para sa ating puso.
6. Nagtataglay rin ang saging ng powerful antioxidants
Ang saging ay nagtataglay ng maraming uri ng potent antioxidants kabilang na ang dopamine at catechins.
Isa pang benepisyo ng saging sa pamamagitan ng antioxidants na ito ay ang pagbabawas ng tiyansa ng pagkakaroon ng degenerative illness at heart disease. Pinoproteksyonan rin nito ang katawan laban sa damage na naidudulot ng mga free radicals.
7. Ang mga hilaw na saging ay nakakatulong iimprove ang insulin sensitivity ng katawan
Ang insulin resistance ay major risk factor sa pagkakaroon ng type 2 diabetes. At ayon sa mga pag-aaral ang pagkain ng 15-30grams ng resistant starch kada araw ay nag-iimprove ng insulin sensitivity ng 33-50% sa loob ng apat na linggo.
BASAHIN:
10 mabisang halamang gamot para sa iba’t ibang sakit
12 na mga pagkain na mayaman sa FIBER
10 Pinoy herbal remedies that can boost your family’s health!
8. Ini-improve din ng saging ang ating kidney health
Ang isa pang kahanga-hangang benepisyo ng saging sa ating katawan ay ang pangangalagang ibinibigay nito sa ating mga bato o kidneys.
Ito ay dahil sa taglay nitong potassium na mahalaga sa blood pressure control at healthy kidney function.
Sa isang 13-year study sa mga babae, napag-alaman na ang mga kumakain ng 2-3 bananas sa loob ng isang linggo ay bumaba ang tiyansang magkaroon ng kidney disease ng 33%. Samantalang 50% naman para sa mahilig kumain ng saging ng 4-6 times sa isang linggo.
Epekto ng sobrang pagkain ng saging | Image from Unsplash
9. Ang saging ay makakatulong rin sa pagme-maintain ng fitness ng katawan at pag-eexercise
Dahil sa mineral content nito at easily digested carbs, ang saging ay itinuturing rin na perfect food para sa mga athletes.
Ayon sa mga pag-aaral ang pagkain ng saging ay nagpapabawas ng tiyansa ng pagkakaroon ng exercise-related muscle cramps at soreness na umaapekto sa 95% ng ating general population.
Bukod pa rito, sa kadahilanan na ang saging ay nagtataglay din ng B vitamins, ito ay nakakatulong upang lalo pang gumanda ang metabolic process ng isang tao.
Kapag mabilis ang metabolism ng isang tao, madali ding napapalitan ng kaniyang katawan ang pagkain sa pagiging energy.
10. Ang saging ay madaling idagdag sa ating diet
Maliban sa benepisyo ng saging sa ating kalusugan, hindi rin ito mahirap hanapin at idagdag sa pangaraw-araw nating pagkain.
Puwede itong ilagay sa yogurt, cereal at smoothies. Pwede rin itong ihalo sa pagbebake at pagluluto at gawing alternative sa asukal.
At higit sa lahat protektado ito mula sa pesticides o kahit anong pollutants dahil sa makapal na balat nito.
Napakarami nga ng benepisyo ng saging sa atin. Kaya naman para mapanatiling healthy ang ating katawan ay ugaliing kumain ng saging at isama ito sa ating regular diet para makaiwas sa mga sakit.
11. Ang saging ay makakatulong para sa mas maayos na tulog sa gabi
Marami sa atin ang hirap na magkaroon ng maayos na tulog sa gabi dahil marahil sa iba’t ibang mga salik na maaaring makaapekto sa atin.
Ngunit huwag mag-alala sapagkat hindi lamang ang taglay na nutrients ang benepisyo ng saging sa ating buhay. Dahil mayroon ding hatid na benepisyo ang ating pagkain ng saging sa gabi.
Ang pagkain ng saging ilang minuto bago ka matulog sa gabi ay makakatulong upang makapag pakalmpa ng iyong katawan at kalaman.
Ito ang dahilan upang mag-resulta sa sa maayos at mahimbing na tulog lalo na kung ikaw ay isa sa mga tao na nagkaroon ng problema o hirap sa pagkakaroon ng maayos na tulog.
Ngunit isang paalala lamang na kung ikaw ay kasalukuyang may pinagdadaanang karamdaman na gaya na laman ng hika at ubo, maaari mahirapan ang iyong katawan na i-digest ito kung ikaw ay kakain ng saging malapit sa oras ng pagtulog.
12. Nakakatulong upang makaiwas sa stroke
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na ang saging ay mayaman sa potassium na isang vasodilator. Ito ay nakakatulong at nakakaapekto sa mga kalamnan o muscles sa katawan upang makaiwas sa posibleng pagkaka i-stroke, atherosclerosis, at heart attack.
Saging Tea Recipe
Ngayon na alam na natin ang magagandang benepisyo ng saging sa ating katawan, maaari nang masubukan ang isa sa madaming paraan kung paano ka magbe-benefit mula rito.
Hindi lang ito makakain, dahil maaari ka ding makalikha ng masustansyang tsaa mula sa saging
Para sa simple at affordable saging tea recipe, sundan lamang ang tamang proseso at ingredients. Maaari itong gawin sa saging may balat man o wala [depende sa iyong kagustuhan].
Larawan mula sa Shutterstock
Mga sangkap:
- 1 pirasong saging
- 2-3 tasa ng tubig
- Honey (opsyonal)
Paraan: una, pakuluan ang tubig sa kaserola. Oras na kumulo, ilagay ang hiniwa-hiwang saging (maaring may balat pa o wala). Sumunod ay lagyan ng honey, ito ay opsyonal lamang. Pakuluan ng lima hanggang sampung minuto. Matapos kumulo, alisin ang saging at maaari na itong inumin.
Kapalit simple at madaling paraan ng paggawa ng Saging tea ay ang karagdagang health benefit nito sa iyong katawan.
Makakatulong ito upang maiwasan ang bloating o bloated ni tiyan. Ang saging tea ay makakatulong rin upang makatulog ka ng maayos sa gabi. Bukod pa rito, mababa lamang ang sugar kaya’t hindi makaka konsumo ang iyong katawan ng sugar higit sa kailangan mo.
Source:
Healthline, OrganicFacts, Medical News Today
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!