X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Hyperemesis Gravidarum: Mga sintomas at paggamot dito

4 min read

Ang pagkakaroon ng Hyperemesis Gravidarum o pagsusuka ng kulay dilaw na mapait ng buntis, karaniwan ba ito?

Lahat halos ng nagbubuntis ay nakakaranas ng morning sickness, o pagkahilo at pagsusuka sa umaga. Mayroong mas malala sa pagkahilo ang nararamdaman. Ayon sa WebMD Medical Reference, halos 3% ng mga nagbubuntis ang may kalagayang tinatawag na hyperemesis gravidarum. Walang gamot dito, ngunit ito ay pansamantala lang naman at maraming paraan para mapagaan ang pakiramdam ng mga may ganitong karamdaman.

pagsusuka ng kulay dilaw na mapait ng buntis

Image from Freepik

Pagsusuka ng kulay dilaw na mapait ng buntis

Pagsusuka maya’t maya ang isang pangunahing sintomas nito. Ano ang sinusuka ng buntis? Halos bawat kainin mo ay inilalabas sa pagsusuka, kahit anong oras pa—gabi man o umaga. Kaya naman kapag hindi naagapan, maaaring maging sanhi ng dehydration at pagbaba ng timbang.

Kung ang morning sickness ay sa umaga lang at nawawala na paglagpas ng unang trimester, mas matagal nararamdaman ang hyperemesis gravidarum. Ilang buwan ang pagsusuka ng buntis? Minsan nagsisimula ito sa ika-apat na linggo ng pagbubuntis at maaaring tumigil ang paglala sa ika-20 linggo, ngunit hindi tuluyang nawawala.

Ang pagkahilo, pagsusuka, pagbaba ng timbang habang buntis ay ang mga pangunahing sintomas ng hyperemesis gravidarum. Nariyan na rin ang pakiramdam na palaging sobrang pagod, hindi makaihi, madalas na pagsakit ng ulo, nahihimatay, jaundice, mababang blood pressure, mabilis na heart rate, at secondary anxiety o depresiyon.

pagsusuka ng kulay dilaw na mapait ng buntis

Ano ang sanhi?

Ayon sa libro ni Elizabeth Kaledin na “The Morning Sickness Companion”, wala pang lubusang nakakaalam ng sanhi nito. Hinuha ng mga doktor, ang isang maaaring dahilan ay ang pagtaas ng hormone levels ng isang buntis.

Sinasabing kung ang isang babae ay nagkaroon na ng HG sa unang pagbubuntis, mas malaki ang posibilidad na magkakaron siya ulit nito sa mga susunod na pagbubuntis, katulad nga ng nangyari kay Princess Kate. Ito ay nakakaapekto sa mga kababaihan na mas sensitibo sa tumataas na level ng hormones kapag nagbubuntis.

Ano ang mga posibleng komplikasyon nito, lalo sa sanggol?

Alam mo bang maaaring maapektuhan ang iyong timbang, kidneys o baga, mineral balance, at may posibilidad na maipanganak ng maaaga sa due date o premature ang bata o di kaya’y mababa ang timbang nito pagkapanganak kung hindi maaagapan.

Kung ang timbang na nababawas sa iyo ay nasa 5% lamang ng iyong nakaraang timbang, normal lang ito. Pero kung mas malaki dito at patuloy ang pagbaba ng timbang, kailangang ikunsulta agad sa doktor.

Mga paggamot sa HG

pagsusuka ng kulay dilaw na mapait ng buntis

Image from Freepik

Una na rito ay ang ilang pagbabago sa kinakain. Kailangan ding maging maigting ang pagpapahinga. May mga mas malalang kalagayan ng HG ang nangangailangan ng pagpapaospital upang matugunan ang mga nutrisyonal na pangangailangan ng nagbubuntis.

Huwag basta basta uminom ng gamot na hindi ibinigay ng doktor. Ang bawat paggamot sa HG ay maaaring maging iba sa bawat sitwasyon at bawat tao.

Sabi ng iba, ang pag-inom ng multi-vitamins bago pa man magbuntis o kung nagpaplano nang mabuntis ay makakatulong. Kumpletong pagpapahinga o bed rest ay maaaring makatulong sa stress at sakit na nararamdaman. Siguraduhin lang na may oras ding bumangon at maglakad-lakad kahit sa loob ng bahay para ma-ehersisyo ang mga muscles. May mga naniniwala sa acupressure, na hindi naman din masama.

Tandaan lang na kahit anong iniinom o ginagawa mo sa iyong katawan ay may direktang epekto sa dindadalang sanggol. Ikunsulta palagi sa doktor ang mga planong gawin o inumin para sigurado.

Ano nga ba ang pwede kong gawin?

Subukan ang mga sumusunod:

  • Kumain ng pakonti-konti, ngunit mas madalas sa loob ng isang araw para hindi lalong lumala ang pagsusuka.
  • Uminom ng fluids, pero iwasan ang pag-inom ng masyadong marami sa isang inuman lamang. Gumamit ng straw.
  • Iwasan ang mainit na pagkain dahil nakaka-trigger ito ng pagkahilo.
  • Subukan ang mga mas malalamig na pagkain.
  • Maaaring ipayo ng doktor ang pag-inom ng inuming mayaman sa electrolytes tulad ng inuming sports at nutritional supplements.
  • Matulog ng nasa oras ng sapat na oras.
  • Mag-relax at iwasan ang stress.
  • Ang luya daw ay nakakatulong. Maaring gawing tsaa o ilaga ang luya at inumin ang pinaglagaan.
  • Itanong sa doktor kung maaaring uminom ng antacids.

Walang dapat ipag-alala kung mayroong ganitong kalagayan, basta kumunsulta agad sa espesyalista at huwag pababayaan ang sarili.

 

Source:

“The Morning Sickness Companion” ni Elizabeth Kaledin, WebMD, CNN, Medscape

Basahin:

LINEA NIGRA: Mga mahalagang kaalaman tungkol sa linya sa tiyan ng buntis

Partner Stories
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
A Simple Guide To Gentle Parenting
A Simple Guide To Gentle Parenting
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Absolute Celebrates Mommy Welfare Month this September:  Pure Moms, Pure Love Video Podcast
Absolute Celebrates Mommy Welfare Month this September: Pure Moms, Pure Love Video Podcast

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Anna Santos Villar

Maging Contributor

Inedit ni:

mayie

  • Home
  • /
  • Para Sa Magulang
  • /
  • Hyperemesis Gravidarum: Mga sintomas at paggamot dito
Share:
  • Sintomas ng 18 weeks na buntis at development ng iyong sanggol

    Sintomas ng 18 weeks na buntis at development ng iyong sanggol

  • Ano ang ovulation at fertile window? 7 impormasyon para malaman kung kailan pwedeng mabuntis

    Ano ang ovulation at fertile window? 7 impormasyon para malaman kung kailan pwedeng mabuntis

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Sintomas ng 18 weeks na buntis at development ng iyong sanggol

    Sintomas ng 18 weeks na buntis at development ng iyong sanggol

  • Ano ang ovulation at fertile window? 7 impormasyon para malaman kung kailan pwedeng mabuntis

    Ano ang ovulation at fertile window? 7 impormasyon para malaman kung kailan pwedeng mabuntis

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.