Masakit ang ulo at nasusuka? Naranasan mo na ba ito? Maraming uri ng pananakit ulo pero paano ba nating masasabi na simple lamang na sakit ng ulo ito o migraine na? Alamin natin ang pagkakaiba nito sa artikulong ito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Bakit sumasakit ang ulo?
- Sintomas ng migraine
- Mga migraine triggers
- Gamot sa migraine at kailan magpapakonsulta sa doktor
Bakit sumasakit ang ulo?
Maraming sanhi ang pananakit ng ulo, at karaniwan itong nanaranasan ng mga tao. Ilan sa mga sanhi ng pananakit ng ulo ay stress, depression, anxiety, migraine, high blood pressure, may injury, at puwedeng dahil sa panahon.
Kadalasan ang nararanasan nating pananakit ng ulo ay sanhi ng tensyon sa leeg at ulo. Mabilis din itong nawawala kapag napapahinga na natin.
Subalit ang pananakit ng ulo ng madalas ay maaaring sintomas ng isang medical condition katulad na lamang ng migraine.
Larawan mula sa Freepik
Ano ang migraine?
Ang migraine ay isang neurological condition kung saan marami itong sintomas. Maaari itong mamana. Ilan sa mga sintomas nito ay ang malubhang sakit o tila tumitibok na pakiramdam na kadalasang nararamdaman sa isang bahagi ng ulo.
Kadalasan itong may kasamang pagkahilo, pagsusuka, at matinding pagkasensitibo sa ilaw at tunog. Maaari itong tumagal nang ilang oras lamang ngunit maaari ring abutin ng ilang araw.
Nada-diagnose ito sa pamamagitan ng isang clinical history at mga sintomas na nararanasan. Maaaring magsimulang makaranas nito kahit bata pa hanggang early adulthood.
Madalas na nagkakaroon ng migraine ang mga babae kaysa sa mga lalaki. Ang pagkakaroon nito sa pamilya ay isang common risk factor kung bakit ka maaaring magkaroon din nito.
Mga senyales at sintomas ng migraine
Ang migraines ay kadalasang nagsisimulang maramdaman mula sa pagkabata, adolescence o simula ng pagtanda. Maaari itong dumaan sa apat na bahagi. Ganunpaman, hindi lahat ay nararanasan ang apat na bahaging ito. Ang mga sintomas sa bahaging ito ay ang mga sumusunod:
Prodrome
May mga mararamdamang kaunting pagbabago isa o dalawang araw bago ang migraine. Ang mga ito ay:
- Constipation
- Pagbago ng mood
- Paghahangad ng pagkain
- Paninigas ng leeg
- Pagka-uhaw at pagiihi
- Madalas na paghikab
- Depresyon
- Pagiging iritable
- Wala masyadong energy
Image from Freepik
Aura
Kadalasan itong sintomas ng migraine pero maaari ring sabay-sabay na maramdaman. Kapag nagsimulang maramdaman ang mga ito, unti-unti itong lumalala nang ilang minuto.
Maaaring tumagal ang mga sintomas mula 20 hanggang 60 minuto. Ang mga maaaring maramdaman ay ang mga sumusunod:
- Pagkita ng iba’t ibang hugis, bright spots, o mga flash ng liwanag
- Pagkawala ng paningin
- Pakiramdam na may tumutusok sa braso o hita
- Hirap sa pagsasalita
- Nakakarinig ng ingay o tugtog
- Hindi mapigilang biglaang paggalaw
- Hirap sa pagsasalita ng malinaw
- Panandaliang pagkawala ng paningin
BASAHIN:
How do you know if your baby is suffering from a headache?
Sakit ng ulo: Mga gamot para maibsan ang headache
Soothing headache and earache in children
Attack
Ang kadalasan ng pagkakaroon ng migraine ay iba-iba kada tao. Maaaring bihira itong maranasan o kaya naman ay ilang beses kada buwan.
Subalit ang migraine na hindi magamot ay maaaring umabot nang 72 oras. Habang nakakaranas ng migraine attack, maaaring magkaroon ng:
- Pananakit ng isang bahagi ng ulo o parehong bahagi
- Sakit na tila tumitibok
- Pagiging sensitibo sa liwanag, ingay, at minsan, amoy at gaspang.
- Pagkahilo
- Pagsusuka
Post-drome
Matapos ang migraine attack, ang mga biglaang pag-galaw ng ulo ay maaaring magdulot ng pagbalik ng pananakit. Maaari ring maramdaman na nanghihina, nalilito at pagod na pagod.
Ang haba ng oras na nararanasan ito ay iba-iba sa iba’t ibang tao. Maaaring hindi mo mapagdaan ang lahat ng phase na ito, at maaari ka ring makaranas ng migraine attack kahit na hindi sumasakit ang iyong ulo.
Migraine nausea
Kapag mayroong migraine kadalasan masakit ang ulo at nasusuka. Kalahati sa mga taong may migraine at nararansan ito. Sabay na lumalabas ang parehong sintomas na ito.
Ang pagsusuka at mahirap din katulad ng pananakit ng ulo. Kung nakakaranas ka lang ng pagsusuka maaaring mahirapan kang inumin ang gamot mo sa migraine.
Masakit ang ulo at nasusuka maaaring senyales na ito ng migraine.
Kapag hindi ka nakainom agad ay maaaring maging matindi pa ang mararanasan mong mga sintomas.
Ayon sa Healthline, kung ikaw ay may nausea at hindi naman nagsusuka maaaring irekumenda sa iyo ng iyong doktor ang ilang medikasyon. Katulad ng mga anti-nausea o antiemetic drugs.
Ang antiemetic ay maaaring makatulong upang maiwasan ang pagsusuka at mawala ang nausea. Isa pa sa sinasabing makakatulong sa paggamot sa migraine nausea ay ang acupressure.
Isang pag-aaral noong 2012 ang nasasabi na nakakatulong acupressure upang mabawasan ang intensity ng isang migraine na may kaugnayan sa nausea as soon as 30 minutes, magkakaranas ka na ng improvement hanggang 4 na oras.
Mga migraine triggers
Mahalaga na magpatingin sa iyong doktor kung nakakaranas ka ng sintomas ng migraine at pananakit ng ulo. Maaari niyang ibahagi ang mga maaari mong gawin at mga triggers ng migraine attacks na nararanasan mo.
Ayon sa Medical News Today, narito ang mga migraine triggers subalit maaari itong maging iba-iba sa mga taong may migraine. Ito ay ang mga sumusunod:
- Pagbabago ng hormones. Halimbawa kapag menstruation para sa mga babae.
- Emotional triggers, katulad ng stress, depression, anxiety, o excitement.
- Mga pagkain. Maaaring mag-trigger ito kapag uminom ng alcohol, caffeine, at kumain ng cheese, citrus, fruits, at pagkain na mayroon tyramine additive.
- Medications. Halimbawa na lamang katulad ng sleeping pills, hormone replacement therapy, at ilang mga birth control pills.
- Environmental factos, katulad ng usok mula sa sigarilyo, maingay na tunog, pagbabago ng temperatura, at matinding liwanag.
Ilan pa sa maaaring magpa-trigger ay ang mga sumusunod:
- pagkapagod
- kulang sa tulog
- pananakit o pagkakaroon ng tensyon sa balikat at leeg
- poor posture
- physical overexertion
- low blood sugar
- jet lag
- hindi pagkain sa oras
- dehydration
Home at natural remedies sa migraine
Mayroon mga home remedies na maaaring makatulong ayon sa Medical News Today upang mabawasan ang sintomas ng migraine. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
- Paggamit ng cold packs o masks
- Pagkakaroon ng tahimik, at madilim na kwarto
- Pagtulog, lalo na kung kinakailangan.
Maaari ring sumubok ng nondrug remedies katulad ng accupuncture at neck exercises o physical therapy.
Tandaan na bago subukan ang lahat ng ito ay siguraduhin muna na ipakonsulta at itanong sa iyong doktor kung maaari mo itong gawin.
Gamot sa migraine at kailan magpapakonsulta sa doktor
Image from Freepik
Kadalasan ay hindi pinapasuri o walang gamot sa migraine. Kung napapansin na madalas ang pagkakaroon nito, makakabuting i-record ang tagal at kung kailan naramdaman.
Ipakita ang record sa iyong doktor. Kahit pa dati nang madalas makaramdam ng ganitong uri ng sakit ng ulo, magpakonsulta kung tingin mo ay nakababahala na ito.
Agad na tumungo sa iyong doktor o sa emergency room kung maramdaman ang mga sumusunod:
- Biglaang pagsakit ng ulo na maihahalintulad sa biglaang pagkulog
- Pagsakit ng ulo na may kasamang lagnat, paninigas ng leeg, pagkalito, kombulsiyon, dobleng paningin, pagkahina, pagkamanhid, o hirap sa pagsasalita
- Sakit ng ulo matapos ang head injury
- Pabalik balik na pagsakit ng ulo na lumalala kapag may kasamang pag-ubo, pagkapagod, o biglaang paggalaw
- Bagong pagsakit ng ulo matapos ang 50 taong gulang
Source:
Mayo Clinic, Healthline, Medical News Today
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!