Alam mo ba na ang atay (o liver) ay isa sa pinakamahalagang organ ng ating katawan? Isa itong tahimik ngunit masipag na manggagawa—na tumutulong sa pag-filter ng toxins, pagtunaw ng pagkain, pag-imbak ng enerhiya, at pag-regulate ng cholesterol sa dugo. Ayon sa Cleveland Clinic, gumagawa rin ang atay ng protina na mahalaga sa blood clotting at metabolism.
Kaya kapag may diperensiya ang atay, ramdam ito sa buong katawan. Ang mas nakakalungkot, maraming tao ang may sakit sa atay pero hindi agad namamalayan—dahil hindi agad nagpapakita ng sintomas ang liver disease hanggang sa ito’y malala na.
Narito ang 10 sintomas ng sakit sa atay na kailangan mong bantayan para maagapan bago pa ito lumala.
1. Paninilaw ng balat at mata (jaundice)
Isa sa pinaka-karaniwang senyales ng liver disease ang paninilaw ng mata at balat. Ayon sa Mayo Clinic, ang paninilaw ay dulot ng pagdami ng bilirubin sa dugo—isang substance na hindi naipoprocess nang maayos ng atay.
2. Madaling mapagod o pagkahapo
Ang sobrang panghihina kahit may sapat na tulog ay isa rin sa senyales ng atay na hindi gumagana nang maayos. Kapag bumagal ang function ng liver, bumababa rin ang energy levels ng katawan.
3. Pagkawala ng ganang kumain
Kapag tuluy-tuloy ang kawalan ng gana at unti-unti kang pumapayat, dapat na itong ikonsulta. Ang liver dysfunction ay puwedeng makaapekto sa digestive process, kaya’t bumababa ang appetite.
4. Pagsusuka o laging pakiramdam ay nasusuka
Liver problems can cause nausea and vomiting, lalo na kung may liver inflammation or infection. Normal sa katawan ang minsan pagsusuka, pero kung madalas na, dapat nang ipatingin.
5. Pananakit ng tiyan sa bandang kanan sa itaas
Sintomas ng sakit sa atay ay pananakit ng tiyan sa bandang kanan | Larawan mula sa Shutterstock
Ang atay ay nasa upper right abdomen. Kapag may sakit ka sa area na ‘yon, lalo na kung mahapdi, dull, o parang “namamaga” ang pakiramdam, posibleng may liver condition ka.
6. Madalas na kabag at bloating
Kapag palagi kang feeling busog o bloated kahit konti lang ang kinain mo, at may kasamang pag-utot o kabag, maaaring sintomas ito ng atay na hindi maayos ang function.
7. Pagbabago sa kulay ng ihi at dumi
Dark-colored urine (kulay tsaa o orange) at maputlang dumi (clay-colored stool) ay indikasyon na hindi na-naprocess nang maayos ang waste sa katawan—sign ng liver dysfunction.
8. Pamamaga ng tiyan, binti, o paa (ascites/edema)
Kapag napansin mong lumalaki ang tiyan o namamaga ang mga paa, puwede itong sign na may fluid buildup dahil sa cirrhosis o advanced liver disease.
9. Confusion o pagkabagal mag-isip
Kapag may toxins sa dugo na hindi na nafi-filter ng atay, nakakaapekto ito sa utak. Tinatawag itong hepatic encephalopathy—na puwedeng magdulot ng memory loss, disorientation, o confusion.
10. Madaling magkapasa o dumugo
Kapag konting bangga lang ay may pasa na agad, o madalas dumugo ang ilong o gilagid, maaaring may problema sa clotting factors—na karaniwang ginagawa ng liver.
Saan nakukuha ang sakit sa atay?
Larawan mula sa Shutterstock
Maraming dahilan kung saan nakukuha ang sakit sa atay. Narito ang ilan:
-
Labís na pag-inom ng alak – Isa sa pangunahing sanhi ng cirrhosis o liver scarring.
-
Fatty liver disease – Kadalasang dahil sa poor diet, obesity, o sedentary lifestyle.
-
Hepatitis A, B, at C – Viral infections na naaapektuhan ang liver.
-
Exposure sa toxins at gamot – Ilang painkillers o herbal medicines ay puwedeng makasira ng atay kapag sobra o hindi akma ang paggamit.
-
Namamanang sakit sa atay – Tulad ng Wilson’s disease o hemochromatosis.
Mga dapat kainin ng may sakit sa atay
Kung may liver condition ka o gusto mong maiwasan ito, heto ang mga dapat kainin ng may sakit sa atay:
Pampalakas ng immune system at mataas sa antioxidants.
Tulad ng oats, whole grains, at legumes na tumutulong sa digestion at detox.
Tulad ng isda, tofu, o manok (iwasan ang processed meats).
Panatilihing hydrated ang katawan. Iwas sa soft drinks, matatamis na juice, at sobrang kape.
Gaya ng avocado, olive oil, at nuts—pero sa tamang dami.
Iwasan ang mga ito:
Final reminder para sa mga Pinoy families
Kung may nararamdaman ka sa alinman sa 10 sintomas ng sakit sa atay, huwag balewalain. Mas mabuting maagapan ang anumang liver disease kaysa hintaying ito’y lumala. Tandaan na ang liver ay hindi agad nagpaparamdam—kaya kung may senyales na, magpatingin na agad.
Sa tulong ng tamang kaalaman, healthy lifestyle, at suporta ng pamilya, maaari nating mapanatiling malusog ang ating atay—at ang buong katawan.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!