TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

7 min read
8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

Alamin kung gaano kalubha ang meningitis at meningococcemia, ang kanilang mga sintomas, at kung bakit mahalaga ang maagang gamutan at pagbabakuna para sa proteksyon ng buong pamilya.

8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

Image credit to: AAP (American Academy of Pediatrics)

Source: publications.aap.org/

Kada ika-5 ng Oktubre ipinagdiriwang ang “World Meningitis Day”.  Ano nga ba ang meningitis at bakit taon-taon ginugunita ng buong mundo ang sakit na ito?

Ang meningitis ay ang pamamaga ng meninges – ang mahalagang bahagi ng katawan na bumabalot sa utak para proteksyunan ito. Maraming sanhi ng meningitis at impeksyon ang pinakamadalas.

Sa mga uri ng impeksyon na maaring magdulot ng meningitis, meningococcemia o ang impeksyon sa dugo na sanhi ng Neisseria meningitidis, ang isa sa mga pinaka mapanganib ngunit maaari ding magdulot ang bacteria na ito ng  tinatawag na meningococcal meningitis kahit walang impeksyon sa dugo o meningococcemia.

 

 

1. Mabilis kumalat at lubhang nakakahawa ang meningococcemia.

Ang Neisseria meningitidis ay isang bacteria na kumakalat mula sa “secretions” ng mga taong may impeksyon – katulad ng sa pagbahing o pag-ubo. Ang “close contact” ay mahalagang elemento para mahawa. Kaya karamihan ng mga “outbreak” ng meningococcemia ay nangyayari sa mga matatao o siksikan na lugar tulad ng mga dormitoryo sa kolehiyo at mga malalaking pagtitipon tulad ng mga konsiyerto.

May mga “carriers” din na wala kang makikitang kahit anumang sintomas subalit nagdadala ang mga ito ng bacteria sa ilong o lalamunan. 

Kung may pinaghihinalaang nahawa ng sakit na ito, lalo na kung kasama sa bahay, day care o mga kaibigan, ipagbigay alam agad ito sa inyong pinagkakatiwalaang doktor upang mabigyan ng gamot para mapababa ang panganib na mahawa.

 

2. Ang meningitis at meningococcemia ay parehong may banta sa mga bata man o matatanda.

Mas mataas ang panganib sa mga sanggol o infants, toddlers, mga taong mahina ang resistensya, at mga matatanda o elderly. 

Ayon sa datos, malaking  porsyento ng mga kaso ay sa mga bagong silang na sanggol sapagkat hindi pa malakas ang kanilang immunity. Ang mga teenager naman ang sunod na may mataas ang kaso dahil sa mga factors na nagdudulot ng hawaan o transmission tulad ng paninirahan sa mga dormitoryo, pagdalo ng mga malalaking pagtitipon, pakikipaghalikan, at paninigarilyo. Ang mga senior citizen ay nasa panganib din dahil sa kanilang humihinang immunity habang tumatanda. 

Ang mga “travelers”o madalas na bumabyahe papunta sa mga bansang mataas ang kaso ng meningococcemia, tulad ng Saudi Arabia at mga nasa African Meningitis Belt, ay may risk exposure din sa sakit na ito, gaya ng mga Muslim na lumalahok sa Hajj o Umrah pilgrimage sa Mecca.

3. Ang meningococcal rash at iba pang mga kilalang sintomas ng meningococcemia.

Hindi lahat ng meningitis ay may ganitong klaseng sintomas, lumalabas lamang ang rash na ito kapag ang sanhi ay Neisseria meningitidis.

Sa umpisa, makikita ito bilang maliliit na kulay red o purple na butlig (petechiae). Mabilis itong kumakalat at nagiging mas malalaki at madilim na kulay murado na patse-patse o parang pasa (purpura). Kung maitim ang balat, mas makikita ang rash sa palad, talampakan, talukap ng mata, tiyan, at loob ng bibig. Dahil mabilis ang paglala nito, ito ay itinuturing na medical emergency.

8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

Image credit to: AAP (American Academy of Pediatrics)

Source: publications.aap.org/

4. Hindi lahat ng may meningitis ay nagkakaroon ng skin rash o pasa.

Ang mga sumusunod ay iba pang sintomas ng meningitis maliban sa rash  : 

  • Mataas na lagnat
  • Ubo at sipon
  • Masakit na ulo 
  • Panghihina ng katawan 
  • Sakit ng mga kasu-kasuan
  • Kombulsyon o seizure ay maaring hudyat na malala na ang sakit

Narito naman ang iba pang sintomas ng meningitis na maaaring makita sa mga sanggol:

  • Walang ganang kumain o dumede (poor suck)
  • Mahinang pag-iyak (poor cry)
  • Pagsusuka 
  • Lagnat
  • Naka-umbok ang bumbunan (bulging fontanelle)
  • Kombulsyon o seizure
  • Pag-arko at paninigas ng buong katawan o opisthotonos

Tandaang ang mga sintomas ng meningitis ay maaaring hindi lumabas ng sabay-sabay at sa halip ay magkasunod, depende sa bilis ng paglala ng kondisyon. Maari ring hindi lahat ng sintomas ay lumabas. 

Source:https://www.medicalnewstoday.com/articles/324726#symptoms-in-adults

Source:www.medicalnewstoday.com/articles/324726#symptoms-in-adults

5. Delikado ang meningococcemia—at nakamamatay!

Mataas ang posibilidad ng kamatayan kapag ang isang tao ay nagkaroon ng meningococcemia. Ayon sa mga pag-aaral, hanggang 15% ng mga naapektuhan ay namatay dahil sa sakit na ito. Ang masaklap ay dahil sa mabilis nga ang paglala ng mga sintomas nito, karamihan ay pumapanaw sa loob lamang ng unang 24 oras matapos ma-diagnose ang kondisyon.

Bukod dito, 30% ng mga nakaligtas ay maaari namang makaranas ng pang habang buhay na mga komplikasyon. Ito ay dahil sa habang lumalala ang kondisyon, nasisira ang mga daluyan ng dugo sa katawan o “blood vessels”, na sanhi ng kakulangan ng dami ng dugong dumadaloy sa mga kamay at paa na posibleng mauwi sa permanenteng peklat, at sa mga malubhang kaso ay pagkaputol o “amputation” ng mga braso at binti. Maari ring magdulot ito ng pagkabingi, pagkabulag, at hirap sa pag-iisip at pag-aaral.

8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

Image credit to: Dr. Douglas Lanska through Medlink Neurology

Partner Stories
Super Biker Mom gets a suprise gift from Food Panda!
Super Biker Mom gets a suprise gift from Food Panda!
Let’s go fiesta-hopping this May with CIMB Bank PH
Let’s go fiesta-hopping this May with CIMB Bank PH
Being The Voice Of Garfield Is Pretty Dope, Says Chris Pratt, Who Voices The Iconic Monday-Hating, Lasagna-Loving Cat In “The Garfield Movie,” In Cinemas May 29
Being The Voice Of Garfield Is Pretty Dope, Says Chris Pratt, Who Voices The Iconic Monday-Hating, Lasagna-Loving Cat In “The Garfield Movie,” In Cinemas May 29
We're oil in this together! Young Living stands as one with the nation in supporting our healthcare frontliners
We're oil in this together! Young Living stands as one with the nation in supporting our healthcare frontliners

Source: www.medlink.com/media/menmdl14

6. Diagnosis and early treatment ay mahalaga laban sa meningococcemia at meningococcal meningitis.

Ang diagnosis ng meningococcemia ay nakasalalay sa pagkilala ng mga sintomas at pagsasagawa ng mga wastong eksaminasyon katulad ng blood test at pag-test ng tubig sa likod o lumbar puncture. 

Mahalagang magpakunsulta agad sa doctor kapag may kahinahinalang sintomas.

7. Ang maagap na pagbibigay ng antibiotics ang pinakamahalagang lunas para sa meningococcemia.

Ang meningococcemia ay itunuturing na isang medical emergency na nangangailangan ng hospital admission sa lalong madaling panahon.

Para maiwasan ang kamatayan at pang habang buhay na mga komplikasyon, mahalagang maibigay agad ang angkop na antibiotics. Kailangan ring ihawalay ang pasyente sa iba dahil maari silang makahawa sa loob ng 24 na oras matapos masimulan ang antibiotic treatment.

8.  Ang pagbabakuna at iba pang preventive measures ang susi laban sa meningococcemia at meningococcal meningitis.

Narito ang mga bakuna upang maprotektahan laban sa mga sakit na ito:

MenACWY at MenB vaccines – dalawang uri ng vaccines laban sa meningococcemia. Ang Men ACWY ay may proteksyon laban sa apat na serotype: Men A, C, W and Y kung saan ang Men C and W ang pinaka-nakamamatay base sa mga kaso ng meningococcemia na naitala habang ang MenB naman ang pinakamadalas o karaniwang sanhi ng meningococcemia sa ating bansa.

6-in-1 vaccine (laban sa Diphtheria, Tetanus, Pertussis, Poliovirus, Haemophilus influenzae type B or Hib, Hepatitis B) – ang Hib ay isa sa mga karaniwang sanhi ng meningitis lalo na sa mga bata na limang taong gulang pababa.

Pneumococcal vaccine – laban sa Streptococcus pneumoniae dahil ang bakuna na ito ay protection hindi lamang para sa pulmonya kundi pati din sa meningitis. 

 

TANDAAN! Mahalaga ang pagbabakuna lalo na sa mga bagong silang na sanggol, teenager, at travelers upang makaligtas laban sa banta ng sakit na ito, mataas din kasi ang posibilidad na magkaroon ng long-term effects ang meningitis sa isang pasyente. 

BAKUNA ang nagbibigay ng PINAKAMATIBAY NA PROTEKSYON LABAN SA MENINGOCOCCAL DISEASE.  

Paalala! Mga mommy at daddy, huwag nang maghintay ng mga sintomas bago kumilos. Siguraduhing kumonsulta sa inyong trusted pediatrician para sa tamang schedule ng bakuna ng inyong baby. Bantayan ang early warning signs tulad ng lagnat, stiff neck, o kakaibang rash. Panghuli, ang maagang proteksyon ay katumbas ng ligtas na kinakabukasan para sa inyong anak. 

PH-NP-SAO-MEN-DA-HCP-000001-10-03-2026

October 2025

  1. Rouphael NG et al., Methods Mol Biol. 2012;799:1-20 2. CDC. Meningococcal disease. www.cdc.gov/meningococcal/surveillance/index,html#print. Last reviewed 6 March 2023 [accessed April 2023] 
  2. CDC. Enhanced meningococcal disease surveillance report, 2017. www.cdc.gov/meningococcal/downloads/NCIRD-EMS-Report-2017,pdf. Accessed 12 November 2019 
  3. Martinon-Torres F. J Adolesc Health. 2016;59(2 Suppl):S12-S20  5. CDC. Surveillance data tables: incidence rates (per 100,000 persons) of meningococcal disease by age group from 2007 to 2017. www.cdc.gov/meningococcal/surveillance/surveillance-data.html#figure02. Updated 31 May 2019 [accessed 12 November 2019] 6. Wang B et al.,H. Vaccine. 2019;37(21):2768-2782. 7. Lundbo LF et al., IDWeek 2016; October 28, 2016; New Orleans, LA. Abstract 957  8. Folaranmi TA et al., Clin Infect Dis. 2017;65(5):756-763  9. Badahdah AM et al., Vaccine. 2018;36(31):4593-4602  10. McNamara LA et al., MMWR. 2017;66(27):734-737  11. MacNeil JR et al., MMWR. 2016;65(43):1189-1194  12. CDC. Meningococcal disease. Pink Book 13th edition. 2015:231-246  13. Yezli S et al., Int J Infect Dis. 2016;47:60-64  14. Kanai Met al., Western Pac Surveill Response J. 2017 (2):25-30  15. Gorla MC et al., Enferm Infecc Microbiol Clin. 2012;30(2):56-59  16. Centers for Disease Control and Prevention. Travel-related infectious diseases: meningococcal disease. In: Brunette GW, Nemhauser JB, eds. CDC Yellow Book 2020: Health Information for International Travel. New York, NY: Oxford University Press; 2017. https://wwwnc.cdc.gov/
  4. Travel/yellowbook/2020/travel-related-infectious-diseases/meningococcal-disease [accessed April 2023]  18. CDC. Manual for the surveillance of vaccine-preventable diseases. Chapter 8: meningococcal disease. www.cdc.gov/vaccines/pubs/surv-manual/chpt08-mening.html. Updated January 2022 [accessed April 2023] 
  5. Badahdah AM et al., World J Clin Cases. 2018;6(16):1128-1135.  20. DOH – Philippines, Meningitis Reasearch Foundation, Healthline

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

theAsianparent Philippines

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga Bakuna
  • /
  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia
Share:
  • HPV vaccine libreng ipapamigay ng DOH sa mga batang babae edad siyam na taong gulang ngayong taon

    HPV vaccine libreng ipapamigay ng DOH sa mga batang babae edad siyam na taong gulang ngayong taon

  • Pertussis outbreak idineklara sa Quezon City, DOH nakapagtala ng 453 kaso ng sakit sa unang mga buwan ng 2024

    Pertussis outbreak idineklara sa Quezon City, DOH nakapagtala ng 453 kaso ng sakit sa unang mga buwan ng 2024

  • Ligtas ba ang pneumococcal vaccines o bakuna laban sa pulmonya?

    Ligtas ba ang pneumococcal vaccines o bakuna laban sa pulmonya?

  • HPV vaccine libreng ipapamigay ng DOH sa mga batang babae edad siyam na taong gulang ngayong taon

    HPV vaccine libreng ipapamigay ng DOH sa mga batang babae edad siyam na taong gulang ngayong taon

  • Pertussis outbreak idineklara sa Quezon City, DOH nakapagtala ng 453 kaso ng sakit sa unang mga buwan ng 2024

    Pertussis outbreak idineklara sa Quezon City, DOH nakapagtala ng 453 kaso ng sakit sa unang mga buwan ng 2024

  • Ligtas ba ang pneumococcal vaccines o bakuna laban sa pulmonya?

    Ligtas ba ang pneumococcal vaccines o bakuna laban sa pulmonya?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko