Kahapon ay idineklara ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na may pertussis outbreak sa lungsod. Mga residente pinag-iingat sa sakit lalo pa’t may mga naitala ng nasawi dahil dito.
Mababasa dito ang sumusunod:
Pertussis outbreak sa Quezon City
Larawan mula sa Shutterstock
Mabilis ang pagkalat ng sakit na pertussis sa Maynila. Kahapon nga lang ay nagdeklara na ng pertussis outbreak sa Quezon City. Ito ay matapos makapagtala ng 23 kaso ng sakit mula noong Enero hanggang sa kasalukuyan. Ayon pa kay Mayor Joy Belmonte, ay may apat na tao na sa Quezon City ang naitala nilang nasawi dahil sa pertussis. Kaya naman paalala niya sa publiko ay magdoble-ingat laban sa sakit. At ang unang hakbang para magawa ito ay magpabakuna na libre namang ipinamimigay sa mga health centers.
Ayon naman sa Department of Health, hindi lang sa Quezon City ang may naitalang mabilis na pagdami ng pasyenteng infected ng pertussis. Marami pang lugar sa Maynila ang dumarami rin ang kaso ng pertussis. Sa katunayan, kumpara sa bilang ng kasong naitala noong 2023 na 23 mula Enero hanggang Marso ay may 453 cases na ng kaso ng pertussis ang naitala sa bansa ngayong taon. Ito ay labis umanong nakakabahala lalo pa’t ang sakit ay nakamamagtay kung hindi agad magagamot.
Ano ang sakit na pertussis?
Larawan mula sa Shutterstock
Ayon sa Center for Disease Control, ang pertussis ay isang nakakahawang sakit na umaapekto sa ating respiratory tract. Dulot ito ng bacteria na kung tawagin ay Bordetella pertussis. Ang bacteriang ito nagrerelase ng poision o lason na nagdudulot ng pamamaga sa daluyan ng hangin ng ating baga.
Sa salitang Tagalog, ang whooping cough o pertussis ay kilala sa tawag na ubong may halak.
Ang pangunahing sintomas ng sakit ay ang sumusunod:
- Sipon
- Baradong ilong
- Namumula at nagluluhang mata
- Lagnat
- Ubo
Sa pagdaan ng araw ay madagdagan ang mga sintomas na ito ng mga sumusunod:
- Pagsusuka dahil sa labis na pag-ubo.
- Pamumula o pangingitim ng mukha
- Labis na pagkapagod
- Maingay at mataas na tunog sa tuwing humihinga.
Kung ang iyong anak ay may ubo na nagpapahirap sa kaniya o nagdudulot ng pagsusuka, mabuting dalhin agad siya sa doktor. May libreng bakuna rin laban sa sakit na available sa mga health centers sa buong bansa. Ipinapayo rin ang patuloy na pagsusuot ng mask sa matataong lugar upang makaiwas sa sakit.
Larawan mula sa Shutterstock
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!