Nagdesisyon akong mag-pregnancy test dahil gusto ko na sanang simulan ang pag-inom ng pills. Kaso nga lang hindi ko inaasahan ang result ng pregnancy test, blurry ang result, parang positive.
Iniwan ko ‘yung PT sa ibabaw ng cabinet namin at makalipas ang ilang oras, pagtingin ko’y nag-positive na. Kaso lang ‘di umano ito valid. Kaya nag-pregnancy test ako ulit saka hindi naman klaro ang resulta nang unang kong pregnancy test. Nakakainis dahil hindi ko alam kung ano ba talaga.
My Twin Pregnancy Journey
Larawan mula sa IStock
On March 6, when I had my period. I was so worried because I thought I was pregnant pero may dugo! Masakit din ang puson ko at likod. Kaya naman pumunta ako sa Polyclinic, at nag-undergo ng TVS (transvaginal ultrasound) at sadly. Wala namang nakitang baby.
Pero nakita na mayroon akong PCOS (polycystic ovaries).
BASAHIN:
Nanay nagulat nang malamang kambal pala ang kaniyang dinadala
Mga paraan na nakakapagpataas ng chance na magbuntis ng kambal
Paano namamana ang pagkakaroon ng kambal sa pamilya?
It was 2 years already after akong nagkaregla simula nang maipanganak ko si Summer (bunsong anak ko). Hindi pa ako nagkakaregla at pure breastfed din kasi siya.
Pero hindi ako makapaniwala hindi ako naniwala nung una sa resulta nang pumunt ako sa Dr. Express Clinic para sa isang second opinion.
Sabi kasi ng OB baka masyado pang maaga para makita si baby, tapos thick din naman ang endometrium ko kaya naman baka binubuo pa. Niresetahan ang ng pampakapit at sinabihan na mag-undergo ulit ng TVS sa April. Kaso ‘di na ako nakabalik para gawin ang TVS dahil lockdown na.
Lockdown dahil sa COVID-19.
Hindi ako makalabas because of COVID-19 kaya ang ginawa ko’y nag-home pregnancy test na lang ako ng ilang ulit. Which turned all negative. Pero ilang araw ang nakalipas noong May, bigla na lang akong nagsuka at nahilo dahil sa amoy ng laundry soap namin. Hindi ko pa tapos ang labahin ko.
Simula nang pangyayaring iyon pinakiramdaman ko lang ang sarili ko. Nagsimula na ang pagsusuka ko ng wagas araw-araw. Kahit natutulog na ako sa gabi ay nagigising ako para lang sumuka. Kaunting galaw lang nahihilo na ako, na tila hinihila ng lupa, ang bigat din ng ulo ko.
Nagdesisyon akong tumawag sa Davao Doc at tinanong ko kung may OB ba sila. Gladly, wala umanong patient kaya pumunta ako roon para mag-undergo ng isa pang TVS at tadaaah. Papa Enteng and Mama Disay are expecting twins!
Thank you, Lord, for this blessing.
PS. Wala po kaming lahing kambal. Pero sabi ni Doc, it’s still possible. It has to start somewhere kasi at sa lahi naming, sa amin nagsimula.
My twin pregnancy story. Larawan mula sa IStock
Present
Now, the twins are 32 weeks and a few more weeks to go I will be able to hold them. Super excited na ako sa kanila. Sa kabila ng hirap sa pagbubuntis ng kambal, na sobrang hirap pala, dahil sobrang sakit sa ribs, sa likod, sa balakang, sa puwet Hindi na rin ako makatulog ng maayos sa gabi dahil ‘di ko alam kung paano pumuwesto.
Pero alam ako its all worth it.
I want to share my twin pregnancy story to inform every woman that it is possible to get pregnant with a twins. Kahit na wala ito sa lahi niyong mag-asawa.
This article has been written by Desiree Grace Crame.
May interesting, funny, or memorable na story sa pagbubuntis, panganganak o pagiging magulang? Share your story! I-send dito!