Paano mabuntis ng kambal? Ang magbuntis ng kambal ay hindi madali para sa lahat ng kababaihan, lalo na kung ito ay wala sa lahi. Pero may mga paraan para mas tumaas ang chance na mabiyayaan nito.
Paano mabuntis ng kambal?
Atin munang alamin kung paano nagkakaroon ng kambal na anak.
Para magkaroon ng fraternal twins, kailangan ng mahigit sa isang ovulation sa panahon ng pagtatalik. Kapag nangyari ito, dalawa o higit pang itlog ang maaring ma-fertilize.
Image from Freepik
Para naman magbuntis ng kambal na identical twins, isang itlog ang na-release pero ito ay nahati sa dalawa.
Nakakatulong ba ang sex position para magbuntis ng kambal?
Bukod sa pagkakaroon ng lahing kambal at mga fertility treatments, nakakatulong din ang sex positions upang mas tumaas ang chance na magbuntis ng kambal.
Madami ang nagsasabi na ito ang mga epektib na posisyon:
- Side by side – sa posisyon na ito, ang isang babae ay nakayuko nang paunahan habang ang kaniyang partner ay nasa kaniyang likuran.
Image from Freepik
- Missionary – Ang pinakasimple at common na posisyon kung saan ang sperm ay madaling makarating sa itlog.
- Standing – Kilala din sa tawag na “door jam” position kung saan ang magkapartner ay nakaharap sa isa’t isa. Habang nakasandal, itaas ang isang paa. Ang deep penetration ay nakakataas ng chance sa pagkakaroon ng kambal.
Mas madali makakapasok ang sperm sa cervix dahil sa trajectory na dulot ng mga posisyon na ito. Pero huwag kalimutan na ang multiple ovulation ang pinakasusi upang mabuntis ng kambal.
Iba pang mga factors na nakaka-impluwensya sa pagbubuntis ng kambal
Ayon sa isang pag-aaral, nakakaapekto ang diet ng isang babae sa abilidad niyang mabuntis ng kambal. Ayon sa mga researcher, ang mga babae na ang diet ay mayaman sa mga animal products tulad ng gatas ay limang beses na mas may chance magkaroon ng kambal na anak.
Ang mga babae din na nasa late 30s ay mas may mataas na chance magkaroon ng multiple pregnancies. Ito ay dahil sa multiple eggs na nare-release tuwing ovulation habang tumatanda.
Image from Freepik
Sabi naman sa isang pag-aaral na naipublish sa Journal of Reproductive Medicine, ang mga babae daw na matatangkad ay mas mataas ang chance na magkaanak ng kambal.
Pero may mga pagkakataon pa din na puwede mabuntis ng kambal sa natural na paraan, kahit wala ang mga factors na nabanggit sa taas.
Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay ang pagkakaroon healthy pregnancy kahit isa o kambal ang iyong dinadala.
Translated from theAsianParent Singapore
Sources:
Science Daily, Healthline, WebMD, VeryWell
Read also:
7 things that increase your chances of having twins
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!